22. Love Language

3.1K 209 120
                                        


This morning was the most peaceful morning I have had since Leo and Mom (and Gina) stayed under the same roof. Wala kasing umagang hindi sila gumagawa ng ikaiinit ng ulo ng isa't isa. Maaga kasi sa shop ang dalawa kaya tulog pa ako, nakaalis na sila.

Leo really had no plan to be nice to my Mom, and he was annoying Gina most of the time. Either way, Mom had no plan to get rid of him, in the sense that Manang's decision was already overruled by the idea that Mom and Gina wanted to annoy Leo in their territory.

Habang tumatagal, hindi na naka-stay si Leo sa bahay because I'm pregnant, but because Mom and Gina wanted their everyday revenge to be fulfilled, and that would only happen if Leo were around.

Too bad for the both of them; Leo is a smart guy and finished his last moves just by being silent. At ayaw na ayaw pa naman ni Mommy na dinadaan siya sa silent treatment para lang masabing panalo siya. Ang gusto niya, mabuwisit ang kaaway niya.

But Leo looked like he was already annoyed just by existing in this world, so parang walang ipinagkaiba kung mainis siya kay Mommy or not. Para kasing minu-minuto naman siyang naiinis. And the worst part of their petty arguments was that Leo ended up smirking and annoying Mom and Gina twice as if declaring he had already won their nonsense game. Iniisip ko nga, ginagawa na lang nilang daily playtime ang buwisitin ang isa't isa.

After our exercise and a short break, sabi ko kay Leo, gusto kong mag-swimming.

Everyday na akong nagbababad sa pool kasi mas madali akong nakakahinga ever since tinuruan ako ni Will ng breathing exercises sa tubig. Hindi na rin masyadong dumadalas ang abdominal pains ko unlike before kaya itinuloy-tuloy ko na.

Malaki na ang tiyan ko, at kitang-kita na rin ang baby ko nang sobrang linaw sa bawat ultrasound and checkup namin. Yesterday was the latest, and the machines let us hear my baby's clear heartbeat and his movements inside my tummy.

"Dahan-dahan." Leo was holding both of my hands habang pababa ng pool stairs.

Hindi ko maiwasang mapatitig sa bagong necklace niya na ako ang pumili. It was a leather-cord necklace na hindi naman ganoon ka-expensive or decorative. Cord lang iyon na black na walang kahit na ano. I bought that habang nasa bazaar kami after checkup. I bought one too, pero white naman. Hindi ko nga lang suot kasi for accessories ko lang sana and pamporma some other time. Pero siya, suot niya ang kanya kahit magsu-swimming lang kami.

Gusto ko sanang punahin kaso baka kapag binanggit ko, hindi na niya isuot ulit kasi pinapansin ko. Leo has a tendency to avoid attention he never asked for.

Pagbaba na pagbaba sa ground ng pool, doon na ako nag-start tumalon-talon para labanan ang bigat ng tubig. Makakapag-floating lang ako kapag nasa gitna na kami.

The morning sun was brighter today as compared to yesterday na maulap. Hindi pa kami inaabot ng araw, but trees surrounding us gave me a happy vibe lalo pa't nakabukas pa rin ang speaker na connected sa phone ko matapos manood ng replay ng aerobics.

Sobrang payapa ng pakiramdam ko.

Napatingin ako sa langit na sobrang asul. Wala rin masyadong ulap kaya ang tingkad ng pagkaka-blue. Mas lalo kong naramdaman ang gaan ng pagkakaasul dahil sa lamig ng tubig. Parang sinasayaw ako ng pool habang nakatingin sa itaas.

Tumipid ang ngiti ko nang may matanaw akong eroplanong tumatawid sa langit. Saglit kong binitiwan ang isang kamay ni Leo saka pilit inabot ang eroplanong imposible ko namang mahawakan.

Saglit na nawala ang ngiti ko habang nakatanaw pa rin sa eroplanong palampas na sa paningin ko.

"Flight attendant na sana ako ngayon . . ." sabi ko habang nakatitig sa eroplano. "Tatlo ang offer sa akin last December . . . na-decline lahat after February . . . wala nang nakabalik na response sa akin after graduation."

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon