"Malas, malas, MALAS!" Binilisan ko pa ang pagpepedal sa bisikleta kahit sobrang napapagod na ang pareho kong hita. Tae, late na naman ako sa trabaho ko. Pakiusap naman, huwag naman sanang nakademonyo mode ang amo ko mamaya!
Ako nga pala si Mikaela Ailla Lapinid Arandia Santos. Pansin niyo initials ko? Ganda diba? Manang mana sa may-ari. MALAS.
I'm sixteen, turning seventeen this summer. Sa wakas ay magtatapos na rin ako ng high school. Well, may grade eleven at twelve pa dahil sa K-12 curriculum na yan pero I like to think of myself as a graduating student. Iniisip kong di nalang magcollege kasi mahirap makahanap ng pera. Isa pa, makakaya ko namang mabuhay sa sweldong nakukuha ko sa kasalukuyan kong trabaho as waitress sa isang kilalang food chain. Sana ngalang di masira ang mga plano ko dahil sa lecheng sitwasyon ko ngayon.
"Excuse me! Makikiraan po! Excuse, excuse, EXCUSE...!" Ginagamit ko ngayon ang shortcut papuntang mall na pinagtratrabahuan ko. Waitress nga kasi ako sa isang food chain doon at...Micah may mababangga ka!
Pinihit ko yong preno as hard as I can para mapatigil yong bisikleta ko matapos biglang magpakita ng isang magarang kotse sa harap ng kaskasero kong bike. Yon ngalang, dahil saksakan ako ng kamalasan, nakalimutan kong sira pala ang preno ko at nagkataon pang downhill ang direksyon ng daan.
Patay.
"What the hell was that about? Huh?! Are you aiming to become a racecar driver for Pete's sake?!"
Di na ako makaimik. Lumagapak kasi ako sa semento at ang sakit ng pwet ko sa lakas ng naging bagsak ko. As expected, bumangga nga ako roon sa kotse at sinisigawan ako ngayon ng lalaking nagmamaneho nito. Bata pa siya, siguro dalawang taon lang na nakatatanda sakin. Gwapo siya, halatang mayaman, pero nakakatakot. Sobra. Kanina pa niya ako sinisigawan at di ko magawang umimik. Nakayuko lang ako sa semento habang pinuproblema ang nagawa ko sa kotse niya. San naman ako maghahanap ng pambayad niyan diba? Eh ulilang lubos na ako.
"Really," naiinis na sabi nung lalaki. "Go away before I change my mind and make you pay for this."
Agad ko naman siyang tinignan nang sinabi niya yon. Tama bang narinig ko? Pinapaalis niya lang ako? Nang walang bayad? "Di ko po kailangang magbayad kuya?"
Pinagtaasan lang niya ako ng kilay. "What? You want to pay for this?" tanong niya sabay turo dun sa napakalaking gasgas dun sa kotse. "You look like you didn't have anything decent to eat for a year. God knows where you'll find the money to pay for this. Now go away."
Gusto kong umiyak at halikan si kuya sa sobrang bait nito. I mean, san ka makakahanap ng ganito ka-thoughtful na tao diba? Diba? Di ko napigilang mayakap si kuya ewan-di-ko-alam-ang-pangalan. Huwag niyong isipin na tsumatsansing ako, di no. Talagang natouch lang ako kay kuya.
"Hey! Stop that!" natatarantang sabi ni kuya habang tinutulak ako palayo. Agad naman akong tumigil sa ginagawa ko at nginitian si kuya with my sweetest smile. "Salamat kuya! Ang bait-bait ninyo!"
Inismiran lang ako ni kuya. Grabe, suplado nito. Mabuti nalang kahit papano mabait. "Stop that. You don't know me. Now go away as to wherever you were planning to go." Matapos nun, pumasok na si kuya sa kotse at agad na humarurot paalis. Ako naman, natauhan bigla. TAE! Late na nga pala ako sa trabaho ko!
"Excuse me! Excuse, makikiraan po! Sorry ate! Excuse ME!" Nubayan! Ano bang meron sa mall ngayon at sobrang dami ng tao?!
"Langya ka Chris! Tinutwo-time mo na nga kami, di ka pa nakontento! Nakikipagharutan ka pa dun sa waitress langya ka talaga!" May narinig akong sumisigaw sa di kalayuan habang hinihintay yong elevator.
"Lakas pa talaga ng loob mong takasan kami. Kapal ng mukha mo!"
Maya-maya pa, may nakita akong dalawang babaeng hinahabol ang isang lalaki. Pero nagulat ako nang si kuya-kotse kanina ang lalaking iyon. Bakit siya nandito? At anong nangyari sa buhok at damit niya?
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
RomanceYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...