Quadruple the Trouble Part 2

76 6 1
                                    

(Enclosed image of Stuart)

(Scared to Death by KZ Kandingan)

'Cause I'm scared to death

Now that I'm losin' you

I'm scared to death

Knowin' I can't get through

I'm scared to death

Living this so lonely life without you

Oh baby, I'm scared to death...


Di na ako makakilos sa kinatatayuan ko. Sinabi ko na sa sarili na bumalik na sa pagtatrabaho pero di ko nagawa. For the time being, ang boses lang ni Stuart ang bumubuo sa mundo ko. Tae, ang ganda ng boses niya. Alam niyo yong feeling na sa sobrang puno ng emotions tumatayo na yong mga balahibo mo? Yan ang nararamdaman ko ngayon habang nakikinig sa pagkanta niya.

Mababa lang yong boses na naririnig ko mula sa siradong pinto ng extension ng kwarto ni Stuart kaya sinubukan kong buksan ito nang dahan-dahan. Baka kasi kung makita niyang nakikirinig ako mahiya yong tao at di nalang kumanta. Sayang kung nagkataon.

Dahan-dahan kong inikot yong door knob baka kasi mag-ingay at sinubukang buksan ito ng kahit KONTE lang. As in kahit five centimeters lang para mas maayos ko namang marinig ang malaanghel na boses ni Stuart. Ang bilis na ng tibok ng puso ko sa niyerbiyos kahit wala naman akong ginagawang masama. Feeling ko pa para akong mamboboso.

"Bo!"

"AY ANAK NG-!" Napatalon ako sa kinatatayuan ko nang biglang may nanggulat mula sa likuran ko. Nang tignan ko kung sino yon, bumulaga ang maaliwalas na mukha ni Chris. Aba! Akala ko ba pumuslit siya? Ba't para siyang kabuti, kung saan-saan sumusulpot?

Nakatakip yong isa niyang kamay sa bibig ko at inilapat naman niya ang isang daliri sa labi niya. "Shhh...wag kang maingay. Baka maistorbo mo si Golden Boy," bulong sakin ni Chris.

"Ano ba kasing ginagawa mo rito? Pano ka nakapasok?" bulong ko naman. Nakataas ang isang kilay ko dahil medyo nairita ako nang makita ko siya. Di pa ako nakakaget-over dun sa kalokohan niya kagabi tapos nandito na naman siya at malamang manggugulo.

"May isang entrance pa dun sa dulo." May tinuro siyang tagong sulok ng kwarto at bumaling ulit ang tingin sakin. "What were planning to do kanina? Siguro binubusohan mo kapatid ko no?"

Nag-init naman agad tong traydor kong pagmumukha kaya umiwas nalang ako ng tingin kay Chris. "Di no. Gusto ko lang buksan ng konte yong pinto para mas maayos na marinig ang pagkanta niya. Ikaw nga tong biglang sumusulpot nang walang paalam e."

"Weh? I don't believe you. Kung gusto mo lang ng kakanta, nandito naman ako ah. Gusto mo ng sample?" Bago pa ako makasagot, walang pakundangang nagpalabas ng 'pagkanta' si Chris.

I LET YOU GOOOO!

I LET YOU FLLLYYYY!

WHY DO I KEEP ON ASKINNGGG WHHHYYY?!

Diyos ko! Ang SAKIT sa tenga ng boses ni Chris. Pwede namang pumili ng ibang kanta, yon pa ang napili niya e ang baba ng boses niya. Pilit kong tinatakpan ang bibig ni Chris kasi masyadong malakas yong boses niya at baka mamaya kung anong isipin ni Stuart kung mahuli kaming dalawa sa loob.

"Gotcha!" Nagulat nalang ako nang hawak-hawak na ni Chris ang dalawang braso ko na kanina ko pa ginagamit para matakpan yong bibig niya. Smug ang expression ng mukha niya at di ko maiwasang isipin na may binabalak na naman siyang kalokohan. Di pa nga ako makaget-over sa kaweirduhan ni Oliver ay susundan naman niya.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon