"Jill, mahal mo ba ako?"
Nasa kwarto ni Jill noon si Alfred, ang dating boyfriend nito. It wasn't a special day or anything, pero nakagawian na talaga ni Alfred na bumisita sa bahay ni Jill when he had the time.
Hinarapan ni Jill ang gwapong mukha ni Alfred. Napakaamo ng mukha nito, at talagang makalaglag pantyhose ang ngiti. Mahiyain din ito at mahilig mapag-isa. These qualities were what Jill had always wanted for her guy, pero, matapos nang araw na iyon, di na alam ni Jill kung ano ang iisipin.
"Oo naman," nakangiti nitong sagot. "Ba't mo naman natanong?" Hinawakan ni Jill ang kamay ni Alfred at linaro ito sa pareho naman niyang mga kamay.
"Then let's do it," sabi ni Alfred sa flat na tono. Nung una, inakala ni Jill na nagkamali lang siya ng rinig, pero nang tignan niya ang seryosong expression sa mukha ni Alfred, natinag ang pag-aakalang iyon. "Excuse me?" nauutal niyang tanong kay Alfred.
"Kung mahal mo talaga ako, let me do you," pag-uulit nito. "We've been in a relationship for almost a year, pero di pa kita natitikman."
Nang sabihin iyon ni Alfred, agad na lumayo si Jill sa kanya. Never in her wildest dreams had she thought na kaya nitong magdemand nang ganyan sa kanya. Inakala ni Jill na naiiba si Alfred sa mga lalaking katawan lang ang hanap sa babae. Inakala niyang natatangi siya, but she was proven wrong.
That day didn't end well. Tinanggihan ni Jill ang gusto ni Alfred na makipagtalik sa kanya. Nag-away sila. And for two weeks, hindi sila nagkausap. Napakahirap sa parte ni Jill ang ganoong pangyayari. It came to the point na kinuwestiyon niya na ang sarili kung tama ba ang naging desisyon niya. After all, mahal naman talaga niya yong tao. Sa kanya naman niya balak makasal diba? So anong masama kung ibigay niya kay Alfred ang hinihingi nito?
Kung kaya't, matapos ng ikatlong linggo simula nang pag-aaway nila ni Alfred, determinado na siyang ayusin ang naging away nilang dalawa. Pumunta si Jill sa bahay nito nang Sabadong iyon. She was ready sa kung ano man ang mangyayari. At higit sa lahat, gusto niya itong sorpresahin.
But as it turned out, si Jill pa yata ang nasorpresa.
"Lindsay...?" natanong ni Jill sa sobrang pagtataka. Di siya makapaniwala sa nakita nang araw na iyon. Silang dalawa ni Alfred. And pinakamatalik niyang kaibigan at ang boyfriend nito. Di siya makapaniwalang sa lahat ng babaeng maabutan niyang nakikipagtalik sa boyfriend niya, si Lindsay pa talaga. Ang bestfriend pa niya talaga. Or is it na all this time di naman pala siya nito tunay na kaibigan?
"Jill..." Narinig niyang bulong ni Alfred. Di niya nagawang makakilos sa kinatatayuan. Nakatayo lang siya roon na parang tanga. Ginusto niya mang magalit at magsisisigaw, ay walang boses na lumabas sa bibig niya.
"Let her be." Natauhan si Jill nang magsalita si Lindsay. Nang tignan niya ito, pinagtaasan lang nito si Jill ng kilay. Mukhang naiirita pa nga ito dahil sa naistorbo sila ni Jill sa ginagawa nila. At doon na nahanap ni Jill ang boses nito. "Anong ibig sabihin nito?" nalilito niyang tanong.
"What do you think?" Si Lindsay parin ang nagsasalita at nang tignan naman ni Jill si Alfred, nakalayo lang ito ng tingin. Di nga namalayan ni Jill may luha na palang nakaeskapo sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
RomanceYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...