Nagising ako na may mga ngiting naka-ukit sa aking labi. Ngayong araw ang appointment namin para mag palinis ako ng kuko, sa kamay at paa. Magkakaroon kasi ako ng 2 weeks preparation para sa 18th birthday ko at ngayong araw ang simula. May undas break pa rin kami ngayon pero sa mga susunod na araw ay balik eskuwela na.
Kasama ko si Mama na nagpunta kami sa mall para mag paganda. Mother and daughter's bonding. Sa totoo lang ay kakaunti na lang ang gagastusin namin dahil inako na lahat nila Tita Davri at Tito Hesod. Maging ang photoshoot na magaganap sa ibang araw ay kaniya ring regalo na sa akin. Napabuntong-hininga ako, hindi ko maiwasang maingit. Mayaman kasi sila Saige, hindi tulad namin.
Unang araw ay ginawa namin ni Mama ang mag relax at mag pa-linis. Sa pumangalawang araw ang fitting ng aking tatlong isusuot na gown. Ang una ay baby pink, tube ito. I love the simple design, para itong maliit na dress lamang kung wala ang mahabang buntot nito. Kung hindi ako nag kakamali, cocktail dress ang tawag. Ang pangalawa naman ay sleeveless na puti. Marami itong brilliants and crystals and other designs at hindi rin ito ball gown dahil may malaking slit ito sa kaliwang hita ng paa ko. Ang pangatlo ay kulay pula. Tube rin ito at fitted sa top at may kaunting ballon sa pababa at panay crystals ang design, na wari bang pag pinatay ang ilaw ay lilitaw pa rin ako lalo na ang iba glitters. Mayroon pa itong gloves na hangang siko.
Sa pangatlong araw ay nag decide lang kami sa design ng venue. Mas pinili kong maraming halaman kahit hindi totoo, tulad ng mga napapanood ko sa mga sikat na blogger, pinakita nila ang design na naka picture at nagustuhan ko 'yon. Invitations and mga sweets naman ang sumunod. Nag karoon din ako ng chance mapagawaan ng damit ang dalawa kong pusa dahil nais ko silang makasama sa photoshoot ko. Ngunit malabo na silang maisama mismo sa event.
Sa panibagong araw ay maaga ako ulit nagising. Kailangan kasi naming bumyahe para sa aking 18th birthday photoshoots, ngayon ang pang-apat na araw ko. I want it simple as possible. Naisip nilang mag shoot kami sa nature, tulad ng tema na aking napili.
"Mama, tulog po muna ako," habang nasa van kasama ang mga kaibigan nila Tita Davri at Mama ay bumyahe kaming sabay-sabay at magkakasama sa loob, mayroon pang isang van at panay kalalakihan naman doon. Limitado at mabibilang lang ang lalaki rito sa loob. Tulog na rin si Saige sa tabi ko at ang pusa ay nakay Papa sa harap, kausap ng isa pang driver. Hindi na nakasama ang tatlo kong Kuya dahil sa busy schedules nila kahit na dapat ay break muna nila.
"Sige, anak!" Ngiti ni Mama na hindi pa rin nawawala ang mata sa mga ka-usap nito, lalo na si Tita Emelda.
Sponsor naman ni Tita Emelda ang mga sasakyan at tutuluyan, hindi ko nga alam na mayayaman din talaga ang mga kaibigan nila. Ang kay Lolo at Lola naman ay ang ibang mga pagkain. Tapos na kasing nag debut si Saige noong nakaraang buwan kaya't ako nanaman ang pag gagastusan. Natuwa ako sa nalaman dahil less lang ang gagastusin namin. Hindi na sana ako papayag dahil mahirap lang ang buhay, pero dahil nag-iisa lang ako at bunso pa. Gusto nila na maranasan ko ang nararanasan ng ibang babae.
Gusto ko rin. Sadyang kahirapan lang ang pumipigil sa akin.
Pag gising ko ay nasa lokasyon na kami. Wala na ring naiwan sa van 'kundi ako na lang. Sa lokasyon namin ay may isang magarang bahay at parang pag mamay-ari ng kaibigan nila Mama at Tita. Siguro ay nirentahan ni Tita Emelda para tuluyan namin.
Mukha itong mansyon dahil sa sobrang laki at lawak. Kulay puti at itim lang ang halos makita kong kulay na lumilitaw. Walang bakod, maliit lamang at pinalibutan lang 'yon sa bahay. Wala ring gate dahil patag naman ito at malayo sa kalsada. Maluag ang space kaya't doon sila nag parking.
"Hoy! Labas ka na!" Katok ni Saige sa ilabas ng bintana. Umalis din agad ito at nag kuha ng ilang litrato sa labas. Hindi pa nga niya alam kung gising ako o hindi!

YOU ARE READING
Chasing my Happiness
Fiksi RemajaVendejas Series #1 Ashylah Clementine Vendejas 012323