32. Resentment

2.6K 159 45
                                    


"Uwaaa! Uwaaa!"

It was raining. My mind was wandering around the park. Walang ibang tao sa paligid. Nasa waiting shed lang kami malapit sa terminal ng shuttles. Wala nga rin ang mga driver kahit may naka-park namang dalawang shuttle doon. Probably nasa lunch.

Tanghaling-tapat pero ang lakas ng ulan.

"Eugene . . . huwag ka nang umiyak."

He was crying so loud. Walang laman ang diaper. Hindi ko alam kung bakit ba umiiyak ang mga baby gaya ni Eugene. Siguro malungkot din siya kasi pinapagod namin ang daddy niya.

"Ma'am Belle!"

Napalingon ako sa kanan. Si Kuya Harold pala, yung guard sa entrance ng subdivision. Naka-uniform pa siya, parang nagroronda.

"Ano'ng ginagawa n'yo diyan? Naabutan na kayo ng ulan!"

Niyakap ko nang mabuti si Eugene para hindi maulanan ng payong ni Kuya Harold paglapit niya.

"Ang lakas ng iyak ng anak n'yo, a. Nasaan na asawa n'yo?"

"Nasa bahay, Kuya."

"Bakit hindi ho ninyo kasama?"

"Aalis ho kasi kami ni Eugene."

Kinuha niya ang two-way radio niya sa gilid ng belt saka may tinawagan. "Wala kayong payong?"

Umiling ako.

"Malayo pa ho kayo rito, wala pang shuttle, mamaya pang ala-una. Doon ho muna kayo sa clubhouse. Kawawa yung bata, nauulanan."

Inakay na ako ni Kuya Harold at ako na ang pinayungan niya. Mas inuna pa niya kami ni baby kaysa sa kanya. Siya na tuloy ang naliligo sa ulan.

"Kuya, tatawag na lang po ako ng taxi. Aalis ho kasi kami ni Eugene."

"Saan ho ba ang punta n'yo at hindi n'yo kasama si Sir Leo o kaya si Boss Linda?"

Hindi ako nakasagot. Niyakap ko lang nang mabuti si Eugene. Kahit saan kami pumunta, basta hindi namin pahihirapan si Leo.

Malapit lang ang clubhouse. Pagliko nga lang namin sa kanan, isang kanto lang at nasa lilim na kami.

"Ay, Diyos ko, ma'am! Basang-basa na kayo!"

Sinalubong na rin kami ni Ate Mina, yung lady guard sa homeowner's office.

"Dito muna kayo!" Pinapasok niya kami sa office at hininaan agad ang air con. "Aw, kawawa naman ang baby, naulanan na."

Pag-upo ko sa visitor's seat, inalok na agad ni Ate Mina ang kamay niya. "Akin na muna si baby. Harold, bigyan mo munang towel si ma'am."

Ipinaubaya ko na si Eugene kay Ate Mina at inugoy-ugoy niya ang baby kong umiiyak pa rin.

"Aw . . . gutom na ang baby? Sige, hintay lang tayo, ha?"

Nabalisa ako nang mawalan ako ng karga. Parang ang laki ng bigat na nawala sa mga braso ko.

Wala akong ibang gusto kundi bumalik lang sa dati. Kung puwede lang na kalimutan ko si Eugene . . . tapos papasok na ulit ako bilang flight attendant. Hindi naman na ako buntis. Wala naman sigurong nakaalam na nanganak ako. O kaya iiwan ko na lang si Eugene sa ampunan. Para hindi na rin mahihirapan si Leo na alagaan kami. Kasi aalis ako, mangingibang-bansa. Hindi ko puwedeng dalhin lagi si Eugene. Saka mas maaalagaan siya ng iba kaysa sa akin.

Hindi pa ako ready maging mommy. Puwede ko naman sigurong balikan si Eugene kapag ready na ako.

O kaya . . . ipahiram ko muna siya kay Tita Hellen. For sure, matutuwa si Tita kasi wala silang anak ni Daddy.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon