(Enclosed image of Jeremy)
"Kayo ha, ba't di niyo man lang nabanggit na may fiance na pala si Rose? Kung sinabi niyo man lang, sana di ako nagmukhang tanga doon kanina," pangsesermon ko doon sa apat.
Nasa studio parin kami at nasa loob ng dressing room. Nakakandado ang pinto at kaming lima lamang ang nasa loob.
"Micah, sorry na. Maski kami, nakalimutan na nga namin yon," mahinang sabi ni Stuart na nakaayos na para sa photoshoot.
"Oo nga Mia. Wag ka na kasing magtampo sa amin. Di naman kasi nasagi sa mga utak namin na makikita mo agad si Jeremy. Kasi kung alam lang namin na nandito rin siya today, inutusan ko na ang security na wag siyang papasukin," nakapout na pagsasalita nitong si Oliver.
Bumuntong hininga nalang ako at inikot ang tingin dun sa apat. Mukhang di naman talaga nila sinasadyang biglain ako kaya hinayaan ko nalang. Tutal, wala na rin naman akong magagawa.
"Pero, pano na ngayon? Di naman pupwedeng ganito nalang ako sa lahat ng pagkakataon. Can you at least tell me anything about Jeremy na kailangan kong malaman nang di naman niya ako mabuking?" pakiki-usap ko dun sa apat.
"Well," nakaismid na panimula ni Patrick. "Jeremy is younger than us by three years so that makes the two of you the same age. He's a very annoying person so don't even think about talking with him. Especially if we're not around to protect you."
"Wow, overprotective ka na pala Patrick? Kailan pa? Naks, iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig," pang-aasar ni Oliver. May lumipad na headphones sa direction ni Oliver pero sinalo niya lang ito. Nagstaring contest muna si Oliver at si Patrick pero tinapos agad ito ni Oliver sa isang behlat.
"Basta Mia, di kayo close ni Jeremy. Lagi ngang iniiwasan ni Rose noon yong tao kaya pwedeng suplada ang peg mo sa kanya. And other than that, wala ka namang dapat malaman about him. Pwera nalang siguro na hamak na mas gwapo kaming apat. But then again, narealize mo naman agad yon diba?" Nagbeautiful eyes itong si Oliver sabay kindat.
Tinaasan ko lang siya ng kilay habang pinipigilang tumawa. Nang oras ding yon, may narinig kaming kumakatok sa pinto ng dressing room. "Guys, pinatatawag na kayo!"
"O sige na, pumunta na kayo don."
Nagsimula na silang magsilabasan pero naiwan itong si Oliver sa likod nung apat. "Mia, ako ang pinakahot ngayon diba? Diba?" parang batang tanong ni Oliver sabay taas ng shirt niya. Nanlaki nalang ang mga mata ko nang makita ang napakagandang hubog ng abs nitong si Oliver.
Mabuti nalang talaga at medyo immune na ako sa mga kalokohan nung apat kaya agad din naman akong natauhan. "Puro ka kalokohan. Sige na, punta ka na dun!" Tinulak ko nalang si Oliver palayo sakin.
"Woah," na-aamaze na tugon ni Oliver. "Linya ko yan ah!"
***Suddenly, I'm Cinderella***
"Nice," sabi nung photographer habang kinukuhanan na ng mga litrato yong apat at si Jeremy. Badboys ang theme ng photoshoot ngayon kaya ang seryoso at fierce ng mga expressions nung lima. Di ko na ngalang napigilang matawa sa expressions ni Stuart. Sobra kasing nakakapanibago dahil nasanay akong malumanay at maamo ang desposition niya.
"Hmmm...something's missing," sabi nung photographer.
Luminga-linga ito sa paligid at nang magkatagpo kami ng tingin ay lumiwanag ang mukha nito. Lumapit ito sa akin at sinimulan na akong kabahan.
"Mr. Maxwell, can I borrow your beautiful daughter for a moment?" pagtatanong nito kay Mr. Maxwell.
Mukhang nabigla si Mr. Maxwell sa tanong at nagkatinginan kami. "Ano namang gagawin mo sa anak ko?"
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
RomanceYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...