I really thought Leo would leave the house after my mom and Gina went back from their business trip to Switzerland. Inasahan ko na. Ini-ready ko na rin ang sarili ko at ang phone ko gaya ng sabi niya. Supposedly, yes, he should go back to his place in Makati. But I guess Manang Chona was siding with him, and Manang left my mom with no choice but to say yes.
Nagulat nga ako. Akala ko, hindi iimik si Manang.
"Umurong ka nang kaunti," utos ni Leo at umurong ako palapit sa mesa. Tumayo siya at inayos ang pagkakatali ng buhok kong naka-braid lang pero loose ang karamihan ng strands. Inipon niya iyon para gawing full ponytail.
Kain lang ako nang kain. Nilutuan ako ni Manang ng masarap na sopas na maraming sahog. Ako lang ang may sopas sa amin sa lunch, at rice na sina Mommy.
"Okay na yung shake. Sino ang may gusto?" tanong ni Manang paglapit sa amin.
"Ako, Manang," sagot agad ni Gina na kaharap ko lang ng puwesto.
"Pass," simpleng sagot ni Mommy.
"Tulungan na kita, Manang. Ako na ang kukuha sa kitchen," alok ni Leo, at kahit hindi pa umo-oo si Manang, pumunta na siya roon.
Pag-alis na pag-alis niya, umismid agad si Mommy na nakataas ang kaliwang kilay. "Huwag siyang masyadong magpabibo dahil lang nakaharap ako." Saglit pa niyang sinulyapan ang pintuan ng kusina, as if inaabangan kung naroon na si Leo at maririnig siya. "Kung makaasikaso naman kay Belle, parang walang kamay ang anak ko."
Ipinagsalin ako ni Manang ng tubig saka pinagsabihan si Mommy. "Linda, hindi nagpapabibo 'yang si Leo. Nagtitipid pa nga ng kilos 'yan kasi nakauwi ka na. Noong wala ka rito, kung puwedeng siya na ang ngumuya para kay Belle, siya na ang ngunguya, huwag lang mapagod 'tong batang 'to."
"Manang . . ." awat ko na.
"Ay, totoo naman, hindi ba?" depensa ni Manang sa akin. "Mabuti nga't hindi ka tinanong ngayon kung ano ang gusto mong kainin kay kung maaari lang ipagkatay ka ng isang buong baka ay siya na ang magkakatay." Saka niya binalingan si Mommy. "Iyang batang iyan, noong humiling ang anak mo ng sariwang sugpo, ay dumayo pa 'yan ng fish port para lang sa sugpong bagong hango! Ay, makabibili naman diyan sa grocery, e! Malay ba ng sikmura ni Bellamy kung sariwa 'yon, e lulutuin pa rin naman!"
"Manang . . ." awat ko na naman saka hinatak-hatak ang manggas ng uniform niya.
I didn't want her to talk about the things Leo did for me. Feeling ko kasi, sobrang demanding ko at hindi bragging rights na pinapagod ko si Leo, knowing na sa aming dalawa, siya ang maraming activities dahil fourth year pa lang siya, and may fifth year pa siya sa course niya.
"Ay, bakit hindi mo ikuwento sa mommy mo kung ano ang nangyayari dito sa bahay, ha?" Ako na tuloy ang nasermunan niya.
"Baka ho ginagawa lang kasi guilty," nakangising sinabi ni Gina habang ngumunguya.
"Ay, Regina," kontra ni Manang at namaywang pa, "kung ako'y guilty, e magtatago ako at hindi ako titira dito sa bahay na ito't sandamukal ang armalite diyan sa bodega. Isang kalabit lang ni Belinda ay may paglalamayan ang pamilya niyan."
Nagbuntonghininga si Gina saka pilit ngumiti kay Manang. "Nabuntis nga ho niya kasi si Belle."
"Ay, ginusto bang mabuntis si Belle?"
"Ginusto kasi puwede naman pala siyang tumanggi."
"Ay, kung tinanggihan niya si Belle, e di namimili kayo ngayon ng ama ng anak niyan. Ilang lalaki 'yon, onse? Magra-raffle ba kayo ng tatay niyan?"
"Manang, tama na . . ." pigil ko na naman sa kanya. Habang tumatagal, bumabalik na naman kami sa ingay nila noong summer.
Si Mommy, tahimik at hindi sumasagot. Nakasimangot siya pero hindi gaya ni Gina na dumedepensa pa rin.
BINABASA MO ANG
AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)
RomanceAlabang Girls Series #3 For Kyline Chua, meeting Leopold Scott, the antithesis of his code name Zeus, was a dream come true. She was able to put up with a self-centered college boy for a while until she was left with nothing but a broken heart. A wi...