17. Comfort

2.8K 191 66
                                    


Leo never opened up about his feelings toward what happened to us. I was trying to move on from it, but every physical pain I felt every day was something that always reminded me why I shouldn't move on from it.

The abdominal pains, the headaches, the nausea, and all. Having a child wasn't on my list of priorities, at twenty pa lang ako. Maybe twenty-five or twenty-eight, yes. I wanted to have a child, but twenty? No.

Leo's barkada was swimming in the pool. Next week daw kasi, wala nang chance kaya sinasamantala na nila ang pool party na pinayagan ni Manang basta maglilinis sila—and they always did kapag nagpupunta sila rito. Tinutulungan nila si Manang.

May swimsuit akong isinuot. It was a bright yellow, twisted bandeau top and a bikini. Wala sana akong balak mag-swimming pero si Will ang nag-aya kasi helpful daw ang bouyancy ng tubig para sa circulation and boosting ng oxygen level. Saka nakakabawas daw ng swelling kaya pumayag agad ako. Since last May, mababa na ang chlorine ng pool kaya nga mas madalas nang linisin compared noon.

"My loves, ang ganda-ganda mo pa rin," sabi ni Clark na inaalalayan akong maglakad. Hawak niya ako sa kanang kamay habang inaalalayan ako mula sa likod.

To be honest, I haven't seen myself that beautiful since magbuntis ako. Kasi may parts sa katawan kong umitim. Although not really black na black, but visible ang skin discoloration na mas visible pa kasi sobrang putla ko.

There were stretchmarks on my body, saka madalas akong namamanas. Feeling ko, magang-maga na ang katawan ko. I couldn't even reach my toe nails, and Leo was the one cutting them for me kasi hindi ako makapagpa-pedicure nang hindi naduduwal. Sabi ko, si Manang na ang gagawa, but he insisted kasi ang dami na raw ginagawa ni Manang para utusan ko pa. He was right, though. Kahit na hindi naman araw-araw humahaba nang sobra ang kuko ko.

"Akin ka na lang," sabi ni Clark. "'Yaan mo na si Leo. Malaki na 'yan."

"Bad ka," sagot ko. Tinawanan ko siya saka marahang tinapik sa pisngi.

Clark was so vocal in telling me that he has a crush on me . . . ever since noong first year college pa lang kami. We both graduated from college, and he was still doing this and telling me that he would steal me from Leo.

Si Ronie, tinutulungan si Manang maghanda ng meryenda sa pool cabana. Pero naka-board shorts na rin naman na siya. Si Leo, nasa itaas, kumukuha ng towel.

Ingat na ingat si Clark na alalayan ako, at sinalo na rin ni Calvin ang isa kong kamay.

Doon muna kami sa 4 feet tumambay. Will was instructing me to move. Pansin ko na gumaan ang feeling ko habang nasa tubig. Pero kada langoy nina Calvin, parang kailangan kong bumigat para hindi ako tangayin ng tubig.

Hapon at hindi masyadong maaraw. Maulap lang ang sabi sa weather forecast pero hindi uulan. May minutong walang kaaraw-araw, pero malakas din kasi ang hangin kaya iinit rin kalaunan.

Sa lamig ng tubig. Kung puwede lang na doon ako matulog sa pool, doon ako matutulog sa pool. Tapos para akong ballerina na sumasayaw sa tubig habang nagsi-stretching at hawak ni Will sa tagiliran, bandang ilalim ng dibdib. Sa kanya ako nakaharap kaya nakikita ko lagi ang ngiti niya sa akin kapag napapansin niyang natutuwa ako sa ginagawa naming dalawa.

Si Clark naman, nasa likod ko at dinidiin doon ang kamay kapag nakapahinga ako, eksakto sa mga parte ng likod ko na grabeng sumakit tuwing gabi.

"Wow . . ." Napapapikit ako habang nagtutulong silang dalawa na alisin ang lahat ng sakit ko sa katawan.

Paghawak ni Clark sa balikat ko at braso, itinulak niya iyon nang bahagya. Ang lakas ng lagutok ng buto ko roon. Kahit si Calvin, napahinto sa paglangoy para lang silipin ako.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon