Chapter 11

54 25 1
                                        

What are we - mrld
8 letters - why don't we

***

Chapter 11

Sorry

Am I being selfish? Or just protecting what should be protected.

Paulit-ulit. Tinatanong ko kung deserve ko ba talaga ang lahat, or sila ang hindi ako deserve. Tulad ngayon, isang linggo mahigit na nang matapos ang monthsarry namin. Kahit hindi naman totoong relasyon 'yon, nasayahan ako dahil first time kong maransan ang ganoong pangyayari.

Umuwi akong mag-isa sa bahay dahil masyado ng gabi at baka wala pa akong masakyan kakahintay lamang sa kaniya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko lalo na't pati ako nalilito.

Hindi ito ang unang beses na nabigo ako ni Ramirez matapos ang first monthsarry namin. Hinihintay ko siya tulad ng nakasanayan pero hindi ito sumipot. Hindi naman ako galit, tampo lamang na nabuo, may katanungan ngunit pakiramdam ko'y wala akong karapatan. Buntong hininga dahil sa lungkot na naramdaman. Kumbaga, may bahay ka. Pero 'yong lupa hindi sa'yo.

Lore:

Baby, hinintay kita pero wala ka naman? naka-uwi kana po ba?

I arched my eyebrow upon reading his text, anong hinintay eh naka dalawang oras ako doon malapit sa shed ng school. Alas otso na at dalawang oras na rin ang makalipas matapos akong maka-uwi. 3:30 pm ang out ko at 6pm wala pa siya.

Me:

Oo.

Nagtatampo ako sa kaniya, hindi ko na binuksan ang cellphone ko. Kinabukasan ay pumasok ako nang maaga para hindi siya masabayan.

"Ashylah!" lumingon ako sa kabilang gawi habang nag hihintay ng bus, narinig kong sumigaw si Ramirez. Gamit nito ang motor niya. Hindi ko na siya hinintay pang makababa dahil sakto ang bus kaya't umakyat na ako.

Tahip-tahip ang kabang naramdaman ko. Napa padyak ako sa inis dahil iniisip ko parin siya. Iniwan ko nga kasi nag tatampo ako!

Pilit kong pinapasok sa utak ko 'yon.

Binuksan ko ang cellphone ko dahil kagabi ko pa ito hindi ginagamit. Unti-unting lumabas ang napakaraming notification na galing sa kaniya.

Lore:

Mabuti naman. Nag-alala talaga ako

Sorry, nadistorbo ba kitaa??

Uuwi na rin ako, kanina pa ako pinapa-alis ng guard dito :((

I miss you po

Kumain kana??

Kunot noo, hindi makapaniwala sa mga nabasa. Pasado alas diez na ang huling chat nito. Nanlaki ang mata ko sa sunod sunod na text niya galing pa kagabi na ngayon lang lumabas.

Lore:

Baby, anong problema?? Hindi mo ako nirereplyan :(

Look sad na ako, wala kang dimple sakin bukas ha!

Kakatapos ko lang po kumain, tulog kana po.

Good night, baby ko!

Nanghina ako sa last message niya kagabi, naghintay rin siya ng 2 hours sa akin? Late na siya naka-uwi. Napa buntong hininga ako.

I'm guilty.

Lore:

Good morning! Sana hindi kana galit, anong nagawa ko?

Chasing my HappinessWhere stories live. Discover now