Chapter 7
Bestfriend
They won... Ramirez team won.
Ngayon lang ulit. Nakaramdam ako ng pagsisisi ngunit gusto ko ang pagsisisi nanararamdaman ko. Mag mumukha akong tanga kung babawiin ko 'yon. Besides, 3 to 4 months lang naman.
Maraming sigawan. Sobrang ingay at halos sigaw lang talaga ang maririnig. Ang mga players ay nag simula naring mag kamayan at batiin ang isa't isa. Hindi nakatakas sa aking mga paningin ang pagkakaroon nila Kuya at Ramirez ng interaksyon sa loob ng court.
Nanghihinayang ako hindi dahil 1st placer ang team nila Papa. Nanghihinayang lang ako sa desisyon ko. Why I am so impulsive?
Sana humindi nalang ako. Diba ganoon naman ako? Umaayaw sakaniya? Hindi ko magawa, dahil gusto ko rin 'yong deal niya.
Kahit sana minsan, tignan mo'ko..
Paulit-ulit umecho ang mga salita niya sa utak ko. Dahil tuloy ro'n ay hindi ko na magawang hindi-an ito.
Bumaba kami ni Saige at sinalubong si Javen na pagod na pagod. Marami agad itong ibinida na hindi ko maintindihan dahil silang dalawa lang ni Saige ang nag-usap. Tatlo lamang kaming mag kaibigan, pero hindi ako ganoon ka close dahil wala akong oras sa kanila. Kaya't naiintindihan ko kung bigla nila akong sasampalin dahil sa hindi pag papansin.
Sumunod ang mga Kuya ko na pagod at nakangiti parin sa'kin. Niyakap ko sila isa-isa kahit pawis, at nag punas nalamang. Nagsimula naring lumuwag ang court dahil nagsisi-uwian na ang mga tao.
"I would like to thank you all for attending and participating our game league. See you all at our awarding night." Announce lamang noong babae.
"Congrats!!" bati ni Saige kila Kuya na mukhang nalugi. Ngumiti ako at tinapik sila isa-isa. Alam ko namang gusto nila manalo dahil gusto nila na may maii-uwi si Papa na mas malaki pang award. Gusto rin nila na may nakikita silang throphy sa bahay. Meron kasi silang collection pag dating sa mga awards namin. Maraming medals.
"You all did your best." last na sinabi ni Papa bago pa kami naghiwahiwalay. Sobrang proud 'yon. Ngunit hindi pa man kami nakakalayo ay nakita ko siya.
Akala ko naman ay tapos na. Akala ko uuwi na. Pero nakita ko si Ramirez lumalapit sa direksyon namin. Umalarma agad ako at kinabahan lalo na't kasama ang mga Kuya at Papa! Hindi agad ako nag dalawang isip at nilapitan sila Kuya at Papa.
"Papa mauna na po kayo. Kuya, susunod nalang po ako pauwi." ngumiti ako sa kanila ng matamis upang mapayagan, umipektibo naman ito. Hinatak ko si Saige kasama si Javen na gulat na gulat dahil nakita si Ramirez. Dahil marami pa namang tao sa court at may mga nag shohooting na mga bata, hindi nila napansin si Ramirez na tungo sa akin.
"Saan kaba pupunta?! Tinatawag kapa nila Kuya Declan." Pina-shh ko si Saige dahil sa ingay at walang kupas sa pagsasalita. Ganoon din ang ginawa ni Javen dahil napaka ingay ni Saige.
Mas lalo lamang akong kinabahan lalo na't mas napalapit na siya sa direksyon ko, nakangiti ito at pawis na pawis. Nakita 'yon ni Saige at agad nalaman ang pakay ko. Naglibot ako ng mata at wala naman na ang pamilya ko.
"How are you?" He asked while gasping air. I just stared at him. Itinaas niya ang kilay at nagtatanong na mata.
He's really handsome.
"I think, deserve ng privacy?" Pagpaparinig ni Javen at hinahatak si Saige. Umaray pa si Saige.
"Kita kits nalang kay Mama, Insan!" tapik sa'kin ni Saige at humagikgik sa kilig. Umalis na sila at naiwan kami, iginiya naman ako ni Ramirez palabas at hindi ko alam kung saan na kami pupunta.
