P.s: Hindi talaga ako maalam sa basketball, basta nanonood lang din ako.
**
"Goodluck." sabi ko sa walang emosyon.
Ang kanilang 2nd round kasi ay ngayon mag-uumpisa. Tapos na ang 1st round.
5-1, 5 wins and 1 lose.
After 2nd round, elimination round and semi finals.
"Sabi sabi rito na may babae nanaman si Ramirez? 'yong nakalandian ni Dawson. Kaibigan mo 'yon si Ramirez 'diba, Declan?" Habang nag sasapatos na tanong ni Kuya Desmond. Ikinibit balikat ni Kuya Declan 'yon.
"Sinong Ramirez?" Kahit alam ko naman na talagang si Number 15 'yon, itinanong ko parin.
"'Yong Lore, naka number 15!" Habang bumababa siya sa hagdanan, si Kuya Dawson ang sumagot sa'kin.
Kuya Declan just shrugged his shoulder. Parehas kami, average kung mag salita. Sumusunod si Kuya Dawson, pikunin at kadalasan itong seryoso habang si Kuya Desmond ang pinaka maingay parang si Papa.
"Is it true Kuya?" habang lumabas kaming dalawa ni Kuya Declan ay tinanong ko siya.
"Anong parte ba ang gusto mong malaman?" sa tanong ni Kuya saakin ay hindi ko rin alam ang sagot. Malaman kung kaibigan ba siya nito o malaman na may ibang babae ang crush ko?
"Traydor na kapatid!" dagdag pa ni Kuya sa loob. Umiling naman si Kuya Declan at kumaway habang nakatalikod, nauna sa'kin kaya't sumabay ako agad.
"Kampi ka sakaniya Kuya?" Tanong ko at inarkuhan ko siya nang kilay. Tinignan niya ako sa tamad niyang reaksyon.
"One o one pa kami no'n mag suntukan eh." Natawa pa siya sa sarili niyang sinabi. Umirap ako ro'n akala naman niya nakakatawa. Natawa rin doon sina Kuya Dawson at Kuya Desmond. Ang corny talaga nila!
"Sige nga, oh." Hamon naman ni Kuya Dawson. Tumaas naman ang kilay ko kay Kuya Declan, pahiwatig na hindi ako sang-ayon kay Kuya Dawson.
"Sus, isang suntok ko lang do'n tumba 'yon." si Kuya Desmond.
Sa sinabi ni Kuya ngayon ako natawa. Masiyado naman silang matatapang. Ano bang meron at inis na inis sila? Naiinis ako pero sakto lang.
"Matatangay ako rito mga Kuya. Hinay hinay naman." Sabi ko sa kanila, sobrang hangin at talagang anak sila ni Papa.
"Suntukin mo nga Kuya, oh." Paghahamon ni Kuya Dawson kay Kuya Desmond. Ito 'yong ayaw ko sakanila! Kuya Dawson really loves the bet.
Bago pa sana kami maka-alis nakita pa namin si Mama na nakatanaw sa amin, malungkot ang ngiti kasama ang Papa. Bumaba sila upang mapantayan kami.
"Ang gwagwapo at ganda naman talaga oh!" Ngiti ni Mama sa'min at pinisil ang aming pisngi. Napa-nguso si Kuya Declan doon dahil na miss siguro niya na ganunin siya ni Mama.
"Siyempre at mga anak ko 'yan!" Pag mamalaki ni Papa saka ako inakbayan.
"Ang bibilis niyo lumaki! Hay nako parang wala na akong anak!" nakita namin ang biglang pagiging emosyonal ni Mama.
"Mama ganon talaga pag may matangkad tayong lahi!" pag-iiba ni Kuya Desmond para hindi maiyak si Mama pero naiyak parin sya. Niyakap nila si Mama at inaasar. Niyakap ko rin si Papa sa gilid.
"Pag pasensiyahan niyo na at hindi ako makakanood." dagdag ni Mama. "Pasensiya na mga anak, kailangan niyong mag trabaho dahil sa hirap ng ating buhay." Ngumuso ako ro'n dahil wala atang araw na hindi humingi ng tawad si Mama.
"That's alright, okay lang mama ko." sabi ni Kuya Declan, inaalo si Mama. Habang tahimik lang din akong niyakap ni Papa sa gilid.
Sabay sabay naman kaming aalis ng bahay, maiiwan si Mama.

YOU ARE READING
Chasing my Happiness
Ficção AdolescenteVendejas Series #1 Ashylah Clementine Vendejas 012323