27. Actions and Words

2.8K 205 137
                                    


"Mom . . ."

"Later. Hayaan mo muna siya."

Mom was guarding the entrance papunta sa cabana sa tabi ng pool.

From the doorway, nakikita ko si Leo na nakaupo sa may chaise lounge at may hawak na lollipop. Ilang minuto na rin siyang nakatulala roon. At kung hindi ko alam na lollipop ang hawak niya, maiisip kong naninigarilyo siya base sa timing kung kailan niya isusubo iyon at hahawakan kapag wala sa bibig.

Inalok na rin siya kanina ni Gina ng sigarilyo pero ang sabi lang niya, "Mangangamoy usok ako. Aalagaan ko pa si Kyline."

Hindi ko na alam kung mata-touch ba ako, kikiligin, o malulungkot para sa kanya. Na kahit pampakalma sana niya, iisipin pa niya ako kaya hindi niya magawa. Si Manang, binigyan siya sa cabana ng isang pitsel ng four seasons, na siya lang naman ang umiinom sa bahay kasi lagi kaming naka-orange or pineapple. Pero isang baso pa lang ang naiinom niya, hindi pa nga ubos.

Leo never talked about his family. Yung common info, aware naman ako. Pero yung relationship niya sa kanila, hindi ko alam. Basta ang alam lang namin, independent siya, may sariling apartment at trabaho, pumapasok sa school. Other than that, wala na.

I wanted Leo to tell me everything, kahit mga sama niya ng loob, para lang magka-idea ako sa kanya. Pero hindi ako sigurado kung sasabihin ba niya iyon sa akin nang hindi siya naiinis. Kahit gusto kong maawa sa kanya, feeling ko, magagalit lang siya sa akin kapag kinaawaan ko siya.

When we were in high school, I knew him as a model student, an achiever, and a philanthropist in the making, yet here he was.

Mom and Gina were exchanging meaningful glances, and it was a surprise that they understood what each other said without speaking.

Walang ibang nakakalapit kay Leo kundi si Manang lang. Kakausapin siya ni Manang, tatango lang siya. Hindi namin sigurado kung may sinasabi ba siya, basta tatango lang saka titingin sa malayo. May pasok dapat siya pero napilitan siyang um-absent sa napakaraming dahilan.

Galing kaming clinic. Hindi siya okay. Ayaw rin ni Mommy na mag-drive siya ng motor kasi baka nga kung ano pa ang mangyari. And Leo looked as if he wanted to end everything at any time, permanently. Binabantayan tuloy namin siya kasi baka mag-self-harm.

Lunch na nga nang sunduin siya ni Manang sa cabana. Si Tita Shan, ang akala, manganganak na ako kaya dumoon muna sa gun shop niya ngayon at babalik na lang daw siya agad kapag may balita na sa akin. Pero uuwi pa rin naman daw siya kapag nakapanganak na ako—which was far from reality. Wala pang nagbabalita sa kanya at hindi na rin binalitaan ni Manang. Siguro kasi alam ni Manang na magkakagulo lang kung babalitaan pa niya.

Sobrang bilang sa kamay na hindi maingay sa dining table ever since magsama sa iisang mesa sina Mommy at Leo. At isa ang lunch ngayon sa mga pagkakataong iyon.

Kahit hindi mukhang nagsusungit si Leo, may certain aura siyang nailalabas na ipinararamdam niya sa aming hindi siya okay. Ni hindi siya kumikibo. Sasalinan ako ng pagkain, aayusin ang pagkakasunod-sunod ng kakainin ko, ang kaibahan lang, wala siyang utos ngayon.

Naninibago ako. Sanay kasi ako na kada kain namin, kahit araw-araw niyang sinasabi, sinasabi pa rin niya.

Ubusin mo na 'yan.

Ano pa'ng gusto mo?

Nguyain mong mabuti.

Gusto mong tubig?

Ano pa?

Pero ngayon, wala.

Sinadya ko ngang hindi ubusin ang tinola na gawa ni Manang para lang utusan niya akong ubusin iyon pero wala siyang sinabi. Inurong lang niya ang mangkok at pinalitan ng fruit salad.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon