Before we proceed with the story, let me introduce the four eldest sons of the Maxwell family. Masakit kasi sa ulo kung nalilito tayo sa kanilang apat. And more importantly, here are also some random facts about them :)
The Quadruplets
Age: 18
Hair color: jet black
1.) Crisostomo Maxwell (The Troublemaker)
Nickname: Chris
Details: Si Chris ang pinakamahilig sa gulo sa kanilang apat. Di niya ito ginagawa dahil masama siyang tao. Talagang kinulang lang siya sa pansin palibhasa sinasabihan siyang pinakapangit at pinakamababa ang height sa kanilang apat. Pero tsismis lang yon kasi magkamukhang magkamukha talaga silang lahat. Kaya nga nung preschool at elementary sila, kailangang may name tag sila palagi. Pati sa bahay.
Sa kanilang apat, si Chris ang pinakaactive sa sports at kasali siya sa halos lahat ng athletic clubs ng school nila. Three years ago ay pinakulayan nito ang buhok just to be unique physically from his remaining brothers. Ngalang nagdevelope siya ng allergies sa pampakulay ng buhok kaya kinailangan niyang magpakalbo. Yon, at tuluyan na nga siyang naging unique hanggang nung humaba ulit ang buhok niya.
No. of previous girlfriends: Too many to mention (2m2m)
Type of girl: Basta napapansin siya and tolerates his naughty and bad behavior. Lahat pinapatulan niya pag ganun at kaya niyang pagsabayin ang sampung babae.
Currently in a relationship? Hell yeah
2.) Patricio Maxwell (The Know-It-All)
Nickname: Patrick/Rick
Details: Patrick is the favorite son from the quadruplets. He's responsible, talented, and very very smart. Saulo niya ang lahat ng capitals ng mga bansa sa mundo at sa outer space kung magkakaroon man, ang periodic table of elements, lahat ng prime numbers, scientific names ng lahat ng hayop at halaman, equation ng mga Ewan na bagay at marami pang iba. Siya ang bossy sa kanilang apat and he has the tendency to be very arrogant. Masisisi mo ba, genius e.
Wala siyang interes sa mga babae. Di rin siya naniniwala sa love kasi hormones lang daw ang may pakana nun at neurotransmitters. Desire and lust lang ang pinaniniwalaan niya. Nung nakaraang taon, natakot siya kasi baka nababakla na siya since di nga siya nagkakagusto sa kahit sinong babae. So what he did, nagpaskil siya ng wanted:girlfriend sa labas ng bahay nila. First come first serve daw. Magdala daw ng resume sa mga past relationships at maghanda ng talent.
Hanggang ngayon inaasar parin si Patrick ng mga kapatid niya dahil sa ginawa niya. Di ko muna ilalagay kung anong nangyari. Bahala na si Patrick na magkwento XD
No. of Previous Relationships: Nganga
Type of Girl: I don't know raw. Basta yong magpapaibig sa kanya. Medyo insecure na kasi siya sa mga love life ni Chris at Oliver at rinding rindi na siya sa tuwing inaasar sila nitong bading.
Currently in a relationship? Sana nga.
3.) Odolfo Maxwell (The Happy Go Lucky)
Nickname: Oliver/Ver
Details: Hmmm...let's see. Si Oliver, ang saya-saya niya lang lagi.
Oliver doesn't have a care in the world at ayaw na ayaw niyang binibigyan ng problems. Because of this, he doesn't do very well in school pero sa kanilang apat, si Oliver ang may pinakaraming kaibigan. He's very jolly at madaling pakiusapan. But because of his carefree attitude, gagawin lang niya ang gusto niyang gawin. He also has the tendency to play pranks on people lalo na pag tinopak ito at partner in crime pa ang matagal nang loko-lokong si Chris.
When it comes to decision making, di maasahan si Oliver. Wala siyang pakialam sa desisyon basta't alam niyang walang responsibilidad na maiiwan sa kanya. Because of this attitude, walang tumatagal na serious relationship si Oliver. Iwas kasi siya sa commitment at stress.
Buhay baboy si Oliver. Kain, tulog, laro. Kain tulog laro. Pero mind you, siya na ang pinakamatino sa kanilang apat. Yup, matino na siya sa lagay na yan.
No. of previous relationships: Ten
Type of Girl: Anyone who doesn't mind having no strings attached to the relationship. Also, someone who's good at cooking. Sarap kasing kumain!
Currently in a relationship? Nope. Just broke up with my tenth girl. Free at last!
4.) Sympatico Maxwell (The Wallflower)
Nickname: Stuart/Stu
Details: Kung anong daldal ni Oliver, ganun naman katahimik si Stuart. When he was younger, inakala ng parents na bingi ito pero nang marinig nila ang golden voice ng anak habang kinakanta ang twinkle twinkle little star sa school recital nila, nawala ang pangamba ng pamilya.
Tahimik lang si Stuart. No comment lang lagi. Walang imik. Di lang talaga siya mahilig magsalita. Instead, he prefers to express his thoughts through music and writing. Sa kanilang apat, si Stuart lang ang desenteng kumanta. Pag pakantahin mo yong naititirang tatlo, maghanda na kayo sa pagbalik ni Yolanda. Stuart is very talented in playing any instrument at dahil dito, he's the org mayor of the music club sa school nila.
Unlike dun sa tatlo na walang kakwenta-kwenta sa mga babae, Stuart is a very romantic guy. Saksakan ngalang ng katorpehan kaya nganga parin ang love life. Sinubukan na niyang manligaw noon with the help of Chris and Oliver (di kasali si Patrick kasi nasusuka raw siya sa mga ganun). Pero bago pa man siya makalapit dun sa babae, sumama na yong tiyan niya kaya yon, mission failed. Yong banyo ang niligawan niya nung araw na yon.
Stuart is almost always scared of everything. Dahil dito, lagi siyang napapagtripan ng mga kapatid niya. Walang pinto ang banyo ng kwarto niya at laging bukas ang ilaw nito. Because of his weirdness, konte lang ang kaibigan niya.
Magaling magkalkal ng sekreto si Stuart. Palibhasa di siya madaling mapansin kaya ang hilig niyang makinig sa usapan ng iba. Kaya naman, bago pa kumalat ang tsismis sa bahay o school nila, alam na yon lahat ni Stuart. Kaya kung may gusto kang sekretong gustong malaman, alam mo na kung kanino magtatanong ;). Good luck na ngalang na mapagpasalita mo si Stuart.
No. of previous relationships: Negative forty
Type of girl: Someone who'll accept him for he really is.
Currently in a relationship? No
SOOO that's about it! And also, one more thing. Dating historian ang father ng quadruplets at sinadya nitong pagtripan ang pangalan ng mga anak.
Let's recount shall we?
Si Chris yong basag-ulo
Si Patrick yong matalino
Si Oliver yong sobrang masiyahin
At si Stuart naman ang walang imik lagi
Please proceed with the story to find out more about these crazy brothers and the story of Micah herself :). Thank you! Please show your support through voting and don't hesitate to comment! I like hearing criticisms about my book :)
![](https://img.wattpad.com/cover/38290292-288-k246296.jpg)
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
Storie d'amoreYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...