24. Decision

2.5K 190 100
                                    


Ever since Leo, Mom, and Gina stayed under the same roof, hiniling kong sana makapag-dinner (or even breakfast and lunch) kami nang tahimik. It happened tonight, but I didn't like the silence served at the table along with our dinner, na ultimo si Manang na madaldal talaga, tahimik ding nagse-serve.

It was creepy, and I couldn't eat properly without shifting my gaze from Leo to Mom, then to Gina and Tita Shannon.

Mommy was glaring at Tita. Gina was keeping her laugh as she ate. Tita was biting her spoon seductively and waiting for Leo to look at her.

And then there was Leo, who never looked at anything or anyone apart from me, my meal, and his dinner. It was the first time he ate with me. Parang kagabi lang, o kahit kaninang lunch, kakain muna ako bago siya.

I didn't like how Tita Shan looked at Leo, and I already called her out. Kahit si Mommy, si Gina, at si Manang. But she wasn't listening at all. Leo wasn't giving any reaction to her green jokes, and she didn't look like she was going to stop unless Leo would bite her traps.

"Ganito ba kayo lagi katahimik dito?" tanong ni Tita Shan nang mapansin na walang umiimik sa amin. "Manang."

"Ay, bakit?" painosenteng tanong ni Manang na nagsasalin ng tubig sa bawat baso nila.

"Ang lungkot n'yo naman dito."

Walang sinabi si Manang na nasa likuran niya at may hawak na pitsel. Pilit na pilit ang ngiti ni Manang—na hindi niya normally ginagawa—habang pinandidilatan ang basong kadarampot lang.

"Lagi silang malungkot dito," sagot ni Manang na hindi ko alam kung tatawanan ko ba o ikagugulat. "Araw-araw, ang tatahimik nila. Parang may multo na nga rito sa sobrang tahimik ng mga batang 'yan."

Mukha nang hahagalpak ng tawa niya si Gina kaya napakuha na ng table napkin pero sa buong mukha na itinakip imbes na sa bibig lang.

"E di, dito na lang ako titira para hindi tahimik."

"Hindi na kailangan, Shan," kontra agad ni Mommy.

"Oo nga," dagdag pa ni Gina. "Saka may bahay ka sa Diliman, di ba?"

"Alam n'yo, lalo akong naku-curious kung ano'ng meron dito sa bahay na 'to."

"Wala nga kasi," sabay na sagot nina Gina at Mommy.

"Hahaha!" Ang lakas ng halakhak ni Tita saka tiningnan ulit si Leo. "Psst. Huy, pogi."

Napatingin ako kay Leo na busy lang sa pagkain niya sunod ay titingin sa kinakain ko. Hindi talaga niya tiningnan si Tita.

"Sabi ni Manang, may work ka rin daw malapit dito," sabi ni Tita, tutok kay Leo.

"Tigilan mo 'yan," warning ni Mommy.

"Selosa ka talaga, Linda."

Napasimangot ako sa sinabi ni Tita at napayuko na lang. Sumulyap ako nang saglit kay Tita Shan. Hindi nawala ang titig niya kay Leo habang ngumunguya siya. 'Yong titig na parang hinuhubaran niya si Leo sa imagination.

Nao-offend ako pero hindi ko masabi. Hindi ko kasi matingnan nang ganoon si Leo. Feeling ko kasi kapag ginawa ko iyon, baka never na akong lapitan ni Leo kung sakali man.

"Kailan kayo ikakasal ni Belle?"

Hindi sumagot si Leo sa tanong ni Tita. Bumagal ang pagnguya ko. Alam kong hindi iyon masasagot ni Leo kasi sa aming dalawa, ako ang may ayaw munang magpakasal. And as expected, wala pa ring sinabi si Leo na kahit na ano.

Natapos ang dinner namin na tahimik si Leo. Walang sinagot na tanong, walang sinabing kahit na ano basta si Tita Shan ang nagsalita. Si Mommy, nagawa pa niyang tanguan saka sagutin nang kaunti noong tinanong siya kung may pasok ba siya bukas sa school.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon