"Di ka naman masyadong excited no?"
"Di no. Ba't mo naman nasabi?"
Nandito kami ngayon sa kwarto ni Patrick. Ewan ko ba, pero parang ito na talaga ang official meeting place naming lima. Nasa baba si Mr. Maxwell kasama si Leo at nag-uusap sa arrangements na gagawin bukas sa pag-alis namin.
Pinipigilan kong matawa kanina pa. Simula kasi nang makarating kami sa bahay, puros pagpaparinig na ni Oliver ang naririnig ko. Buong oras na niyang sinasabing 'di siya excited' o 'masyadong boring' daw doon sa private island pero naabutan naman namin siya kaninang tapos nang makaimpake. Siya pa nga ang naunang natapos sa aming lahat.
"Look at yourself. You're practically ready for the trip," naiinis na sabi ni Patrick habang kinikilatis ang outfit na suot-suot ni Oliver.
"Ano naman ngayon?" Nakalayo ang tingin ni Oliver habang namumula. "Bakit, inggit ka?" sabi pa nito sabay behlat.
"Hayaan niyo na," pamamagitan nitong si Chris na ikinabigla ko naman. Parang kailan lang nung sila lagi ang nag-aaway ni Oliver tapos ngayon pinagtatanggol pa niya ito? Weird. "Excited lang talaga yang makita si Kimberly," hirit pa ni Chris sabay bato ng unan sa direksyon ni Oliver. "Ayiieeehhh, kinikilig na yan! Hahaha!"
"Che!" sigaw ni Oliver at binato pabalik kay Chris ang unan. "Ba't naman ako kikiligin sa supladang Kim na yon? M...maganda lang naman siya ah!"
"Sus, in denial pa to. Parang di naman obvious." Lumapit si Chris kay Oliver sabay pisil ng pisngi nito. Agad naman sumigaw itong si Oliver gawa na siguro sa sobrang sakit ng pagpisil ni Chris.
"Papatayin mo ba ako?"
"Di ba obvious?" Nagtinginan ang dalawang siraulo na parehong nanlilisik ang mga mata pero agad namang natawa itong si Chris. Humiga ito sa ibabaw ni Oliver na dati nang nakahiga sa kama kaya naipit si Oliver sa ilalim ng baliw na kapatid.
"Ikaw Stu? Kamusta na pala kayo ni Jillian?" tanong ni Chris sabay kindat.
Parang nabigla pa si Stuart nang marinig ang pangalan niya at nagsimula nang mamula. "Uh...we...we're okay. Magkaibigan naman kami."
"Weh? Talaga lang ah. Baka ikaw lang ang may alam nun," pang-aasar ni Oliver nang makawala na ito sa ilalim ni Chris.
"Of course not," mahinang bulong ni Stuart.
"Are you sure?" pakikisali pa ni Patrick. "Last time I checked, she doesn't even remember talking to you."
"Ha?" parang nabiglang sagot ni Stuart. "Nagka-usap na kaya kami!"
"Saan? Sa imagination mo?" hirit pa nitong si Chris.
"Ah, tama na yan," pagsusuway ko dun sa tatlo na pinagtulungan na naman si Stuart. Tinignan ko silang tatlo nang masama pero di lang nila ako pinansin.
"Iiyak na yan! Iiyak na yan! Iiyak na yan!" pang-aasar nung tatlo. Si Stuart naman, parang ilang saglit nalang ay iiyak na talaga. "Nagkausap kaya kami isang beses! Sabi ko 'hi', tapos...tapos ngumiti siya sakin!"
"Yon na yon? Di ka man lang niya sinagot ng 'hello'?"
"Baka nga mamaya, di na niya alam ang pangalan mo. Kawawa ka naman," dagdag pa ni Chris.
"That's enough!" Nasa tabi na ako ni Stuart at pinatayo ko ito para umalis na kami ng kwarto. "Kayo ah, tigil-tigilan niyo si Stuart. Wala namang ginagawang masama yong tao tapos..." Pero di ko na natapos ang pagsesermon ko. Bigla kasing tumingin si Oliver kay Chris at Patrick nang nakakaloko sabay tawa nang napakalakas.
"May nagseselos na ditong dalawa oh. Ayaw mo kasing kumampi sa kanila Mia! Sige ka, mamaya susugurin nang dalawang yon ang kawawang si Stuart. Kaya kung ako sayo, bantayan mo na siya at tabi na kayong matulog nang di magalaw si Stuart nung dalawang gunggong." Nakangisi nang napakacreepy itong si Oliver sa akin. Di ko alam kung sadyang slow o manhid lang talaga ako, pero di ko naintindihan ang mensahe ni Oliver. Mabuti nalang talaga at biglang pumasok itong si Mr. Maxwell at di ko na kinailangang sumagot.
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
عاطفيةYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...