Every morning, may exercise talaga kami ni Leo para nga hindi ako nagka-cramps. Pupunta kami sa garden, susundin namin ang saved video na kasama ko si Will at nag-e-exercise kami, para nga raw uulitin ko na lang iyon.
I wore my sportsback top and leggings para madaling gumalaw. Leo wore his sleeveless gray hoodie, jogging shorts, and runners.
But this morning, since nakauwi na nga sina Mommy at Gina—at dahil hindi pa rin sila boto kay Leo—sasabay sila sa exercise namin.
Naka-black halter-top si Gina at kitang-kita ang mga tattoo niya sa katawan. Naka-cycling shorts din siya at runners gaya ng suot ko. Si Mommy, naka-braid ang buhok at black tank top and cargo pants. Mukha siyang si Lara Croft ng Tomb Raider habang tinataasan ng kilay si Leo. They really looked like bullies na gustong niluluhuran ng guys habang umiiyak sa harapan nila.
I couldn't see myself having my mom's intimidating vibe. She wasn't even holding a gun right now, but she was scaring me.
"Buti nag-e-exercise kayo," sabi ni Gina na nakangisi at nagsi-stretching na. Nakahawak siya sa baywang at nagbe-bending sa kanan at kaliwa.
"Opo," sagot naman ni Leo.
"Hahaha! Huwag mo 'kong i-opo. 38 pa lang ako."
Gina is a pretty lady. Favorite niya ang cat-eye makeup. Kahit nga ngayong exercise, may eyeliner pa rin siya kahit walang face powder. She has a jolly persona na hindi masasabi ng kahit na sino na partner siya ng mommy ko. Mukha nga lang kasi silang mag-best friend.
Nakakrus lang ang braso ni Mommy habang tinitingnan mula ulo hanggang paa si Leo. Mom is a huge lady, at halos maabutan niya ang taas ni Leo. Her body figure is something I want to have, pero imposible kasi hindi ako ganoon kataas saka ka-slim gaya niya, at buntis pa ako. Maliban sa tiyan, dibdib ko lang ang malaki sa akin ngayon dahil normal lang daw iyon sa nagbubuntis at naggagatas. And if I didn't know she was my mother, parang mas type ni Leo ang mga gaya niya. Sa tagal ko na rin kasing kasama at kilala si Leo, parang mas gusto nito ang mga babaeng hindi mahinhin at matamlay kumilos gaya ko.
"Nag-e-exercise ka, di ba?" sabi pa ni Mommy. "Sumabay ka na sa amin ni Gina."
Matutuwa sana ako sa alok ni Mommy kaso nagpakitang bigla ang evil smirk ni Gina.
"Mom . . ." I called as a warning.
"Sumabay na siya. Kung hindi, lumayas na siya rito." Saka naglakad papunta sa may pergola si Mommy at doon nag-stretching. Nag-jogging naman si Gina at pasipol-sipol pa nga.
"Leo, hayaan mo na sila."
"Ayos lang. Pahinga ka muna." Nilapagan lang ako ni Leo ng towel sa itaas ng ulo saka siya lumapit doon kina Mommy.
Gusto ko sanang kabahan. I mean, my mom was a senior inspector thirteen years ago, and she's just an ordinary citizen right now, owning several gun shops in the Metro. Strict din siya sa morning exercises. May muscle na nga siya kaka-exercise nila ni Gina.
Naupo ako sa garden chair habang umiinom ng fruit juice na timpla ni Manang. And speaking of Manang, may dala na siyang pitsel ng tubig saka dalawang baso na nakalagay sa tray.
"Hindi talaga matatahimik 'yang mommy mo, ano?" puna niya kina Mommy na pinadadapa na si Leo, para siguro sa push-up.
Mom and Gina made push-ups so easy to do when they were really hard lalo na kung hindi sanay ang gagawa. But when they started counting, Leo looked so smooth in his movements, as if he wasn't carrying enough body weight to support his body after pushing up from the ground several times. Sa sobrang dali lang sa kanya, minsan humihinto o bumabagal pa siya kasi nauunahan niya ang bilang nina Mommy.
BINABASA MO ANG
AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)
RomanceAlabang Girls Series #3 For Kyline Chua, meeting Leopold Scott, the antithesis of his code name Zeus, was a dream come true. She was able to put up with a self-centered college boy for a while until she was left with nothing but a broken heart. A wi...
