Chapter 6

60 33 0
                                    

Kasama ko si Saige at Javen ngayon at tutungo kami sa kolehiyo na papasukan namin. Mas matanda si Javen ng isang buwan kay Saige, at isang buwan ang tanda ni Saige sa'kin. Mag eenroll lang kami sa gusto naming kurso at mag babayad ng miscellaneous fee.

Malayo ang kolehiyo sa amin, 30 minutes siguro ang biyahe papunta roon, sakay ang bus o kaya naman ay jeep at ilalakad nalang upang makatipid.

Naiwan ako rito sa waiting shed at hinihintay si Saige at Javen dahil may kinuha pa ata kay Tita. Hindi na ako sumama dahil mainit. Gano'n ako katamad ngayong araw, lalo na't may dalaw ako.

Magkapit bahay lamang kami ni Saige at Javen, ngunit malayo ang pwesto nila Tita. Mayroon din silang maliit na tirahan doon, kaya't ang malaking bahay nila na katabi sa'min ay halos walang tao 'kundi si Saige at ang kasambahay nila.

Sa kalagitnaan ng paghihintay ko sa kanila ay may isa pa akong nakasama.

"Hi! It's you again!" she said and laughed as if there's no misunderstanding we encountered.

Tinaas ko lang ang kilay ko at hindi nag salita. Hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na't may kasalanan ako. I have a big mistake. Tinignan ko siya na naka kunot ang noo, hindi dahil naiinis ako kung hindi ay dahil sa sinag ng araw.

"Tigilan mo ang laging galit. It's not healthy girl." Umiwas ako ng tingin. Hindi naman ako galit.

Sa gilid ng mata ko nakita ko siyang nag kibit-balikat at nanahimik. Nakikita ko pa nga ang ilang nakaw tingin ngunit hindi ko nalang ito pinansin pa. Wala akong gana makipag-usap.

"Nandito lang pala ang girlfriend ko." Sa katahimikan at panay sasakyan na dumadaan lamang ang naririnig ay, nagawa pang sumingit ni Ramirez sa harap namin habang naka-upo kami sa waiting shed.

"What girlfriend?!" Narinig ko ang hindi sang-ayon na boses ng babae sa tabi ko. She looked at me with her curious tone. "Seriously?"

"Yeah, you heard me right and clear, Drie." Ramirez chuckled, as if it was all true. No, hindi ako papayag na maging girlfriend ng isang Ramirez in one swift away. I maybe admire him for being attractive but i won't let him get me that easily.

"Stop cheating, Ramirez. Marami kang babae at may balak ka pa talagang idagdag ako sa koleksyon mo?" malamig kong tugon.

Umawang ang labi noong babae, na si Drie, dahil sa pag kabigla sa narinig sa'kin. Tumawa ito ng malakas.

"Really?" She asked again with disbelief, tila hindi naniniwala sa sinabi ko. "Stop cheating bro!" aniya kay Ramirez.

Naramdaman ko ang paglapit ni Ramirez sa akin. Tinignan ko si Ramirez ng masama dahil masama ang pangangaliwa!

"Stop cheating, Ramirez." Sabi ko at lumayo ng kaunti. Narinig ko na naman ang pag tawa noong babae, Drie.

"I'm not cheating, i'm single!" He said seriously. I can't help but to roll my eyes, he's protecting his ego. I know he's a womanizer!

"And if kayo man ni Lore.." singit ni Drie.

"Hindi ako papayag," aniya habang seryosong nakatingin mismo sa aking mga mata, pero agad lumabas ang mapipilyo nitong ngiti.

"Charot!" She added and then laughed so hard.

"Huwag na huwag kang makikinig sa sinasabi niya! She's a bad influence, my god." Singit ni Ramirez sa gitna ng pagtawa ni Drie. Umalis sa harap namin ang babae at habang papalayo na siya ay tinignan ko si Ramirez.

"Sa'yo nga 'di ako nakikinig, sa kaniya pa kaya?" huli kong sinabi bago siya iwanan doon at balak na pumunta kila Tita. Bakit kasi ang tagal nila Saige at Javen. Ngunit saktong sakto pa na hindi pa ako nakakalayo ay nakita ko na si Saige na pulang pula at si Javen na tumatawa.

Chasing my HappinessWhere stories live. Discover now