"Kailangan po natin 'yan ipagamot! Maari ka pong mamatay!" Iyak ng isang batang babae.
"Nah, i'm fine."
"Ang kulit mo po!" tila hindi na niya alam ang gagawin 'kundi ang tignan ang likod nitong puno ng dugo.
"Okay lang ako. Stop crying, hush." hindi na nito nakita ang likod dahil humarap ang batang lalaki at niyakap ang batang babae.
"Iiwan mo ako po? Paano ka gagaling?" singhot niyang bulong. Tumawa ang batang lalaki.
"You will take care of me, right?"
"Yes yes! I will take care of you!"
"Ayon naman pala. I'm not dying. Andyan ka naman." Umiling ang batang babae, hindi nagustuhan ang paratang ng batang lalaki.
"Sabi po ni Papa, dapat strong po tayo! Kaya kailangan mo gamutin 'yan!" habang sinasabi 'yon ng batang babae ay pinupunasan naman ng lalaki ang luha nito.
"I'm strong..." Bulong nitong nanghihina. Umiling ang batang babae, hindi naniniwala at walang balak maniwala.
Nagulat na lang ang batang babae nang mag tagal ay tumalikod siyang walang pag aalin langan.
"I will let you stare at my wound. You're the only one i will permit to see... how weak i am."
Napadilat ako ng mata at biglang umupo. May mga mumunting luha akong nahawakan nang naramdamana kong may tumutulo. I gasped as i remembered my dreams. Panaginip ba 'yon? It's vivid, i still remember each detail. It was a little bit blurry, those persons... but their voices echoed.
Nakatulala lang ako buong mag damag kakaisip sa panaginip ko. Napa-pikit dahil nakikita ko sa utak ko ang sugat ng lalaki. Pahaba 'yon at para siyang saksak! Ano 'yon? Pahiwatig? Anong mayroon? I don't really understand what kind of dream is that.
I was interrupted by Ramirez call. Napabuntong hininga ako. Hindi ko parin makalimutan, at baka hindi ko na makalimutan pa.
"Good morning, love! Kumain ka na?" He cheerfully said. Napabuntong hininga tuloy ulit ako. Nawalan ako ng gana.
"Good morning,"
"What's with you? Are you okay? Dreams? Hungry? Anong gusto mo?" Tuloy-tuloy niyang tanong. Kahit papaano ay naibsan niya ang nararamdaman ko.
"Hmm.." tumango ako kahit alam kong hindi niya ako makita.
"What is it, hmm?" Napa-pikit ako sa rahan ng boses niya.
"I have a bad dream," 'yon lang ang kumawala sa bibig ko.
"What about your dream? It is okay to share, i will listen." pabalik niyang tugon.
Bumuntong hininga na muna ako at nag simulang mag kwento at sa bawat bigkas ko ay may kaunting kirot akong naramdaman. I am so curious.
"It's okay. It was a dream. Baka kanonood mo nang dramas 'yan." He chuckled trying to lift up my mood.
Hindi rin kami nag tagal mag-usap dahil bumaba na rin ako kasama ang pusa ko. Hindi pa rin naman nawawala sa utak ko pero kahit papa-ano na lighten up ni Ramirez ang mood ko. Pag baba ko nga ay ibinaba ko na sa sahig si Ace para maka takbo kay Mama at Papa na nag lalambingan sa sofa.
My eyes fixed to their position. Napangiti ako. I want that kind of love. Mag kahawak kamay sila at nag-uusap. Pinag lalaruan nila ang daliri ng bawat isa, nakatingin sa mata ng isa't isa na parang sila lang ang nasa loob. I saw how genuinely their smiles. Umabala lang si Ace sa kanila dahil kumandong ito kay Papa.
"Good morning, people!" I said making their both heads turned to me. Hinalikan ko pa silang dalawa. Pag tapos niyon naman ay nakarinig ako ng ingay sa garden namin. Ang boses ng mga Kuya kong nag sisigawan at pag pasok ng trycicle. Tinignan ko ang tao sa ilabas, ang tatlo ko lang palang Kuya dala dala ang mga plastics sa mag kabilang kamay nila.

YOU ARE READING
Chasing my Happiness
Novela JuvenilVendejas Series #1 Ashylah Clementine Vendejas 012323