Today is our family day.
Pag gising ko ay agad na akong nag-ayos para bumaba na. Pero bago pa 'yon ay sumilip ako sa katabing bahay. Ang bahay nila Saige at Javen.
Wala ang alagang hayop ni Javen dahil alam niyang nanakawin ko 'yon kay manang. Ang damot, tss. Dahil katapat lang ng bintana ko ang kwarto rin ni Saige ay nakita kong si Tita Davriana pa ang nag bukas ng bintana nito.
Ala-sais palang ng umaga at nag kwekwentuhan si Mama at Papa sa labas nang ibaba ko ang paningin, nasa graden.
Bumaba na ako para magluto ng almusal. Dahil alam kong hindi pa sila nag luluto lalo na't around seven gigising ang mga Kuya.
Inuna ko muna ang itlog na ginawa kong sunny side up at nagprito rin ng hotdogs. Nagpainit ng tinapay at sinunod ang sinangag.
Sa kalagitnaan ng aking pagluluto ay biglaan ko na lamang narinig 'yong radio na kadalasan na siniswitch talaga ni Papa pag umaga.
"Bango naman niyan anak!" Ani Papa at tumawa. Ramdam ko ang presensiya ni Papa na nag aayos na ngayon ng mesa.
Ngumiti ako kay Papa ng marahan. He is so handsome.
"Kumusta naman ang Papa ko?" tanong ko habang hinihintay ang nilulutong sinangag.
"Pogi parin naman ah?" Sabi niya habang nag pogi pose. Tumawa ako ro'n pero natigil ang tawa ko nang marinig ang boses nila Kuya na tila nagaaway nanaman sa umaga.
Napailing nalang ako at nangiti, parehas nalang kami ni Papa na nakinig. Tatanda na isip bata pa rin!
"Bastos ka ah!"
"Mas bastos ka!"
Galing sa itaas ang mga hakbang na nagmamadali pa pababa, nararamdam naman namin ni Papa 'yon. Nag aaway nanaman sila. Petty.
"Hoy! Kuya mo ako ah! Naneto suntukan oh ano!" napabaling ako kay Papa nong makita si Kuya Desmond at Kuya Dawson na nag aaway nanaman. Nasa kabilang sofa si Kuya Dawson at si Kuya Desmond naman ay hinuhuli siya dala ang hanger.
"Tanda mo na Kuya ganyan ka pa!" Pagtuturo ni Kuya Dawson kay Kuya Desmond.
Tinuro rin siya ni Kuya Desmond at namaywang. "Kung makapagsalita ka akala mo hindi karin isip bata!"
"Stop it. Parehas naman kayong isip bata?" buhaghag ang buhok at naka pang tulog pa si Kuya Declan ng sumingit sa usapan.
Nanahimik naman silang pareho. Nangisi ako ng palihim at pinatay na ang gas dahil luto na ang sinangag.
"Isip bata? Hinahabol nga ako ng mga babae na tipo ni Kuya Desmond." pag mamayabang ni Kuya Dawson. Umismid si Kuya Desmond doon at tila natamaan.
"Proud babaero?" tanging sinabi ni Kuya Declan. Nakapa mulsa pa at tila pagod na sa araw-araw niyang nakikita.
"Atleast pogi parin. 'diba Papa?!" Lumapit si Kuya Dawson kay Papa.
"Siyempre! Tatay mo 'ko!" isa pa 'tong si Papa eh. Narinig ko nanaman ang tawa ni Papa na umecho sa bahay.
"Ampon ka lang kasi! Pangit mo eh!" Ani Kuya Dawson, nagpaparinig.
Ano ba 'tong pamilya ko.
"Ang tatanda niyo na, ganyan pa kayo!" Nagulat kami nang magsalita si Mama sa likod. Kakapasok palang sa bahay. Kung ako rin siguro nanay nila baka maagang puputi buhok ko.
"Gulat kayo? Ay na kanina ko pa kayo pinapanood! Ito- itong mga 'to talaga..." agad kaming tumakbo papalapit kay Papa dahil si Mama na ngayon ang may hawak ng hanger. Dumaan pa sa harap si Kuya Declan! Tapos hindi man lang siya pinagalitan!
![](https://img.wattpad.com/cover/309531451-288-k499122.jpg)
YOU ARE READING
Chasing my Happiness
Ficção AdolescenteVendejas Series #1 Ashylah Clementine Vendejas 012323