Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
Irene Pov:
Nagising ako sa pag kakaupo ko sa lapag medyo naliliyo akong tumingin sa kisame at kinapitan ang aking ulo, kinuha ko ang telepono ko mula sa aking bulsa at nakita na 4am na dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng banyo at inangat ang aking muka. Nakita kong nagkalat ang mga beer sa lapag at ng maituon ko ang aking mga mata sa kama ay nakita ko si Greggy na mahimbing na natutulog kaya dahan-dahan akong nag punta sa may pintuan para i check kung ito ay bukas na at nung pinihit ko ang door knob bumukas na ang pinto kaya nag dahan-dahan akong lumabas at isinarado ito, Agad akong nag tungo sa may kusina at kumuha ng gamot hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa may swimming pool nabighani nito ang aking mga mata kaya umupo ako sa may gilid habang kapit ko ang baso inilapat ko ang aking mga paa sa tubig at saka napabuntong hininga, Ngayong naharap ko na si Greggy at nakuha ko na ang mga ninanais kong mga kasagutan ano ng gagawin ko? Naguguluhan parin ang puso ko sa mga pangyayaring ito dahil kahit na ganon ang nangyari mahal ko parin siya pero ayoko ng mahirapan at masaktan ulit ang puso ko... Hinubad ko ang aking pang itaas at saka tumalon sa pool...
( Imee's House )
Imee's Pov:
Maagap akong nagising dahil madami akong inayos dito sa bahay hanggang sa mga gamit ko at habang nag aayos ako ng aking mga gamit may nakita akong isang box ng tingnan ko ito ay puno ito ng mga sulat kaya naman agad ko itong inilagay sa aking kama at isa-isa itong binuksan. Nakangiti ako habang binabasa ko ang mga sulat at na alala ko na masaya pala talaga kami ni Tommy noon sa mga simpleng mga effort niya nahulog unti-unti ang aking loob, na aalala ko pa noon na siya ang kaunahang nangungulit lalo na pag may mga special occasion, ang sarap balikan ng nakaraan hanggang sa nangyari ang hindi ko inaasahan. Agad kong isinilid ang mga sulat sa box at hinawakan ang aking ulo ano nanaman ba itong ginagawa ko pinapahirapan ko nanaman ang aking sarili... ( Sambit ko ng mahina )
( Irene's House )
Celeste: ( Nagising ako ng maagap dahil naisip ko na ipag luto si Mama ng soup kaya agad kong tiningnan ang dalawa kong kapatid na natutulog at dahan-dahan akong lumabas ng pintuan, dahan dahan akong bumaba hanggang sa makarating ako sa may kusina ) Hay! Panibagong araw nanaman para lumaban ( sabi ko sa aking sarili, bubuksan ko na ang ref ng bigla kong narinig ang pag awas ng pool kaya agad akong tumungo sa labas at laking gulat ko ng nakita ko si Mama na nag flo-floating ) M--Mama?
Irene: ( Agad kong ibinukas ang aking mata ng marinig kong may tumawag saakin ) Ang agap namang gumising ng aking prinsesa.
Celeste: Ba--Bakit ka po nandyan?
Irene: Nag papalamig lang, binabanas kasi ako anak ( ngiti kong sabi )
Celeste: Nag inom po ba kayo?
Irene: Konte lang naman pero hindi naman ako lasing, teka nga lang bakit ka ba gising anong oras na ba? Hindi pa naman sumisikat ang araw.
Celeste: I wanted to make you a soup po para don sa ginawa ko kagabi.
Irene: Ah don ba sa pag kulong niyo saamin ng daddy niyo don sa kwarto? Ayos lang naman yon.
Celeste: I really don't want to do it Mama, kaso mapilit po sila Kuya.
Irene: That's okay anak, you want to swim? Samahan mo ako dito sa pool.
Celeste: Hindi po ba malamig?
Irene: Hindi naman...
Greggy Pov:
Nagising ako dahil sa bangungot na naaksidente si Irene at hindi siya maka alala ni ako hindi niya maalala napatingin ako sa kisame umiling-iling, panaginip lang yon ( wika ko ) Agad napukaw ng aking pansin ang pintuan sa may banyo na nakabukas kaya agad ko itong tinungo hinanap ko si Irene sa loob pero di ko siya nakita, hanggang sa nakita kong naka angat ng kauntian ang pintuan papalabas ng kwarto kaya agad akong nag labas at tiningnan siya sa kwarto namin...
Imee's Pov:
Kaya mo ito Imee! Alam kong kakayanin mo ito kung ano man ang mangyari kakayanin mo na ang dami mo ng pinagdaanan para sumuko ka sa pagsubok na ibinigay sayo! Hanggang sa nagpakawala ako ng malalim na hininga. Nakakapagod na mag inisip at masaktan paulit-ulit nalang kaya mas mainam kung tatapusin ko na talaga ito. Kinuha ko ang telepono ko at nag send ng message kay Liza sana ay magawan agad ng paraan, Bumaba ako para kumuha ng tubig pero ng makarating ako sa may kusina nag bago ang aking isip at kumuha ako ng wine at baso at dinala ito sa kwarto at saka nagpahinahon sa mga iniisip ko habang nilalagyan ko ang aking baso ng wine ay sumagi sa isip ko si Rody. Sana lang ay ayos siya ngayon, sana hindi siya magtanim ng galit o tampo saakin sa ginawa ko ( Sambit ko )
( Irene's House )
Irene: Malamig ba anak?
Celeste: Hindi naman po ganon kalamig.
Irene: Anak gusto ko maging matatag ka okay?
Celeste: P--Po? Ano pong ibig niyong sabihin?
Irene: Gusto ko lang na maging handa ka sa mga pagsubok sa buhay.
Celeste: Hindi niyo naman po ako iiwan sa mga problema na yon diba?
Irene: Oo naman naka alalay padin ako sayo, pero syempre dapat harapin o labanan mo yung mga pagsubok na ibibigay sayo.
Celeste: Don't worry Mama, sayo ata ako nagmana no, strong kaya ako. ( Ngiti kong sabi )
Irene: Hug mo nga si Mama ( Panlalambing ko )
Celeste: ( Dahan-dahan akong lumapit at niyakap siya ) Na mumula parin po ang muka niyo ( Tawa kong sabi )
Irene: ( Bigla akong napakapit sa aking muka ) Talaga ba anak? Namumula parin ako?
Celeste: Opo, pero siguro naman po mamaya mawawala din yan...
BINABASA MO ANG
I Will Hold You Season 3
RastgeleThey parted ways but destiny keep's bringing them back together, what do you think will happen? Do you think that the love that they built for years will remain? Do they still love each other? Will they fight for their marriage? Even the pain is too...