We were far from recovery kung tutuusin. Leo was quiet, sitting on the wooden chair in front of the window, and maybe he was tired from crying for a while. I sat on the sofa, my tummy was grumbling, yet I had no appetite. May nilutong pagkain si Ronie na lumamig na pero hindi naman nagalaw.
It was already five in the afternoon. The sun was setting too early, and Clark surprised me a bit when he entered Leo's apartment—not only because hindi ko ine-expect na maaga silang babalik, but because he was wearing a mask, shades, and a green hoodie.
Ang tahimik niyang nagbukas ng pinto at tahimik din iyong isinara. Nagtaka ako kasi si Clark pa naman ang tipo ng taong kung puwede lang patalsikin ang pinto mula sa frame nito tuwing magbubukas siya, sure akong gagawin niya.
"Clark, what's happening?" I asked, confused as I watched him remove his hoodie and mask.
"Wala pa sila, Ky?" mahina rin niyang tanong kaya kinabahan na ako.
"Clark . . ." Sinundan ko siya ng tingin. Binuksan niya ang TV na katapat kung nasaan ako nakaupo. Naglipat agad siya ng channel at huminto sa afternoon drama series.
"Hindi mo mapababagsak ang angkan ng mga Altamirano, Olivia. Isa ka lamang hamak na alipin sa haciendang ito!"
"Ikaw . . . ikaw at ang anak mong nanakit sa akin . . . may araw din kayong lahat!"
I didn't know Clark liked watching these kinds of shows.
Nilingon ko siya sa kitchen, umiinom na siya ng tubig—sa buong one-liter clear tumbler—at halos makalahati niya lahat 'yon.
Nalipat ang tingin ko sa pinto sa kanang gilid ko, bandang likod, nang bumukas ulit at pumasok sina Will at Patrick na katatanggal lang ng face mask. Naka-jacket silang dalawa na gray at balot na balot.
"Will? Pat?" Tumayo na ako at nalilito kung bakit ganoon ang kilos at ayos nila. Hindi naman malamig sa labas, mahangin lang.
"Wala pa si Early Bird?" tanong ni Will kay Clark. Umiling si Clark para sumagot ng wala.
"Sure ka ba sa nakita mo, Clark?" tanong ni Pat na pasilip-silip sa bintana. Sinilip din niya si Leo na nakatulala roon kanina pa.
"May nangyari ba?" tanong ko kasi kinakabahan na ako sa kanila. Parang hindi sila mapakali.
Hindi pa sila nagtatagal sa loob, dumating na rin sina Ronie at Calvin. Naka-pullover si Ronie at black baseball cap. Simpleng V-neck lang si Calvin at may suot na Ray Ban.
"Dude," sabay-sabay na pagtawag ng mga nauna sa hindi ko matukoy kung sino ba ang tinawag, kung si Ronie o si Calvin.
"Nakita ko," Ronie suddenly said, removing his cap. Tumingin siya sa TV at naabutan ang commercial ng bath soap. "I'll try to think about how to settle these first. Alam n'yo namang mas affected ngayon si Leo."
Napatingin kaming lahat kay Leo na tahimik pa rin sa harap ng bintana.
We all sat down sa sala. Katabi ko ulit si Calvin at tinitingnan na isa-isa ang pasa ko. Nasa sahig si Will. Si Patrick, nagpatong ng throw pillow sa kandungan ni Clark at doon nahiga—o natulog, not sure. Nakapikit kasi siya. Si Ronie, nasa kitchen umiinom naman ng tubig.
"Masakit pa rin ba?" mahinahong tanong ni Calvin habang marahang hinahagod ng palad ang palibot ng pasa ko sa kanang tuhod. Sakto lang ang ikli ng shorts na dala niya para sa akin para makita ang mga pasa at gasgas ko sa binti at hita. Kahit ang floral blouse na bigay niya, hindi rin mahaba ang manggas kaya kahit ang kalmot sa wrist at arms ko, kitang-kita rin. If Mom saw this, for sure, she would wreak havoc.
BINABASA MO ANG
AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)
RomanceAlabang Girls Series #3 For Kyline Chua, meeting Leopold Scott, the antithesis of his code name Zeus, was a dream come true. She was able to put up with a self-centered college boy for a while until she was left with nothing but a broken heart. A wi...