(Enclosed image of Rose)
"Aish! Sira ka ba Oliver at sa facebook mo pa talaga naisipang ipost yan ha?! Sana pinost mo nalang din sa wall ni dad nang malaman niyang nawawala si Rose once and for all!" inis na sabi ni Chris the next day.
"E san ko naman ipopost to nang may makakita? Sa pwet mo?" sarcastic namang hirit ni Oliver.
Nandito kami ngayong lima sa kwarto ni Patrick. Dito kasi nila napiling 'magmeeting' para dun sa plano nilang pagpapa-audition. Di na nga rin pumasok sa klase nila yong apat kasi mas importante daw to kaysa sa mga buhay nila. Ako naman, well, may pasok din ako pero inaway ako nung apat na kung di ako tutulong sa kanila, di raw nila ako papapasukin mamaya pagkauwi ko. So yon, no choice ako kundi magstay sa bahay. Isa pa, baka mamaya kung anu-anong maisipang kalokohan nung apat. Mahirap na.
"Sa labas ng bahay nalang kaya natin ilagay?"
"Hello? Sino namang maayos ang ulo ang seseryosohin ang ganun?" May ginawa kasing poster yong apat na may nakasulat na "BEAUTIFUL LADIES OUT THERE WE NEED YOUR LOVE!". Ito pa yong nasa poster:
Are you a fan of the Maxwell Princes? Daydreaming of the day that one of us will fall for you? Dream no more! We are currently searching for that lucky girl of our own sweet dreams!
Please apply for 'girlfriendship' right here, right now.
Qualifications include: 14-16 years of age, 5'3 in height, flawless white skin, shapely kissable lips, high cheekbones, round brown eyes, tall cute nose, slim body build...etc. etc.
At naglagay pa sila ng picture ng 'ideal girl' nila na picture naman talaga ni Rose na buong gabi nilang inedit para medyo magbago ang itsura.
Sa sobrang haba at detailed nga nung qualifications na nilagay nila ay di ko na maiwasang mapa-face palm. Para kasing ang obvious na isang klaseng babae lang ang hinahanap nila. Pero in fairness, kahit papano madiskarte tong mga amo ko. Imbes na diretsahang ilagay na naghahanap lang sila ng kamukha ni Rose, nilagyan nila ng pakulong naghahanap sila ng girlfriend para di sila mahalata.
"Sa labas na ngalang ng gate natin ilagay para safe!" pagpupumilit ni Oliver habang nakataas na yong kilay nina Patrick at Chris.
"Bahala ka nga diyan. Basta kung walang magpakitang babae dito sa bahay kasalanan mo!"
"MAXWELL PRINCES WE NEED YOUR LOVE! KYAAAAHHHH!"
"Hoy Chris! Langya ka! Ba't naghahanap ka pa ng girlfriend e tiniten-time mo nga ako?!"
"Oliver my labs pakasalan mo na kami!!! OLI YOU LIGHT UP MY WORLD LIKE NOBODY ELSE!!!"
"Patrick kahit ang sungit mo okay lang! Kahit laging dumudugo ang ilong ko pagkaharap ka crush parin kita!"
"Stuart baby, ba't di ka pumasok sa recital mo today?! Ikaw lang ang hinihintay namin dun o! Kyaahhh! Tumingin dito si Stu!!!"
"Wala palang dadating ah." Tinignan ni Oliver si Chris nang nakaismid at binuksan ang palad sa tapat ng pagmumukha nito. Nagmura lang tong si Chris tapos padabog na kumuha ng limang libo sa wallet niya. Nagpustahan kasi yong dalawa kanina at halatang panalong-panalo tong si Oliver.
Nandito parin kami ngayon sa second floor ng bahay at pinagmamasdan ang napakahabang pila ng mga babae dun sa labas.
"O sha, bumaba ka na dun loverboy at marami ka pang kikilatising mga sisiw." Tinulak na ni Oliver si Chris na kanina pa maasim ang mukha at nagpatulak naman ito. Nang nasa labas na si Chris ng kwarto ay kinando na ni Oliver yong pinto at nagrelax dun sa kama. "Hay, sarap ng buhay! Pat, Stu, matapos ng shift ni Chris, kayong susunod okay?"
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
Любовные романыYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...