Welcome to the Family

135 8 2
                                    

(Enclosed image of Patrick Maxwell)
"So...let's start evaluating you, shall we? We'll ask you a few questions about yourself and depending on your answers, we will decide if we'll hire you as housemaid or not," sabi ni butler guy in a very calm tone.

Nandito kami ngayon sa 'living room' ng bahay. Pero sa sobrang laki nito, magkakasya sa loob ang halos tatlong average sized na bahay ninyo. Napansin ko rin na pwera nalang dun sa butler guy, wala nang ibang katulong sa napakalaking bahay na to. Nakaupo sa harapan ko ngayon ang quadruplets ng Maxwell family at nasa tabi ko naman ang butler guy na hanggang ngayon ay di ko parin alam ang pangalan. At sobrang weird nga kasi kanina pa siya sulyap nang sulyap sakin. Ano kayang ibig sabihin nun?

"Ah...okay," kinakabahan kong sagot. Nakicreep out lang talaga ako dun sa apat na 'kambal' kasi nakatingin silang apat sakin. At dahil nga kopyang kopya nila ang mga mukha ng isa't-isa, feeling ko naglalaro lang ako ng dress-up game haha.

Agad na tinaas nung isa sa apat ang kamay nito. Ano to nagrerecite sa klase? Pero agad namang tumango si butler guy sa kanya at nagtanong na ito.

"How big are your boobs?" pagtatanong niya with a very sly expression.

Siyempre ako, nanlaki agad mga mata ko. Yong natitirang tatlo dun sa upuan di man lang nagreact at mukhang hinihintay talaga akong sumagot. After a very akward pause, biglang nagclear throat si butler guy.

"That's not a decent question Chris. You don't want to scare her like the other helpers we had. Another question?" Phew. Saved by the butler.

"Can you cook?" nakangising tanong naman nung isa.

I smiled at once. If there's anything na magaling ako pwera nalang sa paglalabas ng kamalasan, ay pagluluto yon. "Y...yes. I was trained to cook at a very young age." Siyempre nag-english na rin ako.

"She's definitely in!" Nagtatatalon yong guy na parang bata dun sa couch. Ano tong isang to nasa kindergarden? May mga topak ba tong mga lalaking to?

Nabigla naman ako nang itinapat sakin nung isa yong kanina pa niyang hawak-hawak na tablet. Kinuha ni butler guy yong tablet tapos binigay sakin. May nakagalay dun na tanong: Can you sing?

Napataas ako ng kilay. Pipi at bingi ba ang isang yon? Pero nang tignan ko siya ulit, may parang binubulong siya sa katabi nitong 'kambal' kaya nawala agad ang suspetsa ko.

Pero it was a simple question so I gave the honest truth. "Oo, but my voice is really not that great. Pangbanyo lang ang boses ko." I gave them a sheepish smile.

"Can I hear you sing one of these days? We could take a shower together." Sabay kindat nung Chris sakin nang nakakaloka. Di ko napigilang mamula ang mukha ko. Gaaahhh, God help me!

Pero agad namang nasundan yong tanong kaya di ko nalang pinansin yong tila manyak sa apat. "Can you speak tagalog well? And I mean really well."

"Ah, oo naman." Ang weird naman ng mga tanong nila. Di man lang nila naisipang itanong kung anong pangalan ko o yong edad ko man lang. Abnormal ba tong mga to? Di ba nila naisip na baka mamamatay tao ako pag nagkataon?

"Any more questions?" pagtatanong ni butler guy. Wala nang umimik dun sa apat. "Okay, then. Will you keep her?"

I was really expecting na aayaw sila, pero sabay-sabay pa silang tumango.

"She's fine," indiferrent na sabi ni Patrick.

"I'm really curious about her boob size but she's in," dagdag pa ni Chris with his killer smile.

"No more take-outs! Finally!" ang saya-saya lang na comment ni Oliver

"...." daldal naman ni Stuart.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon