Chapter 5
Girlfriend
Umagang umaga ay nasapo ko na ang noo ko dahil sa inis. Kumunot ang noo ko dahil sa tuloy tuloy na notification.
Jazen Maverix Del Mortel: girl!!!! may chismis!!
Saige Rovidale Ruiz: nugagawen
Jazen Maverix Del Mortel: talaga ba, sige ginusto mo yan eh
Javen sent a lots of screen shots. Only to find out Ramirez did something horrible. Hindi ko aakalain na sa umagang ito ay mang gugulo siya. Akala ko hindi na matapos ko siyang iwan sa tahimik na lugar kahit umiiyak ako.
When will you accept my friend request?
Post nito sa sarili niyang time line at dinagsa 'yon ng maraming comments na pinangungunahan ng kaniyang mga babae.
Javen Maverix Del Mortel: tangina! ako nga nag kakandarapa para i confirm niya!
Javen Maverix Del Mortel: sino kaya yn?
Saige Rovidale Ruiz: siyempre kanlandian mo na yan
Saige Rovidale Ruiz: kalandian*
Javen Maverix Del Mortel: kanlandian hsaha amp
Hindi lang 'yon. Nag comment pa si Ramirez doon ng @AV mabuti nalang at hindi napansin nila Javen at Saige dahil mukhang walang pake-alam at broken pa.
Naka private lahat ng account ko kaya siguro't hirap siyang mang stalk. Lalo na ang ig account ko.
Hindi na ako nag aksaya ng ilang oras at bumaba na ako. Pagbaba ko ay tawanan agad sa baba ang narinig ko, mas nangingibabaw ang tawa ni Mama.
"Opo, gano'n po talaga siya," mahinahon ngunit malalim na boses ang nag pahinto sa kalagitnaan ng pagbaba ko. It's Ramirez voice.
"
Buti nga't kaibigan mo pala ang anak ko! Ay napaka gwapo mo naman talagang binata!" napa-irap ako sa sinabi ni Mama, na sinundan ng tawa nito. Hindi ko aakalain na mag papapasok siya ng binatang lalaki dito.
"I feel left out of here," dinig kong sabi ni Kuya Declan habang sumisimsim ng kape. Agad na akong lumapit at tinignan sila. Dumaan lang ako sakanila at walang binitawang salita.
Ngumiwi ako dahil patuloy sila sa tawanan. Pinasadahan ko ng tingin si Ramirez na nakasimpleng cargo short at white t-shirt lang siya pero amoy na amoy ko ang pamilyar niyang pabango.
"Hindi mo sinasabing may ganito ka palang kagwapong kaibigan, Ashylah!" muli akong dumaan para umakyat ulit, ngayon pa talaga'y pinansin ako ni Mama. Kaibigan?
"Ano po ulit?" Hindi makapaniwalang narinig 'yon.
"Sabi ng Kuya mo ay Kaibigan mo 'to!" Nakakunot kong binalingan si Kuya Declan. Nakatingin lang ito sakin na parang wala lang 'yon. Hindi 'yan papayag.
"You heard me right and clear, Mama. Go upstairs, Ash. Mama is just making stories again." Pumikit ako at huminga ng malalim dahil sa halo kong nararamdaman. Alam ko namang hindi papayag si Kuya na kakaibigan ako ng lalaki.
I shrugged my shoulder, making it more look like I don't care. Mabigat ang mga paa kong umakyat sa taas. After what he did, huh. After chasing me like a dog for a past few days, weeks... After he gave me mixed signal just by his actions? His sudden corny jokes?
