Chapter 10

46 24 0
                                    

Ulap — Rob Deniel

**

Napangiti ako dahil sawakas ay may 8 hours na ulit akong tulog. Maaari ko ring gawin ang mga hindi ko nagagawa kahit sa panandalian lamang na panahon.

I was interupted by his call. Ramirez again..

"Good morning, love." ang malamig at mababang boses niya ang sumalubong sa aking tenga.

Hindi ako nag salita at napahikab lang, narinig ko pa ang mahina niyang halinghing, siguro'y nag uunat pa nang katawan. Why does his voice is so attractive early in the morning?

"Walang good sa morning." He groaned for what i've respond.

"Meron kaya,"

"Wala."

"Uhh, wala ka bang naaalala, love?" his voice softened. Nag-isip naman ako, wala naman?

"Ano nanaman ba 'yon?"

"Nakakatampo ka talaga!" saad niya na ikinagulat ko. What's the matter?

"Ano namang nakakatampo ro'n?" I hissed, trying to distract myself, kailangan ba alam ko?

"ihh?" I sighed for what he responded.

"Tigilan mo nga ako, ang aga-aga oh." mahinang ani ko. Siguro sana ay hindi ko nalang sinabi 'yon dahil tumahimik ang kabilang linya. Papatayin ko na nga sana dahil nahihiya ako, ngunit nag salita ito.

"Happy 1st Monthsarry, Love." nanlaki ang mata ko at nagulat sa sinabi niya, agad naputol ang kabilang linya.

Monthsarry...

Napatulala ako at hindi alam ang gagawin. Should i greet him back? Ano bang ginagawa pag first monthsarry?

Lore:

Let's date, love.

Nawala ang iniisip ko dahil sa text agad nito.

Me:

Pilitin mo muna ako

Lore:

/*Pinilit...

Me:

So funny ka naman, 'wag mo na uulitin.

Lore:

Thankyou po😍😘

Hindi ko na siya nireplyan at inirapan ko nalang ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan mapa-isip. Hindi ko inaakala na hindi ko mararamdaman 'yong pagiging hindi makatotohanan naming relasyon. He made me feel so special, to the point na hindi ko na namamalayan ang nangyayari. Sa kaunting panahon, naramdaman ko pagiging sinseridad niya.

Kahit na ganoon ay alam ko sa sarili ko na, hindi ko na iniisip ito bilang deal lamang. Itinuring ko na rin siyang parang totoong relasyon.

Namula ako sa mga inisip ko, ang nakaupo kong posisyon ay inihiga ko ulit sa kama at tumili, gamit ang unan itinakip ko ito sa buong mukha ko. Sumipa sipa pa ako sa hangin dahil sa saya na nararamdaman. How could he feed me butterflies in my stomach?

Nasa ganoon pa akong posisyon nang may pumasok sa kwarto ko.

"Tangina! Ang pangit mo kiligin!" It was Kuya Desmond. Napanguso ako at hindi na siya pinansin. At least kinikilig, eh siya?

"Kakain na po," pumangalawa si Kuya Dawson kumatok pa ito kahit naka bukas naman at nasa harap si Kuya Desmond.

Umalis silang dalawa at nag-ayos nalang ako ng higaan ko. Hindi ko tuloy mapigilan ngumiti sa kawalan. This is wrong. Mukhang masaya pa ata ang araw ko ngayon! Kumakanta kanta pa nga akong bumaba papunta sa kusina. Napansin ata 'yon nila Mama at Papa.

Chasing my HappinessWhere stories live. Discover now