12. Same Roof

2.4K 160 57
                                    


June na pero ang tummy ko, mukha lang akong bagong kain. Hindi ako sobrang payat, hindi rin naman ako mataba. Ang sabi ng doktor, wala naman daw problema sa baby. Four months na pero walang magkakamaling buntis ako.

December last year, plano na naming magkakaibigan na papasok sa airlines as flight attendants. And since pasok naman ako sa height requirements, puwede sana ako. Pero imposible na yatang mangyari 'yon. Aside sa wala na akong mga kaibigan na makakasama sa airlines, magkakaanak na rin ako soon.

Hindi naman hindrance ang anak sa pagiging flight attendant, pero kasi . . . ayokong magsakripisyo nang mas malaki pa.

Hinihintay nina Daddy ang signs of pregnancy ko pero wala pa ring lumalabas.

I was thinking . . . totoo bang buntis ako? Totoo ba ang lumalabas sa ultrasound? Hindi kasi ako naglilihi. Hindi rin ako nagsusuka. Nahihilo ako kung minsan pero same nga lang halos kapag napupuyat ako o nagka-cram sa exams. Hindi ko masabing kakaiba.

Every week, nagdadala si Leo ng mga pagkaing nasasarapan akong kainin, but I didn't think those affected my weird cravings kasi wala namang special sa citrus fruits and nuts na laman din madalas ng ref namin.

Pero recently, sobrang random din minsan ng pasalubong ni Leo kapag bumibisita siya sa amin. Like most of the time, I had no idea why he brought me weird food. Hindi naman super weird, pero kapag kasi hindi sina-suggest ng doktor o ni Ronie, weird na for me.

And today, he brought me some apple pie and peanut brittle. Saturday, may time siyang pumunta sa bahay namin kasi wala siyang OJT.

Nasa garden kami, sa may pergola, magkatabi kami sa upuan. Hindi nga rin siya mukhang gagala kahit Saturday at nabanggit na ni Ronie na barkada time dapat nila. Naka-polo lang siya saka jeans.

"Where did you buy this?" I asked, munching my peanut meryenda na nasa colorful cellophane.

"Sa Antipolo," sagot niya habang kumukuha ng slice ng apple pie.

"Ano'ng ginawa mo sa Antipolo?"

"Bumili niyan."

Nagsalubong ang kilay ko habang napapaisip kung ano'ng connect ng pagpunta sa Antipolo at sa meryenda namin.

I mean, okay, mabibili itong mismong dala niya sa Antipolo. Pero hindi ko makita ang sense ng pagpunta roon, knowing Leo, hindi naman siya mukhang lakwatsero.

"May outing ba kayo?" tanong ko ulit.

"May pasok ako, paano ako mag-a-outing?"

"Pero ang layo ng Antipolo. Wala kang dinaanang ibang tao?"

Huminto siya sa paghihiwa saka ako tiningnan na parang naiinis na siya sa pang-uusisa ko. Napayuko tuloy ako dahil sa hiya.

"Sorry."

Nag-Antipolo siya . . . wala naman siguro siyang ibang dadaanan doon.

O meron? I don't know.

Ilang weeks nang wala si Mommy at si Gina. Four months and a half sila sa Switzerland. May kinakausap silang supplier doon na hindi puwedeng ayusin online since may quality check na gagawin. Ayaw sana ni Mommy na umalis kaya pinilit niya ang daddy ko na bantayan ako.

Unfortunately, si Daddy, two days na lang, babalik nang Macau. Panibagong argument na naman kung sino ang mag-aalaga sa akin. Before, okay lang na mag-isa ako. Kaso buntis kasi ako ngayon kaya nagtalo na naman sila.

Inabot din nang isang buong araw para lang payagan na nila si Leo na mag-alaga sa akin. Pero hindi raw ako aalis sa bahay. Ang sabi, pag-uusapan daw muna ang setup bago umalis si Daddy kaya nga nandito na naman si Leo kahit na hindi siya dapat nandito.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon