Aware naman akong gustong-gusto talagang dumalaw ng barkada nina Leo sa bahay namin. Noong wala sina Mommy at Gina, linggo-linggo pa halos. Ang kaso, nandito na nga ang ayaw nilang makita rito. And worst of all? Ipinatawag pa sila.
Our whole dining table was fully occupied.
Si Mommy at si Tita Shan sa magkabilang puno ng mesa. Nasa left side ako ni Mommy katabi si Leo. Katabi naman ni Leo si Rico kasunod si Calvin. Nasa right side naman ni Mommy si Gina, katabi si Clark, then si Will katabi si Patrick.
Ang behave nilang lahat, parang hindi gumagawa ng kalokohan. Naka-T-shirt, shorts, at slides lang sila. Mukhang mangangapitbahay lang sa amin, maliban kay Patrick na naka-formal long-sleeved shirt at formal slacks. Mukhang galing sa work.
Ilang araw ko rin silang hindi nakita, pero wala pa ring ipinagbago.
They always have that vibe of a playful teen in the body of a man. Hindi nawawala sa kanila ang laro, and their playground right now is a dangerous field they shouldn't have entered in the first place.
Nate-tense ako kasi walang nagsasalita sa kanila. Hindi naman sila mukhang natatakot kahit parang dalawa si Mommy na nakabantay sa magkabilang dulo ng mesa. Kahit saan sila lumingon, kay Tita Shan man o kay Mommy, iisang mukha lang ang masisilayan nila.
"Buti nakapunta kayong lahat," panimula ni Mommy, iniisa-isa ng tingin ang mga kasama namin sa mesa. "Mga wala ba kayong trabaho maliban doon sa katabi ni Gina?"
Sumulyap kami kay Patrick na nakasilip sa ibaba. Siniko agad siya ni Will saka siya umayos ng upo.
"Yes, ma'am. I agree," biglang sabi ni Patrick sabay tago ng phone niya sa bulsa.
Napa-facepalm tuloy si Leo sa tabi ko sabay mura nang mahina paglingon niya banda sa akin. Si Clark, pasimpleng tinakpan ang bibig habang kagat ang itaas at ibabang labi, nagpipigil ng tawa.
"Gago, hindi 'yon yung tanong," malakas na bulong ni Will.
"What's the question ba?"
"Makinig ka kasi, puro ka phone."
"Sorry po. Sorry po," paumanhin ni Patrick saka yumuko at paulit-ulit na nag-bow.
I could feel the tension, na hindi ko dapat nararamdaman ngayon since bawal nga sa akin, but I have to be here.
"Tungkol sa kaso n'yo last February—"
"GUS . . . to ko lang pong linawin . . ." Sabay-sabay kaming nagulat sa biglang pagsigaw ni Clark habang nagsasalita pa si Mommy.
"'Tang ina mo, nagulat ako." Nahampas tuloy siya ni Gina sa balikat na isa ring napatalon sa upuan niya.
Si Will, kinuha na ang collar ng T-shirt niya saka itinakip sa bibig habang pigil na pigil ang tawa. Kahit din tuloy ako, natatawa na rin kay Clark.
"Nagpapaliwanag lang ho ako, ma'am," mahinahon nang sagot ni Clark at nakatingin kay Gina.
"Huwag mo 'kong tawaging ma'am."
"Sir."
"Tarantado." Marahan siyang nasampal ni Gina. Pigil kami nang pigil sa tawa namin.
"Gina," sabi ni Tita Shan. "Tawagin mo siyang Gina."
"Thank you, Mommy 2.0." Kumindat pa siya at itinuro si Tita ng naka-gun pose niyang mga daliri.
"I like you!" masayang sabi ni Tita at itinuro si Clark.
"I like you too," confident pang sagot ni Clark. "Buti kayo goods, 'no?" Paglipat niya ng tingin kay Mommy, napaayos siya ng upo at sumeryoso na rin kasi nakasimangot na si Mommy sa kanya. "Mabalik po tayo sa usapan."
BINABASA MO ANG
AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)
RomanceAlabang Girls Series #3 For Kyline Chua, meeting Leopold Scott, the antithesis of his code name Zeus, was a dream come true. She was able to put up with a self-centered college boy for a while until she was left with nothing but a broken heart. A wi...
