Chapter 8
Kuya
"Kalma, huwag kana mainis..." panunuyo nito. Hindi ko inaasahan na ngayon ay matatagalan ko ang pag titig sa mga mata niya. Naiinis ako, hindi ko alam bakit. Tama ba ang ideya na pumayag ako? Ginusto ko naman ito.
Hindi ko pa naman siya naiipakilala at may lakas loob itong pumunta sa bahay, mabuti nalang at wala na sila dito. Walang tao. Hindi ako natutuwa kaya't hindi ko parin 'to pinansin. Hindi ko rin alam kung saan ba nang gagaling ang inis ko.
"Tara na? Hmm?" malambot na yaya nito. Ngayon kasi ay pupunta kami ng mall para bumili ng mga gamit ko, siguro pati sa kaniya. May sapat na rin kasi akong pera para bumili ng sariling gamit at hindi na umasa sa pera ng aking magulang.
Hindi ko pa siya lumusang kilala. Hindi pa siya nag papakilala, nanatili siyang tanong para sa akin.
"Sa susunod, sa aking sasakyan kana sasakay. Hiniram ko lang muna ito kay Lauis, swap kami." Tuloy tuloy niyang pag kwento bago ako pag buksan ng pinto. Ibang amoy ang sumalubong sa akin sa kotse, hindi pamilyar at halatang hindi nga sakaniya ito.
Pag pasok niya ay nakabusangot parin ang mukha ko pero itinawa nalang niya 'yon. Ngumuso tuloy ako dahil doon. Ano nanaman kasing inaarte-arte ko? Nasa harap mo na nga ang matagal mo nang pinag papantasyahan!
Tumingin ito ng matagal sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay dahil bakit hindi pa ito umaalis sa harap ng bahay. Inilabas niya ang smart phone niya at nag tanong.
"Why you're not accepting my friend request?" Mahinahon at humihingi ng sagot. Sinadya ko talagang hindi siya inaccept. I chuckled, he knotted his eyebrows. Hindi gusto ang reaksyon ko.
Matagal na 'yon. Hindi ko itatanggi na gusto ko agad how aesthetic his feed was. Kung hindi siya nag friend request ay hindi ko siya makikilala. Pinagpantasiyahan ko kasi agad siya sa sobrang ka gwapuhan lalo na't wala akong makita niyon dito. Bago lang ang mukha nila.
"Stop laughing or I'll make it shut up with my own, baby." Dagdag nitong sinabi at nagkasalubong ang kilay. Napa-iling ako ro'n, akala siguro niya siya ang pinagtatawanan ko.
Tuloy kahit sa pag drive ay tahimik siya. Ngumuso ako. Hindi ako sanay sa katahimikan niya, kilala ko siyang bilang babaero na maingay, mahilig sa mga corny jokes. Sa mga ganitong pagkakataon, nararamdaman ko ang pagka tahimik. Mas makikilala ko naman siguro siya?
"They want to meet you." mahina kong sabi sa kaniya sa kalagitnaan ng katahimikan. Tumingin ito sa'kin at hindi ko na alam ang sasabihin pa.
"I'm planning too. I want to respect them since you're the only daughter they have," He seriously said. I was a bit nervous because I thought he would not agreed or think about it. Ano nalang sasabihin ko kila Mama at Papa? Kilala nila si Ramirez pero hindi pa nila naka-usap ng maayos dahil ako mismo ang nag tataboy sa kaniya palayo. Then suddenly kami na? Kung ako rin naman mag tataka.
"What are you thinking, baby? Huwag ka mag-aalala, I'll promise not to do anything stupid when it comes to that timeline. Seryoso pa rin ako."
Naging tahimik kami sa loob ng kotse at tanging ingay galing sa radyo ang maririnig. I felt awkward for us, this is only a deal. He sees it only a deal.
A deal only.
Bakit kailangan ko pang kiligin sa sinabi niya? Tandaan mo, Ashy magpapakilala siya dahil boyfriend mo siya.. as a deal. Nirerespeto lang ako.
I sighed big time. Sakto naman na nakarating na kami sa paroroonan namin, umikot ito para i-parking ang sasakyan ng kambal niya. He opened the door for me. Nag lakad kaming sabay papasok ng mall. Nahuhuli pa nga ako dahil sa bilis nitong pag lalakad.
