IWHY Season 3 Part 7

364 29 8
                                    

Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

( Rody's Car )

Imee: ( Agad nalipat ang atensiyon ko kay Rody ) Ro--Rody pwede mo bang itabi ang sasakyan?

Rody: Bakit? Gusto mo ba mag pahangin muna?

Imee: ( Tumango lang ako, maya-maya pa ay tumigil kami malapit sa may dalampasigan )

Rody: Gusto mo bang lumabas muna?

Imee: ( Humarap ako sakanya at inilapat ang aking kamay sa kanyang muka ) Nag dudugo...

Rody: ( Agad kong hinawakan ang aking pisngi ) Wala ito..

Imee: Saglit may panyo ako at alcohol sa bag, linisin muna natin pwede?

Rody: Wag na ayos lang naman ak...

Imee: Please... ( Lumabas ako ng sasakyan at umupo sa gilid ng may dagat )

Rody: ( Sumunod ako at pinatay ang sasakyan, Wala akong imik na lumapit )

Imee: ( Inilabas ko ang alcohol at ibinubo ang kaunti nito sa panyo, sinuri kong mabuti ang kanyang muka at ng bigla siyang tumalikod nakita ko na meron siyang kaunting galos sa may braso ) Pa--Pasensiya kana.

Rody: Bakit ka naman humihingi ng pasensiya? Kung dahil yan sa nangyari kanina wag mo ng alalahanin yon.

Imee: Da--Dahil saakin nadadamay ka. ( Yuko kong sabi )

Rody: Wag mong isipin ng dahil sayo kaya ako napapahamak, diba matagal ko ng sinabi sayo na ginusto ko ito at ipinangako ko sa sarili ko na aalagaan kita at ipag tatanggol pag nag kita tayo?

Imee:( Hindi na ako nag salita bagkus ay tumitig ako sa mala itim niyang mata ) Pwede ba akong humingi ng dalwang hiling sayo?

( Languid Lounge )

Tommy: Bi--Bitawan mo ako...

Bongets: Saglit lang kuya lasing kana e!

Tommy: Si--Sino ba may sabing samahan mo ako dito sa bar?

Bongets: Nag-aalala lang naman ako sayo.

Tommy: Napaka tanga mo kasi Tommy!

Bongets: Buti at naisip mo.

Tommy: A--A--Anong sabi mo?

Bongets: Tama tanga ka kasi sinayang mo si Ate Imee, mag papakatotoo na ako ngayon kasi kung andito si Ading Irene ko hindi lang yan ang matitikman mong salita, sinayang mo yung apat na taon niyong pag sasama at tiwala niya, pinaka nalaman ko lang na nag loko ka e nung sinugod na si Ate Imee sa hospital dahil nag laslas siya alam mo ba kung gaano ako kagalit sayo non na gusto kitang suntukin? Pero pinipigilan ko ang galit ko kasi galit din sayo si Irene, pinigilan ko ang sarili ko dahil baka kung ano lang ang magawa ko sayo! Hindi ko nga masaktan ng physical si Ate ni pagsalitaan siya ng masasama hindi ko din kaya kasi ayoko na umiiyak siya at nahihirapan pero dahil sa pangako mo sa kanya sa harap ng altar at sa aming mga mahal niya sa buhay kaya ipinag katiwala ko sayo ang kapatid ko pero sinira mo sa isang pagtataksil kahit na sabihin pa nating hindi mo sinasadya dahil lasing ka non pero alam mo sa sarili mo na kasal ka ng tao at mahal na mahal ka ng asawa mo. Kuya ilang taon namin siyang hindi nakita kasi ang sabi niya mag ta trabaho siya sa ibang bansa pero ang totoo pala ay nag papagaling siya ng dahil sa idinulot mo sakanya kumukunsulta siya sa magagaling na psychiatrist sa ibang bansa para malimutan ang ginawa mo sakanya at para hindi na maulit ang ginawa niya noon alam kong hanggang ngayon pinipilit parin ni Ate maging okay kahit hindi, O sige wag na nating isama si Astraea ang anak niyong dalwa pero ginago mo si Ate at dahil don muntikan na siyang mawala saamin...

I Will Hold You Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon