15. Letting Go

2.4K 149 29
                                    


I dreamed of having a baby girl when I was in high school tapos si Leo ang daddy. Titira kami sa cute house na malapit sa lake or beach. And we would make a beautiful family, like I expected.

But having a child was not easy. I was having a baby boy. Leo might be the father, but he wasn't what I was expecting him to be. Nasa bahay kami ng parents ko, and family were far from reality, like what I had dreamed of.

Every fragment of my high school dream was shattered by my reality, which pierced me like broken glass day by day. The emotional pain was as unbearable as the physical pain I was experiencing. And what was worse? I had no medicine to relieve the pain. And enduring it every night was a punishment I never wanted to experience.

Nakaupo ako sa loob ng porcelain tub, nakapikit nang sobrang diin. At kahit anong breathing exercise ang gawin ko, ayaw humupa ng stomach cramps ko.

27 weeks, and there was a one-pound baby inside me.

Normal lang daw ang cramps sa buntis, pero feeling ko, hindi normal ang nararamdaman ko.

I was having these cramps during my 16 weeks, lalo sa itaas ng tiyan, and like what the doctor said, ganoon daw talaga kasi nagpu-push daw ang uterus hanggang sa ribs habang lumalaki ang baby.

Nagkaka-headache ako before, pero ang headache ko ngayon, sumasabay sa stomach cramps. Ang sakit din ng likod ko, ilang beses akong muntik nang masuka. Nahihiya ako kapag nakikita ni Leo na namamanas ang mga paa at kamay ko, minsan ang mukha ko; parang ina-allergy na hindi ko masabi.

"Kyline?"

Every night since mid-June, naaabutan ako ni Leo sa bathroom. Doon ako umiiyak sa sakit. Kahit nasa guest room siya natutulog, dumadaan siya sa kuwarto ko, saka lang niya malalaman na wala ako roon at nasa bathroom, nagmumukmok.

Madalas kasi, nasusuka ako o kaya feeling ko, parang makukunan na ako sa sobrang sakit ng tiyan, to the point na doble ang pain sa normal dysmenorrhea.

"Masakit na naman ang tiyan mo?"

Tumango lang ako sa kanya. Saglit niya akong iniwan habang unti-unti nang humuhupa ang sakit na hindi ko alam kung gaano katagal kong tiniis ngayong gabi.

Kumikirot pa rin at ayaw mawala ng paninindig ng balahibo ko. Parang pinupunit ang laman ko habang tinutusok ng kung anong matulis. If not, parang pinipilipit naman.

"Come here."

Inalalayan ako ni Leo patayo at pinaupo niya ako sa vanity stool saka siya lumuhod sa harapan ko.

Kunot na kunot ang noo ko habang tiniitis ang papahupa nang sakit. Mas kaya nang tiisin kaysa kanina.

Naramdaman kong pinupunasan ni Leo ang noo kong butil-butil ang pawis simula pa kaninang pumunta ako sa bathroom.

"Aalisin ko muna 'tong damit mo." Saglit kong itinaas ang magkabila kong braso para mahubad niya nang maayos. Maingat niyang inangat ang tricot knit nightgown na suot ko. Kung alam ko lang, sana manipis na lang ang isinuot kong dress.

Gumaan nang kaunti ang pakiramdam ko nang mahanginan nang bahagya ang katawan kong nababad sa pawis.

"Masakit pa rin ba?"

Tumango lang ako sa tanong niya habang nakapikit. Inipon niya sa kanang balikat ang buhok ko at saka niya pinunasan ng towel ang likod kong patuyo na sana ng pawis.

Saglit siyang huminto, nagbukas ng sink, at pagbalik niya, basang towel na ang ipinamumunas sa akin.

"Inaantok ako . . ." mahina kong sinabi habang humihikbi.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon