Chapter 16

20 4 0
                                    

I woke up feeling so heavy.

We're done. I should be happy?

Akala ko nga ay magiging ayos ako kung makalayo at hindi na ako nito guguluhin. Kaya nga ako pumayag dati dahil 'yon ang kondisyon na gusto ko. Ang layuan ako nito.

Bakit ganoon? Mas lalo lang lumago ang maliit kong atraksyon sa kaniya? Parang sa ngayon ay ayaw ko 'tong pakawalan.

Pero tapos na kami.

Bumangon na ako at unang hinanap ko ang cellphone ko. Binuksan ko ito at nakita ang lockscreen na kapapalit ko lang din kagabi bago matulog. Ito 'yong last picture namin sa beach. Okay, i don't know why did i put our picture there!

But the first thing i noticed.

There's no notification.

Ah, oo nga, he did those things because we're in a fake relationship. Bakit nga ba ako aasa hindi ba? Masiyadong makatotohanan ang lahat, ang galing niyang mag sinungaling! The wrong thing here is it. Nasanay na ako.

Nakita ko pa ang mga bulaklak na naka frame. Tatlo na silang naka-frame. Orange, pink and red. Understanding, affection and love. Hindi ko rin itinapon ang mga notes at polaroid pictures. Nakalagay sa garapon ang notes samantalang ang pictures ay idinikit ko sa led ligths ko. Maging ang canvas na ginawa namin ay naka display sa bed side table ko.

I keep it, because it's a memory.

The last bouquet he gave was red. Noong pagka-uwi ko bago ako matulog pinicture-an at inistory ko na 'to. I checked the envelope.

Naiyak ako, nakita ko ang 2nd Monthsarry picture namin sa polaroid kahit na 3rd Monthsarry namin noong araw na 'yon. Iyon 'yong time na binigay nito sa akin ang pink tulips! Naka yakap ako sa kaniya sa tabi ng sasakyan.

Naalala ko bigla ang kaibigan nito na umalis noong time na babatiin ko sana sila. Siguro ay sila ang nag picture!

Hi, love. Today is our last Monthsarry. Siguro ay kung binabasa mo 'to ngayon, tapos na tayo. But, let me assure you, love. We're not done. You're still here inside my heart.
- El ♡

I read and read and read his letter. Hindi ko namalayan na napaluha na ako. Nakatulog akong akap ang letter na sulat kamay nito at umiyak sa pag tulog.


Umalis na ako sa kama at nag-ayos. Life must goes on!

Nag hilamos na agad ako at baka kwestyunin pa ako ng pamilya ko tungkol sa break-up namin, i won't lie anymore. Sana ay hindi pa nila alam. Hindi pa namin tinangal ang status na nakalagay sa facebook siguro ilang araw rin ay tatangalin ko na.

Bumaba ako at tahimik ang bahay. Wala ang mga Kuya baka nag pamalengke siguro dahil wala akong narinig na ingay, si Kuya Declan lang ang naabutan ko na nasa sofa at tinignan ako ng masinsinan. Umiwas ako at nag tungo sa kusina ngunit nabigla ako dahil nandito sa loob ang dalawa ko pang Kuya na makatigtig na parang mawawala ako.

Para naman silang aso, they sense everything!


"Mukhang may masusuntok ako ngayong linggo, ah."

"Hmm, pag prapractice-an lang."

"Stop it. Ako muna."

Napa buntong hininga ako dahil sa bulong-bulong nila na parang wala ako sa paligid! Nag timpla ako ng maiinom ko, hindi ako mahilig sa kape kaya't milo o kaya naman minsan ay gatas ang iniinom ko. Umupo ako sa upuan kung saan lagi akong naka pwesto pag nandito lagi si Ramirez pag susunduin ako sa school.

Chasing my HappinessWhere stories live. Discover now