Totoo pala 'yon 'no. Na kapag masaya ka, babawiin din agad.
Ganoon kasi ang nararamdaman namin ngayon. Busy kami kaka review sa mga dapat ireview lalo na't papalapit ang examinations. Natapat pa ngayon na rush ang pinapagawa ng mga prof.
"At least mas mataas yong Three sa One."
"Mag exam muna kayo! Nag review naba kayo?"
"Bakit ba nabubuhay pa ako? Saka stock knowledge to!"
Patungo kami ni Zailie sa Cafeteria nang makarinig kami ng samo't saring reklamo. While Zailie? She's doing her best. Wala siyang pake sa paligid niya. She's aiming higher grades.
I am so blessed to have my family who doesn't pressure me with anything. I am the one who pressured my self. How ironic i want to be successful so bad para hindi kami ganito kahirap.
But my course, buong buhay atang mag-aaral ako.
Nakita naman naming maraming tao sa Cafeteria. Ang main Cafeteria ng buong school. Na-upo kami sa pang apat na upuan, sasabay kasi si Saige at Javen.
"Baka plastic naman sila ha!" Saad ni Zailie. Kaka-upo lang namin. Umirap pa ito.
"Yeah. Like us." Tamad kong sabi. Wala pa ngang ilang minuto narinig ko na sila.
"Tabi! Tabi! Makikidaan kami!" rinig na rinig ko ang boses ni Saige galing sa entrance hangang sa pwesto namin.
"Tabi nga kasi!" Ang boses pinalalim ni Javen ang kasunod na umecho.
"There, sila na 'yan." I said. We're only freshman for god's sake. Mamaya ay may mga Senior na umaligid! Sobrang lawak pa naman nitong Cafeteria dahil para sa lahat.
"Ayan na mahal na Reyna. Pinapabigay ng mahal mong Hari!" Namula ako sa pagkakasabi nito. Hari?
Isang pack ng dutch mill. My favorite drink. Paano niya nalaman? Nangunot ang noo ko sa nakanote sa gilid.
I miss you so much po. I hope this drink will make you smile. Dahil sing tamis ng dutchmill pagmamahal ko sayo.
—EL ♡
He really knows how to make me smile. Agad kong tinago ang note dahil isasama ko ito sa koleksyon ko. Mahilig siya sa notes!
Hindi ko tuloy napansin na para na pala akong tanga kakangiti. Kahit sobrang corny niya, he's so maeffort.
"Sabi na nga ba, may tanga nanaman akong kaibigan." Kinurot ko si Saige sa gilid. Minsan na nga lang eh. Kinuha niya ang isang balot na dutch mill at kukuha sana pero agad ko itong hinila.
"Para sa akin lang."
"Ang yabang talaga!" Padabog na inilapag ni Javen ang cellphone. Gusto rin kasing humingi.
"Pag ingit, pikit." I laughed at my own statement.
"Ashylah yumayabang Vendejas," singit ni Zailie. May mga pera naman sila bakit pa sila hihingi?
"May ipagmamayabang naman ako?" Sabi ko na ikinainis lalo nila. Enjoy-in ko na, next month no more Ramirez.
"Mas mabuting mag order nalang ako!" Inis na saad ni Saige. Nag-away kasi sila noong shota niya, hindi ko alam kung bakit ang tigas ng puso at hindi patawarin.
Coming from me?
Nag-order na rin si Javen at isinabay na rin namin ni Zailie ang order namin. Hindi pa sila nakakabalik ay may narinig na kami sa katabing upuan namin.
