Good night Micah; sweet dreams...
Good night Micah...Micah....sweet dreams....
Si Chris at ang mapupungay niyang mga mata...
Si Chris at ang kanyang halik...Si Chris at...
GAAAHHHH! "MATULOG. KA. NA. MICAAAHHH!" madiin kong pag-uutos sa sarili. Maghahatinggabi na at di parin ako makatulog. Pano ba naman ako makakatulog kung sa bawat pagkakataong ipipikit ko ang mga mata ko puro CHRIS CHRIS CHRIS na nakahot pink pa ang kulay ang nakikita ko?
"Ano bang nangyayari sayo Micah? Tigil-tigilan mo yang kalandian mo! Nakuu!" Sinuntok-suntok ko pa ang sarili ko at pinukpok-pukpok ang unan sa mukha.
"Di pupwede ang ganito! Amo mo parin siya Micah kahit pagbalibaliktarin mo ang mundo! At isa pa, ba't naman siya magkakagusto sayo diba? Bakit, maganda ka ba Micah? Maganda ka ba?! SAGUTIN MO AKO!" Parang baliw ko pang pakikipag-usap sa sarili. Masama to. Mukhang nahahawa na ako dun sa topak ng apat.
"Sige na Micah ah. Last chance mo na to at mabuti pa, matulog ka na kasi may gagawin pa kayo nung apat bukas. Matulog ka na okay?"
12:15 am: "Aaahhhh!" sigaw ko habang nanunuod ng horror movie sa flat screen tv ng kwarto.
1:45 am: "Rock a bye Micah on the tree top...When the wind blows, the cradle will rock..." pagkakanta ko ng lullabye sa sarili habang nagpapagulong-gulong sa kama.
2:05 am: "Ahuhuhu...bakit ka namatay Rose?! Bakit mo iniwan si Jack? 'You jump, I jump' diba ang peg niyo?!" pag-iyak ko nang maabutan ko pa ang ending part ng Titanic sa tv kasi nagdesisyon akong manuod ulit.
2:35 am: "Micah, sige na...patulugin mo na sarili mo. Sige ka, kung mukha kang zombie bukas dahil sa laki ng eyebags mo, ano nalang iisipin ni Chris? Na di ka nakatulog nang dahil sa kanya?" Natigilan ako sa pagdadrama ko at biglag napatayo sa kama. "Hindi! DI BA SABI KO SAYO MICAH WAG NA WAG MONG BABANGGITIN O IISIPIN PANGALAN NIYA?! Traydor! Uripon! Timawa! Katipunan!"
3:05 am: "Oo na. Aamin na ako. Affected ako dun sa tao. Baka pa nga nagkakacrush na ako sa kanya. Kahit puros pambabastos at kung anu-ano pang ewan ang nakuha ko sa kanya, oo, umaamin na ako," mahina kong bulong sa sarili sa nanlulumong tono. Gumawa pa nga ako ng white flag at iwinawagayway ito. "Ano ngayon Micah? Masaya ka na ba? Matutulog na ba yang lecheng malandi mong utak?!"
Well, mukhang oo kasi bigla akong nakaramdam ng antok. Hay naku, andami kong drama sa buhay. Nubayan!
***Suddenly, I'm Cinderella***
"Ah, saan punta natin? Ba't ganyan mga get-up niyo?"
"This? This is how we normally dress up when going to the outside world," casual na sagot ni Patrick sabay suot ng nerdy glasses na halatang accessory lang.
Outside world? Ano tong bahay nila, ibang dimensyon? At ba't ganyan mga ayos nila? Magnanakaw ba kami sa bangko at ayaw nilang makilala?
Ganito kasi; si Stuart, well, normal lang sa kanya ag laging nakahoody tapos nakaheadphones at halos di makita yong mukha. Pero nang makita ko yong natitirang tatlo na nakasuot ng iba't-ibang styles ng sombrero at sinabayan pa ng shades o glasses ay nagtaka na talaga ako.
"Guys, ba't niyo ba kasi tinatago yong mga mukha niyo? Aminin niyo nga sakin, mga WANTED ba kayo?" kinakabahan kong tanong dun sa apat nang nagmamaneho na si Leo ng magarang kotse papunta sa kung saan kami patungo. At oo, siyempre naging kasabwat narin namin itong si Leo sa 'misyon' ko palibhasa malilintikan din siya kung malaman ng dad nung apat na nawawala nga si Rose.
"It's nothing like that," mahinang sabi ni Stuart sa tabi ko. He gave me a sheepish smile na parang nahihiya siyang sabihin ang sagot. "Everytime kasi na may nakakakitang mga tao samin Micah, preferably girls, alam mo na...."
![](https://img.wattpad.com/cover/38290292-288-k246296.jpg)
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
Roman d'amourYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...