From Micah to Rossetuotta

115 6 1
                                    

"Niloloko niyo ba ako?" nakapandilat kong tanong dun sa tatlo. Nandito pala ako ngayon sa sala ng bahay ng mga Maxwells at nakatali sa isang upuan. "Nakakarami na kayo ah," dagdag ko pa habang pilit na pinakakawala ang sarili dun sa mga tali. Maireport nga sa presinto tong apat mamaya. Naku!

"Of course not. Rossetuotta Corazon Maxwell talaga ang whole name ni Rose," seryosong sabi ni Chris.

Seryoso? Walang halong biro? Sino namang siraulong magulang ang bibigyan ng ganung pangalan ang unika hija nila diba?

Tinaasan ko lang siya ng kilay at pinanliitan ng mga mata. Baka ang asim na talaga ng mukha ko kasi biglang tumayo itong si Patrick at umalis ng sala. "Patrick, san ka pupunta?"

"I'll get Rose's birth certificate. If she still won't believe us, that's already her problem," kalmadong sagot ni Patrick.

WOW ha. Problema ko pa talaga kung di ako maniwala sa mga sinasabi nila? Nahiya naman ako dun sa apat. Parang di ako nakatali kung makapagsalita sila. Kung mas matino lang naman kasi yong mga bagay na kanina pa nila pinagsasasabi sakin, sana natigil narin ako sa pagrereklamo sa trip nila.

At oo, napapapayag na ako nung apat na magpanggap bilang Rose. Dahil aminin ko man o hindi, napalapit na rin ako dun sa apat kahit puros kalokohan ang inatupag nila nang makasama ko sila sa maikling panahon na nandidito ako sa bahay. Pero di ko lang talaga maintindihan kung bakit kinailangan pa nila akong taliin dito sa upuan! Nasan na ba ang hustisya?! Di ba sila nagtitiwalang di ako tatakbo?

"WE ARE THE MAXWELL PRINCES AND WE NEED YOUR LOVE!"

"Tigil-tigilan niyo ako okay?! May trabaho na ako sa bahay ninyo at di ko naalalang kasali dun ang makipagsabwatan bilang kapatid niyo!" sigaw ko sa nakakandadong pinto ng kwarto ko kanina nang pilit kong tinatakasan yong apat. Kasi naman, para silang mga tigre na sobrang determinado akong kainin nang buhay. Bakit pa kasi nagkataong may 'pagkakahawig' ako dun sa kapatid nila kahit di ko naman makita?

"Sige na naman pretty lady Mia! Nagmamakaawa ang napakagwapong ginoong ito sa iyo! Ikaw binibini ang magliligtas sa kapalaran ng sangkatauhan at ituturing ko itong napakalaking utang na loob ng aking kalamnan kung matutulungan mo lamang kami!" pagdadrama na naman nitong si Oliver habang pinupukpok yong pinto.

"Sige na Myles o! Please naman! Kahit ilang beses mo akong halayain o halikan o paluin okay lang sakin! Please, we really need your help!" pagmamakaawa pa ni Chris.

"Salamat nalang pero gusto ko pang mabuhay!" sigaw ko naman sa kanila. Mukha parin akong multo kasi di ko man lang naayos yong itsura ko at malamang ay inuna ko talagang takasan yong apat. Pero san naman ako ngayon pupunta? Di naman pupwedeng manatili nalang ako sa kwartong to habambuhay diba?

"Pakakasalan kita magandang binibini at ipapatapon ko sa Fort Santiago si Chris!"

"Langya ka! Ako pa talagang naisipang mong ipatapon? Nandiyan naman si Patrick ha?!"

"Oh shut up the both of you!" narinig kong sigaw ni Patrick. "I'LL be the one to throw BOTH of you in planet Pluto if you don't shut up!"

"Anong planet Plutong pinagdadada mo diyan?" tanong ni Chris sa naiinis na tono. "Di na planet ang Pluto no. Parte nalang siya ng Kuiper Belt!"

Matapos nun, biglang natahimik sila sa kabila ng pinto ko. Nang mga oras na yon, iniisip ko na kung pupwede ba akong makababa mula sa bintana.

"Woah," na-amaze na sabi ni Oliver. "Kailan ka pa naging scientist Chris? Ba't parang huli yata kami sa balita? Yan na bang hinahalay mo ngayon? Mga libro?"

"Anong huli sa balita? Di kasi kayo marunong humawak ng libro kaya outdated kayo! Tignan niyo tong si Patrick for example, hanggang ngayon di parin magets ang kaibahan ng 'unan' sa 'upuan'!" sigaw naman ni Chris.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon