Chapter 19

30 1 0
                                        

"Nandito ka lang pa lang babae ka!"

Isang matangkad na babae ang biglang pumasok at humugot kay Serenity. Hindi naman kami lasing, well technically hindi kami uminom, para hindi mapansin ang isang babae na biglang inatake si Serenity sa inuupuan niya.

Kami na lang halos ang nandito na kasama sa party ni West dahil anong oras na. Tahimik lang siya dahil palaging si Saige at Drie ay inaasar siya. Wala na ang mga bisita at lalong wala na ang pamilya ni West. 24 hours itong resto bar kaya't hindi nauubusan ng tao.

"Mga putangina kayong Villaruel!" Hila noong babae kay Serenity na ngayon ay hindi makalaban. Villaruel? The politician? Hindi namin nabasa ang mga sumunod na gagawin ng babae kaya't naestatwa kami at hindi malaman ang gagawin.

Si West at Ramirez lang ang tanging naka-awat dahil prinotektahan kami ni Javen, lalo na ako ang pinakamalapit. Nakita ko kung paano kuhanin ni Ramirez si Serenity sa isang babae, i saw how he touched her. Si West naman ang pumagitna.

"Who the fuck are you?!" West voice thundered.

"Bakit ako?! Putangina bakit hindi niyo tanungin 'yang tanginang babae na 'yan!" Kita ko ang sakit, inis at hirap noong halos katangkaran kong babae at dinuduro si Serenity na ngayon ay nagulo ang buhok at umiiyak na sa bisig ni Ramirez.

I felt nothing, but a pity.

West bloodshot eyes turned to her. He feel pity too. Lumikha 'yon ng ingay sa paligid na siyang nag bigay ng atensyon sa lahat. Sumugod ulit ang babae at hindi 'yon nahuli ni West kaya't nasampal si Serenity. Her body trembled, again.

Nainis ako roon at lumabas sa proteksyon ni Javen. We need to protect her!

"Who are you to barged in?!" I shout to her faced. Matapang itong humarap sa akin. I slapped her not only once but twice.

"Tangina mo, paki-alamera!" Sigaw sa akin, akma akong kukunin nang may bouncer na humarang.

"I don't care."

Lumabas na rin sila sa likod ni Javen para protektahan si Serenity sa likod na alo-alo ni Ramirez. Nasasaktan ako, but to her safety, isinantabi ko 'yon.

Sumisigaw 'yong babae na hinila hila nang mga bouncer. "Tandaan mo 'to Villaruel! Babawi ako! Wala nang mag mamahal sa'yo! Mamatay kana! Wala kang kwenta!"

She only shut up when West draged her. Napatingin ako sa likod namin at nakitang nag pupumuyos sa galit si Ramirez nang bumalik sila sa inuupuan nila. Nanatiling umiiyak si Serenity. Tumayo 'to nang maramdamang nanonood kami sa kaniya.

"Ano? Sasaktan niyo rin ako?! Oo na! Walang nag m-mamahal s-sa akin! Pero huwag niyo namang ipamukha!" Nagulat ako sa biglang sigaw niya... sa amin.

"Oo, l-lagi akong mali!" nanghihinang saad niya. "Wala akong kwenta! Naiingit ako! Kasi putangina anong klaseng pamilya ang meron ako..." Her voice broke. Umiwas ako ng tingin, i felt pang to my heart. I suddenly want to embrace her tightly. I shouldn't have felt insecure and jealous. She deserve what she have.

"Sa t-totoo lang, naiingit ako sa'yo! Sainyo! Lalo na sa'yo Ashy!" As she mentioned me, i look at her. Shocked. "I envy you! For having him! For having bestfriends, family! While me? Nothing... i have nothing to hold on!" There's a sudden tears polled my eyes. Did she just compare her life to me? Hindi ba nito alam... na hindi rin ganoon kadali para sa akin mabuhay sa kung anong mayroon ako?

"Hindi mo kami kaaway dito!" Sigaw ni Saige at ako naman ang prinotektahan. I am crying, i felt so lost.

"Palagi nalang... akong pabigat. Bakit hindi na nga ba ako mamatay? Pagod na pagod na pagod na rin naman ako." she said while kneeling. Nagsi-iwasan kami ng tingin dahil sa panghihina.

Chasing my HappinessWhere stories live. Discover now