IWHY Season 3 Part 34

197 12 3
                                    

Disclaimer. This is a work of fiction, Names, Characters, Business, Events, and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.



Imelda's House


Aimee: ( Kumatok muna ako sa pintuan bago ko binuksan ito at nakita ko si Ate Irene na nakahiga at nakatingin lang sa kisame ) Ate? 

Irene: Oh Aimee bakit? ( Agad akong bumangon at umupo sa kama ) 

Aimee: ( Agad akong lumapit at niyakap siya ) Ate... 

Irene: ( Nagulat ako ng bigla siyang lumapit at niyakap ako pero agad kong tinugon ang mga yakap niya ) Bakit? May problema ba? 

Aimee: Na miss lang kita Ate ang tagal na din kasi nung nagkita tayo. 

Irene: Kaya nga kami bumisita dahil na mimiss ko kayo ni Mommy. ( Pag katapos kung sambitin ito ay bigla nalang humigpit ang kanyang mga yakap saakin. ) Sabihin mo saakin kung anong problema mo Aimee. 

Aimee: Ate andito lang ako. 

Irene: ( Naguluhanan ako sa mga sinambit niya pero hindi ko ito pinansin ) Dahil ba ito kay Ate Imee sa pinagdadaanan niya? Alam mo naman si Ate Imee diba? Matigas din ulo non kaya gusto non na siya ang mag aayos ng lahat. 

Aimee: Alam ko naman yon Ate, at saka hindi ko rin mapipigilan si Ate Imee, e ikaw ba Ate Irene? Ayos ka lang ba? 

Irene: Oo naman ayos lang ako....



Bonget: Oh Ate? Magluluto kana? Nakahanda na ang mga gagamitin niyo don ni Ading. 

Imee: Ganon ba? Mukang mas mapapadali ang pagluluto namin ni Irene, teka asan si Aimee? 

Bonget: Nasa kwarto ata ni Irene, sabi niya kanina pupuntahan niya e. 

Imee: Ha? Baka sabihin ni Aimee yung sinabi natin sakanya kanina

Bonget: Hindi yon Ate, kilala mo naman si Aimee. 

Manang: Mga anak, inihanda ko na ang kawali na gagamitin niyo. 

Imee: Salamat Manang, kami na rin po ang mag aayos pag katapos namin mag luto. 

Bonget: Manang mag handa kayo ng mga gagamitin niyo may pupuntahan tayo maya maya pag katapos nila Ate mag luto. 

Manang: Sige anak, maiwan ko muna kayo ha. 

Imee: Teka asan na ba si... 

Imelda: Josefa! 

Imee: Ma! ( sigaw ko , habang tumatawa si Bonget ) Mama naman bakit ka naman po nanggigitla. 

Imelda: Kanina pa nga ako sa likod mo di mo ba napapansin? 

Bonget: Alam mo naman Mama na laging madaming iniisip si Ate Imee. 

I Will Hold You Season 3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon