Mr. Crisostomo Outside My Window

136 5 5
                                    

(Enclosed image of Chris Maxwell)

Noong unang panahon, sa isang malayong lupain, ay may isang napakagandang prinsesa na pinagmamalaki ng kanyang buong kaharian at maging ng ibang kalapit na kaharian nito. Sa araw ng pakikipag-isang dibdib ng prinsesa sa isang prinsipe na mula sa malayong kaharian, may bumisitang masamang diwata sa selebrasyon. Ipinagkanulo ng diwatang ito ang isang sumpa sa magandang prinsesa.

"Habambuhay kang matutulog diyan sa lecheng mamahalin mong kama at tanging halik lamang ng wagas na pag-ibig ang makapaggigising sa iyo."

Natural lamang na ang naging asawa nito ang unang humalik sa prinsesa, ngunit sa kasamaang palad ay di ito nagising. Napatunayan ng sandaling iyon na di talaga tunay ang naging pag-ibig sa pagitan ng mag-asawa. Bigo at puno nang kahihiyaan, umalis ang prinsipe sa kaharian ng prinsesa at di na nakita pang muli.

Limang mahahabang taon ang lumipas at nanatili ang prinsesa sa tahimik na sumpa nito. Lahat ng prinsipe at mga binata sa lahat ng kaharian sa bansa ay sinubukan nang sirain ang sumpa ng prinsesa, pero wala sa kanila ang naging matagumpay.

Samantala, apat na magkakamukhang manlalakbay mula sa ibang bansa ang bumisita sa kaharian ng prinsesa upang makipagsapalaran. Baon sa utang ang apat na magkakapatid at marami na silang problemang pilit na tinatakasan. Naisip nila na kung isa sa kanila ang makapagpapagising sa prinsesa ay siguradong ito ang magiging kasagutan sa kanilang mga problema. Yayaman na rin sila sa wakas.

"Sa tingin niyo mga pre, kanino satin ang makakagising dun sa prinsesa?" tanong ng isa sa mga manlalakbay na nagngangalang Chris.

"Don't know and don't care. I only want the money though," sabi naman ng likas na inising si Patrick.

"Bros, may napansin ba kayo sa mga lalaki sa lugar na to?" nakangising tanong ni Oliver.

Biglang nagkasalubungan ng tingin ang dalawang pinakasiraulo sa apat na magkakapatid na sina Chris at Oliver. Sa di maunawaang dahilan, nagtawanan ang dalawa. Si Patrick, bilang likas na seryosong tao ay di nakita ang dahilan ng kanilang katatawanan. Kaya naman ay agad itong lumapit sa tahimik na si Stuart at tinanong ito, "What's funny?"

May kinuhang lapis si Stuart sa bulsa nito at nagsimulang magsulat sa isang piraso ng papel: They think all the guys in this country are ugly. Di mo ba napansin? Lahat ng babae dito mukhang gusto tayong halayain.

"Tama!" pagsang-ayun ni Chris nang nakangiti. "Malamang, gawa-gawa lang nung mga tao dito yong sumpa o di naman kaya, ayaw lang talagang makasal nung prinsesa sa asawa niya sa sobrang pangit nito. Kaya yong nangyari, nagkunwari siyang sinumpa at magigising lang siya once makakita siya ng mga magagandang lalaki tulad natin!"

"In that case, yayaman na tayo!" dagdag naman ni Oliver.

"Who's crazy enough to do that?" pagtataka naman ng matalinong si Patrick. "I don't think that's the case. I highly doubt it."

Matapos nun, nakarating na nga ang apat na matitipunong kapatid sa palasyo ng prinsesa at umakyat sa kwarto nito. Ngunit nang makita nila ang mukha ng taong nakahiga sa kama, unahan silang nagsilabasan sa kwarto na puno nang pandidiri.

"Sigurado ba kayong tama tong kwartong napasok natin? Bangkay na yon ah!" sabi ni Chris sa natatakot na tono.

"I can't be wrong. It was the right room," pagkompirma ni Patrick.

Nagtinginan ang apat na magkakapatid. "Hey Oliver, it was your idea. Go ahead and kiss her," sabi ni Patrick.

"Ano ako sira? Excuse me, nakakasampung girlfriends na ako pero ni minsan di pa naman ako nakipaghalikan sa isang bankay no. No way!" madiin na pagtanggi nito.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon