14. Loveless Days

2.9K 190 40
                                        


"Kumain ka na?"

"Hindi pa. Waiting kay Manang."

Nasa uni si Leo kasi exam. It was supposed to be a morning schedule, but their professor moved it to lunch kaya nauna na si Leo na mag-lunch bago ang 11 a.m. exam niya. That subject took three hours, and he said he would go home after that.

His phone was placed in front of him. I could even see the strap of his bag na ginagawa niyang sandalan ng phone para makapag-video call kami nang hindi niya hawak ang phone niya.

He was eating inside a small eatery outside the campus. Palakad-lakad ang ibang mga student sa paligid niya at sobrang ingay roon kahit pa naka-earphone siya. Aside from that, nakatabi sa plato niya ang reviewer niyang tatlong page na compressed pa at maliliit ang sulat. Nagbabasa siya roon, then susubo saka titingin sa paligid kapag may nagsisigawan at tumatawang mga estudyante bago babalikan ang nire-review.

Hindi ko kayang mag-focus sa ganoong lugar habang may kausap. Ako ang nahihirapan sa kanya.

"You can drop this call para hindi ka maistorbo sa review," sabi ko.

"Sabihin mo kay Manang, padamihan ng sabaw ang pagkain mo. Saka bigyan ka ng citrus."

Hindi na naman niya pinansin ang sinasabi ko.

"Belle, kakain na."

Napatingin ako sa may pintuan nang sumilip doon si Manang.

"Sige po." Tiningnan ko ang screen ng phone ko para magpaalam kay Leo. "Kakain na ako. Papatayin ko na 'tong—"

"Kumain ka lang. Hayaan mo 'tong call."

Matipid lang akong ngumiti saka tumango. "Okay."

It was almost the end of my second trimester, and my baby bump was visibly showing kaya naka-maternity dress na ako. It felt like I was carrying another pound in my tummy. Sabi ni Manang saka ni Will, maglakad-lakad daw ako lagi para hindi ako masyadong nagka-cramps.

Hindi ko pa rin ibinababa ang video call pero wala ni isa sa amin ni Leo ang nagsasalita. It's been more than a month since we started this setup. Leo was still cold, but he was responsible. Sa sobrang drained na kami sa presensya ng isa't isa, parang hindi na matandaan ng feelings ko na nagustuhan ko siya noon.

If loving him is an activity, then I'm tired of doing it. Probably because he let me feel that he was frustrating to love, and I meant not to exhaust myself. Until we ended up having each other out of the necessity of being together temporarily.

"Nandiyan ba si Manang?" tanong ni Leo habang sinisimulan ko nang kainin ang nilutong beef soup saka beef steak ni Manang.

"Bakit daw?" tanong ni Manang nang marinig siya. Sumilip pa si Manang sa phone ko na nakalagay sa phone stand. Naabutan niya si Leo na nasa ibaba ang view ng camera at naglalakad, pabalik siguro sa campus. "Ano 'yon, hijo?"

"Paayos ho ng buhok ni Kyline. Kanina ko pa sinasabihang magtali 'yan bago kumain, ayaw sumunod."

Natawa nang mahina si Manang pero napasimangot ako. Ang alam ko kasi, magpapatay na ako ng call bago ako kumain. Hindi naman niya kasi makikita 'yon. Ang kaso, ayaw nga niyang ipapatay ang call.

"Ito na, aayusin ko na," natatawang sinabi ni Manang at humugot ng hair band niya sa may wrist.

Pasubo-subo lang ako habang tinatalian sa buhok.

"Saka, Manang, yung vitamins ho ni Kyline. Paki-ready diyan sa table. Baka makalimutan na namang inumin."

"Naka-ready na," sagot ni Manang.

AGS 3: The Stag Party (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon