Chapter 9

38 25 0
                                    

Samo't saring chismis ang narinig ko na alam kong damay siguro ako. Unang pasok ko sa eskwelahan may chismis agad. Hindi ba pwedeng pagtuunan nalang muna nila ang sarili nilang buhay at hindi ang buhay ng iba?

Napairap ako sa kawalan.

Ganoon naba talaga ka sikat ang mga Ramirez dito at lagi nalang sila ang bukambibig ng mga tao? Sikat sa babae.

Hindi lang Ramirez ang pinag-uusapan pati ang ibang kilalang pamilya, mga lalaki. Kahit pala talaga sa ibang lugar kilala sila.

"If you're curious, better ask Mama and Papa." Kuya Declan's words echoed. Napa padyak ako sa inis at hinanap na ang classroom. Hindi ko kasama si Saige at Javen dahil kapwa kami iba-iba ang kurso, ngunit pare parehas kami na unang tapak pa lamang dito.

Pang-apat na araw namin ni Ramirez bilang isang magkarelasyon ngayon tapos panay chismis na agad sa babae niya. My god. Malayo na 'tong lugar ha.

Ang bilis parang noong nakaraan lang ayaw ko siya makita, kinaiinisan ko siya. Tapos ngayon jowa ko na. Deal.

Nailing at naisipan ko nalang hanapin ang classroom ko. Malawak at iba't ibang departamento ang malalagpasan bago ko mapasukan ang department building namin.

Hindi rin naman ako napagod dahil ilang classroom lang nadaanan ko at nakita ko na agad. 2nd floor ito ng building at nasa bandang gitna.

Alam kong walang klase ngayon dahil busy ang mga estudyante kaka hanap ng mga pangalan ng classroom nila. Na-upo nalang ako sa napili kong upuan. Hindi rin nag tagal ay lumabas agad ako at nilibot ang paligid. Namangha ako sa sobrang lawak ng unibersidad. Nasanay lang ako sa pagiging Highschool ko at hindi ganon kalawak at karaming estudyante kumpara rito sa kolehiyo ang nakaraan kong pinupuntahan. Ganon talaga, iba rin kasi talaga ang pag kokolehiyo

"Naiiyak na ako." sa paglibot ko sa paligid isang mala anghel na boses ang nagpatigil sa'kin sa paglalakad. Sinilip ko ang pinagmulan niya naroon siya sa isang upuan at tila may kausap sa telepono.

"Ayaw ko! Maraming plastic sa paligid kaya bakit ako hahanap ng kaibigan?!"

Umirap nalang ako sa kawalan. Hindi ba pwedeng makipag plastikan nalang para naman atleast may friends ka. Plastik nga lang.

Pero nakakapagod 'yon. Tama siya, wag na.

Tulad nga ng inaasahan ay wala talagang klaseng naganap, nagkita nalang kami ni Javen at Saige sa Canteen at doon nag tambay, kumain at nagpahinga. Pero siyempre hindi mawawala ang chismis nila. Hindi rin nila maiwasan ang pag sulyap sa telepono ko na kanina pa tunog nang tunong dahil sa pag text ni Ramirez sa'kin.

"Mamaya maka hanap ng iba 'yan ah..." pagpaparinig ni Javen. Alam ko namang hindi 'to tunay na relasyon at deal lamang. Hindi rin nila alam 'yon kaya ikinibit balikat ko nalang.

"Pag ako 'yan hindi ako papayag,"

"Paanong ikaw Saige, eh hindi ka nga si Ashy eh." irap ni Javen.

"Ano naman? Lagi ka nalang kontra!"

Umirap nanaman ako sa kawalan dahil sa sunod sunod na bangayan nila. Hindi ko na nga alam, lagi na nga silang mag kasama lagi pa silang nag-aaway.

Hindi ko siya sinagot buong mag damag. Ayaw ko namang masanay sa ginagawa niya, ayaw kong umasa. Ayaw kong enjoy-in dahil alam ko sa huli ako ang talo. I am attracted, and soon enough i will get attached and after that i will make my heart break.

Bandang hapon at pauwi na ay saka ko lang ito sinagot. "Why?" ang inaakala kong galit na tono niyang boses ay nagkamali ako. Mahinahon parin siyang nakipag-usap.

"How's your day?" he sighed. Naguilty tuloy ako. Hindi ako nakasagot agad.

"Hey..." He said. Pinatay ko 'yon at sumakay ng bus kasama si Saige at Javen. Umuwi akong may pagtatanong sa isip kung dapat ko pa ba itong ituloy o huwag na lamang. Mahirap ang sitwasyon kung alam ko na mahuhumaling ako sa kaniya!

Chasing my HappinessWhere stories live. Discover now