26. Guidance

2.3K 168 97
                                    


"MILD CONTRACTION lang naman. Normal 'yon sa mga buntis na nasa ganyang buwan. Hindi pa siya manganganak."

"Narinig mo 'yon?" sermon ni Mommy kay Leo. "Normal! Hindi pa manganganak! Kung makatawag ka ng ambulansiya, parang kritikal ang anak ko!"

Pulang-pula na ang mukha ko sa kahihiyan, tapos napapangiti na lang si Doktora Anne habang umiiling at may isinusulat sa patient records ko.

"Sinusunod naman ang routine at meals niya daily. Helpful din na nakakapag-exercise si Kyline at nabawasan na ang back pain niya. Bawas na lang din sa stress."

"Narinig mo 'yon?" dagdag na naman ni Mommy na nakatayo at nakapamaywang pa rin habang dinuduro si Leo. "Bawas sa stress."

"Mas madalas pa akong ma-stress kaysa kay Kyline. Huwag ako ang pagsabihan mo," sagot na naman ni Leo sabay irap.

"Antipatiko ka talaga kahit kailan, 'no?" Damang-dama namin ang gigil ni Mommy kanina pa sa bahay.

Sumakit kasi ang tiyan ko habang nagsasagutan sina Tita Shan at Leo. As usual, Leo didn't want to lose the argument because he was definitely pissed off by my aunt looking at him like meat ready to be consumed.

We ended up here in the maternity clinic, malayo sa sariling clinic ni Doc Anne kung saan kami usual na nagpapa-check up. But it was nearer our house kasi ilang kilometer lang ang layo, and Doc Anne is currently the doctor in this clinic. Ang ayaw lang ni Mommy, ang daming tao. Sa clinic ni Doc Anne, hindi pa lumalampas ng lima ang kasabayan namin. And since maternity clinic ito, walang office si Doc. Kita kaming lahat ng mga tao kasi may table lang sa gilid at doon kami kinakausap.

Ako lang ang nakaupo, nakatayo na sina Leo, Mommy, at Gina.

"Here." May inabot na papel sa akin si Doc Anne pero si Leo ang kumuha bago ko pa mahawakan.

"Wala po bang reseta?" tanong ni Leo nang mabasa ang maliit na papel na ibinigay ni Doc.

"Wala akong irereseta. Wala naman nang nararamdaman si Kyline. Okay naman ang intake ng vitamins at diet. Contraction lang 'yon and that's normal. Nangyayari talaga 'yan. Hindi 'yan maiiwasan." Itinuro niya ang hawak ni Leo na papel. "Dalhin na lang 'yan sa cashier. Bumalik na lang kayo sa clinic sa next checkup."

Hindi ko na alam ang ire-react. Nagpapalitan lang ng talim ng tingin sina Mommy at Leo.

Wala kasing sariling sasakyan si Leo maliban sa motor niya. Gusto na niyang tumawag ng ambulansiya kanina para isugod ako sa emergency room. Si Manang, nagpa-panic kung sino ang susundin: kung tatawag ba ng ambulansiya o ihahanda ang SUV ni Mommy.

Si Mommy, kahit ayaw mag-panic, nagpa-panic na rin kasi buhat ako ni Leo. Pero ang gusto ni Leo, magtawag na lang ng taxi at pupunta kami ng ospital para ipa-admit ako sa emergency room.

At dahil wala ngang taxi sa area namin since exclusive subdivision, walang choice si Leo kundi sumakay sa SUV ni Mommy. Pero ang gusto niya, siya ang magda-drive. E di, nag-away na naman sila ni Mommy kasi kotse ng mommy ko iyon.

Kinaladkad na siya ni Gina papunta sa backseat para daw ako ang bantayan niya. He agreed. However, habang nasa biyahe, sigawan sila nang sigawan ni Mommy na bilisan daw ni Mommy ang pagda-drive.

Si Mommy naman, ang reason, overspeeding na sila at matitiketan siya. Policewoman si Mommy, of course, aware siya roon! But Leo insisted that it was an emergency, and Mom was supposed to have a "wangwang" on her car because she's a police officer. And mom shouted, "Paano ako magwawangwang, retirado na 'ko! Gago ka ba?!"

Thankful ako na super lapit lang ng maternity clinic sa bahay at nataong nandito si Doc Anne kundi baka sa biyahe pa lang, napaanak na ako. Habang iniisip ko, lalo akong nasi-stress.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon