Everyone around me knew Leo, and he was the one who should be avoided sa barkada niya. He's a walking red flag. You can't just kick someone along the hallway just because you're irritated. Wala naman sigurong mabuting tao ang maninipa na lang basta ng kapwa niya.
Wala kasi siyang pakialam kahit babae ang kausap niya, and none of us could tell kung ano o sino ang type niya. I never saw him look at another girl, sexy man o hindi, na parang pinagnanasaan niya ang mga iyon.
Actually, he looked at everything as if all of God's creation was made only to annoy him. Inaasahan kong magseselos ako o may mapagseselosan man, but he never let me feel that way. Probably because he hated everything, even me, to the point na wala na akong mapagselosang iba. Mas natatakot pa nga ako na baka may mapisikal siyang iba kaysa pagselosan.
Now, he literally said to me that if we didn't work out, ayaw na niya sa iba. And his reason? Ayaw niya ng maarteng inaalagaan . . . maliban sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung mao-offend ako or what. For sure, he was annoyed by it. Hindi naman niya ako tatawaging maarte if not. But he was dealing with it right now as if it were just a normal thing to do—na magigising siya every morning; pagagalitan ako; then magso-sorry ako; tapos ire-remind niya ako ng mga nakakalimutan ko minsan; aasikasuhin ako habang pinagagalitan ako; babantayan ako habang naiinis na naman; tapos magso-sorry ako ulit; tapos ulit na naman iyon twice or thrice a day.
But really, I couldn't see myself not receiving any complaints from Leo in the next few days, or weeks, or months, or years. Siguro, once na mangyari iyon, nagsawa na siya sa kare-remind sa akin. Hindi ko pa napaghahandaan ang time na mangyayari iyon.
Saglit akong tumingala sa kanya para makita ang mukha niya.
"Akala ko ba, matutulog ka na?" sermon niya kahit hindi nakatingin sa akin.
Nakasandal na naman kasi ako sa kanya at matutulog na sana ako. Siya, nagbabasa pa rin ng handouts niya. Hinahanap ko ang phone niya pero hindi ko makitang dala niya.
"Lagi mong sinasabing hawakan ko lagi ang phone ko. Pero hindi ka naman mukhang mahilig humawak ng phone. Lagi ka lang nagbabasa."
"Kailangan kong mag-aral. Natural, magbabasa ako."
"Yung mga kasama ko dati sa training, mahihilig sila sa computer games. Ikaw, reading talaga ang hobby mo, Leo?"
"Matagal na 'kong naglalaro ng virtual games. Hindi ko hobby ang magbasa. Nag-aaral ako kaya ako nagbabasa."
Kaya pala. Sobrang bihira kasi niyang hawakan ang phone niya sa bahay o kapag kasama ako. Pero kapag nasa labas naman siya, phone lagi ang nakatutok sa kanya. Of course, I should know. Lagi kasi kaming magkausap sa calls.
"Hindi pa nakakadaan sina Ronie dito. Okay lang ba 'yon sa kanila na hindi kayo kompleto?" tanong ko, kusang tine-trace ng mata ang bawat anggulo ng mukha niya.
"Sila ang hindi makadalaw rito kasi natatakot nga sila sa mama mo." Itinupi na niya ang handouts niya saka ipinatong sa nightstand. Napanguso ako kasi mukhang tumigil siya dahil iniingay ko na. "Sorry."
"Saan?"
"Naistorbo yata kita, nagre-review ka."
Wala siyang isinagot. Kapag wala siyang sagot, feeling ko, gusto niya akong pagalitan pero mas gusto na lang niyang manahimik. Ang bigat ng buntonghininga niya saka kinuha na naman ang kamay ko para tingnan ang daliri ko isa-isa.
"Hindi masyadong namamanas ngayon," sabi ko at pareho kaming nakatingin sa kamay kong hawak niya.
"Mm."
BINABASA MO ANG
AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)
RomanceAlabang Girls Series #3 For Kyline Chua, meeting Leopold Scott, the antithesis of his code name Zeus, was a dream come true. She was able to put up with a self-centered college boy for a while until she was left with nothing but a broken heart. A wi...
