Katatapos lang ng mga home cleaner na maglinis ng bahay. Sobrang rare ni Manang na maglinis nang siya lang. Twice a week, may hired team si Daddy at sila ang naglilinis ng bahay. Kung may nililinis man si Manang, 'yong mga part lang ng bahay na madalas gamitin like visitor's lounge, kitchen, and dining area. The rest, iba na ang gumagawa.
Lunch time na rin nang makabalik kami sa pamamasyal ni Leo. Although naglakad-lakad lang naman kami sa may park kasi naglilinis pa sa bahay. Wala nga halos tao kasi may pasok, bilang sa kamay ang mga nakasalubong namin.
Pag-uwi, nakahanda na ang mesa pero wala pa sina Mommy.
"Where's Mom and Gina, Manang?"
"Pababa na 'yon. May inakyat lang na mga package sa itaas. Babalik na yata sila sa shop bukas."
I see. Tapos na pala ang bakasyon nilang dalawa. Maiiwan na ulit kami ni Manang dito sa bahay . . . and I guess Leo's with me, too.
Nauna na kaming nahainan ni Manang nang dumating sina Mommy at Gina. And as usual, ako muna ang naunang pinakakain ni Leo bago siya.
Our morning didn't start that well dahil wala ngang tubig. And since ang tagal maligo nina Mommy at Gina, after half an hour, nakabalik na rin ang water supply. At nauna pang matapos si Leo bago sila.
Guess the universe was still in Leo's favor.
Iniisip ko na lang na dapat na siguro akong masanay na nag-aaway sila kada kita nila. Wala naman kasing improvement, lalo lang lumalala.
"May tumawag pala rito kanina, hinahanap ka," sabi ni Gina. Akala ko, si Mommy ang kausap niya pero pagtingin ko sa kanya, si Leo pala.
Pagtingin ko naman kay Leo, gusto ko sanang itanong kung narinig ba niya si Gina kasi hindi siya umiimik at inaayos lang ang mga pagkaing sunod-sunod kong kakainin.
"Hinahanap si Leopold Scott. Girlfriend mo yata 'yon."
"Ha?!" gulat kong tanong kay Gina na nakapagpaatras sa kanya sa upuan.
"Ay, grabe sa react, Belle! Hahaha!"
"Sino raw . . . ?" mahina kong tanong bago dahan-dahang tiningnan si Leo.
Inatake agad ako ng kaba sa sinabi ni Gina, pero si Leo, parang wala talagang naririnig.
"Leo . . ."
"School admin 'yon," sabi lang niya sa akin. "Nguyain mo muna 'yang kinakain mo."
"Siguradong-sigurado, a."
Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko nang tingnan si Gina habang kunot ang noo ko. Nakangisi na naman siya habang kumukurot sa ulam niyang chicken fillet.
"May job order ka pala, bakit hindi mo sinasabi?" sermon ni Mommy na hindi naman nakatingin kay Leo pero sure na para kay Leo ang tanong. Saglit na lumipat ang tingin ko sa plato niyang nilalamanan ni Manang ng sweet and sour pork, sunod sa mukha niyang seryoso lang.
"Tatawag pa lang daw ho sila kung bibigyan ako ng JO. Hindi ko naman dapat ibalita 'yon agad," sagot ni Leo kaya nalipat sa kanya ang tingin ko.
Hindi ako makanguya nang maayos sa kanila. Sana mag-usap na lang sila kapag tapos na kaming kumain.
"Bakit? Wala ka na bang trabaho?" tanong ni Gina.
"Lilipat ako sa malapit lang dito para maaga akong makakauwi."
Tumipid ang ngiti ko at napatutok sa sariling plato kasi malamang, ako at ang baby ko ang dahilan kaya lilipat siya. Aware naman kaming lahat na may dalawa siyang work. Isang work from home at isang kailangan niyang pumunta sa site. Pero malayo kasi rito ang site na pinapasukan niya kaya sobrang bihira ko lang siyang makitang pumunta roon.
BINABASA MO ANG
AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)
RomanceAlabang Girls Series #3 For Kyline Chua, meeting Leopold Scott, the antithesis of his code name Zeus, was a dream come true. She was able to put up with a self-centered college boy for a while until she was left with nothing but a broken heart. A wi...