Scars of Yesterday

56 5 0
                                    

(Enclosed image of Jillian)


Habang solong-solo nina Oliver at Kim ang private island, at habang naghahalikan ang dalawang ewan sa putikan, ay nasa kabilang isla naman ang natitirang mga bida natin. Fortunately, hindi rito umuulan kaya kahit papano, tuloy na tuloy ang outdoor date nina Stuart at Jill.


Well, to be honest, not exactly.


"Ayoko ko ngang lumabas! Ang kulit-kulit naman nito eh!" pagrereklamo ni Jillian habang nakabalot ang buong katawan ng kumot nito. Kanina pa kasi nagpupumilit si Stuart na lumabas sila at kumain sa labas. Nasa loob ng hotel room niya si Jillian at di pinapapasok si Stuart.


"What's wrong? Are you not feeling well?" nag-aalalang tanong ng napakabait na si Stuart.


"YES! Now just leave me alone!" sigaw naman ni Jill. Well, wala naman siyang sakit pero inabutan siya ng period niya ngayong araw at sobrang sakit talaga ng puson nito. Makakaya naman niyang tumuloy sa date, pero nag-iinarte lang talaga si Jill dahil ayaw nitong makasama si Stuart.


"Should I call the hospital?" tanong ni Stuart na pinupukpok na ang pinto ng kwarto sa sobrang pag-aalala.


"No. Wag na. Just leave me alone sabi."


"Ano ba kasi talaga ang problema?" pagpupumilit ni Stuart. Wala pa man din sina Micah at ang mga kapatid nito. Minabuti na kasi nung mga tao na umalis para mabigyan ng privacy itong dalawa.


"It's a girl thing okay? Di mo naman maiintindihan kahit mag-explain ako!"


"A girl thing?" nalilitong tanong ni Stuart. "Meron ka ba ngayon Jill?"


Nagulat si Jill sa naging tanong ni Stuart. Di niya kasi inasahang makukuha nito ang kondisyon niya. Natigil siya at di na sumagot.


"Is that it, Jill?" pagtatanong ulit ni Stuart sa kabilang side ng pinto. "Is your lower abdomen hurting?"


Wow ha, di na naiwasang maisip ni Jill. May pa lower abdomen pang nalalaman tong si Stuart. Di na naiwasang umiling ni Jill pero di pa rin siya sumagot. Narinig niya ang pag-alis ni Stuart sa labas ng pinto niya at napabuntong-hininga siya. "Mabuti naman at tinantanan na ako nung loko," nasabi nalang ni Jill sa sarili. She winced nang biglang sumakit na naman ang puson nito. Aish! Ba't ba ang hirap maging babae?


Five minutes later, may biglang kumatok na naman sa kwarto nito. "Jill? Papasok ako okay?" tanong ni Stuart. Nagulat naman si Jill at biglang napaupo sa kama nito at napahiga naman ulit nang makaramdam ng sakit sa puson niya. "Teka, anong papasok? Pano ka papasok?" mahinang tanong ni Jill.


Ilang saglit pa, pumasok ng kwarto si Stuart. "I asked for a spare key to your room," simpleng pagpapaliwanag nito habang may dala-dalang mga water bottles sa parehong kamay.


"Di ka ba marunong makinig? Diba sabi ko sayo lubayan mo ako?" nakapandilat na tanong ni Jill. Pero kahit na suplada ang naging tono nang pananalita nito, di siya pinansin ni Stuart at nagpatuloy lang sa paglapit sa kanya. Agad namang tumakbo ang golden retriever na si Waffles para batiin ang alam niyang si 'Oliko'.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon