It was my graduation day, and I was isolated from everyone. The whole complex was full of people cheering and crying and congratulating each other, and there I was—may tatlong security guard na nakabantay. All of them, may mga shotgun pang sukbit sa balikat. I was sitting in the far right corner. My parents were sitting beside me, and no one was allowed to go near me as per the school admin's instruction. Tatawagin na lang daw ako kapag aakyat na sa stage.
Ngayon lang ako nagpasalamat na hindi ko nakuha ang cum laude na target ko dahil sa dalawang subject na pasang-awa na lang ako. Kulang kasi sa requirements since two months din akong hindi nakapag-comply nang maayos.
I was supposed to celebrate by now. Yet, umakyat ako sa stage, kumuha ng diploma, nakipagkamay sa mga admin ng school, at tiniis ang anxiety na sa dami ng tao roon, ako lang ang may full security, as if may teroristang balak pumatay sa akin.
Hindi ko nakasama sa graduation practice ang mga ka-batch ko. Binanggit ang program. Maliban doon, wala na. Nasa bahay lang ako naghihintay.
In-expect ko na ngang hindi ako makaga-graduate, pero mas malala ang nangyari kaysa expectation ko.
Para akong babaliwin ng anxiety. Yung feeling na kahit ilang guards pa ang mag-cover sa akin, pakiramdam ko, lahat ng tao, sa akin nakatingin. Lahat sila, may sinasabi tungkol sa akin. Lahat, nagtatanong:
Bakit siya nandoon sa corner?
Bakit may mga guard siya?
Ano'ng meron?
Or worst . . .
Siya ba yung na-rape sa night club?
Siya ba yung nasa news?
Kaya ba siya may guard?
Drug den ang pinuntahan niya. E di, nagda-drugs siya?
Nakakahiya naman, ga-graduate pala 'yan?
I didn't want to overthink, pero hindi ko talaga maiwasang isipin ang iniisip ng iba sa akin.
There was a baby inside my body now. This baby wasn't planned or even wanted.
Kahit pa gaano ko kagusto si Leo, hindi ko kayang lunukin ang katotohanang magkakaanak kami nang wala ni isa sa amin ang ginustong magkaanak kami.
Buong ceremony, ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Binibilang ko ang bawat pangalang tinatawag, iniisip kung paano ako tatayo, paano ako maglalakad, paano ko haharapin ang lahat para mag-bow nang hindi iniisip kung lahat ba sila, nagtatanong na "Bakit nandito 'yan? Di ba, hindi na dapat ga-graduate 'yan?"
In the middle of overthinking, I said to myself, sana hindi na lang ako tumuloy. Baka puwede ko pang makuha ang diploma ko kahit wala ako sa ceremony. After all, nakapag-present ako ng thesis ko, naipasa ko naman ang practicum ko kahit pasang-awa.
Three hours ang itinagal ng ceremony. Paglabas namin ng complex, ang mga friend ko, nakatanaw lang sila sa akin. Pagtingin ko sa kanila, ngumiti ako nang kaunti. Sumamâ lang ang loob ko nang mag-iwas sila ng tingin pagkatapos ay nagtawanan nang sila-sila lang habang papunta kami sa van na service namin.
Friends. Or not really.
At that point, inisip ko na siguro, kung nandito lang si Lesley o kaya si Jules, baka may kasama pa rin ako.
Ang kaso, nauna nang gr-um-aduate si Jules last year pa. Si Lesley, nag-stop kasi financial problem. The rest na akala ko, friends ko . . . hindi pala totoo.
"Hi, Kyline!" I stopped walking when I saw Ronie carrying a bouquet. He looked so professional in his smart casual suit. "Congratulations!"
Ronie looked at my parents na kasabay ko lang na naglalakad. Kahit sila, napahinto rin at napatingin kay Ronie na nakatayo malapit sa van namin.
BINABASA MO ANG
AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)
RomanceAlabang Girls Series #3 For Kyline Chua, meeting Leopold Scott, the antithesis of his code name Zeus, was a dream come true. She was able to put up with a self-centered college boy for a while until she was left with nothing but a broken heart. A wi...