Quadruple the Trouble

115 7 4
                                    

(Enclosed image of Oliver Maxwell)


"Today's Sunday and like what I've promised, ngayon ang araw na nakaschedule kang linisin ang mga kwarto nila," marahan na sabi ni butler guy Leo.

Nasa kusina kami ngayon habang tinutulangan niya akong maghugas ng pinggan. Katatapos palang naming kumain ng breakfast at tulad nga ng inaasahan ko, nag-away na naman ang mga amo kong tila mga kindergarden students. Nalaman ko rin na effective palang pang-asar ang pancakes. Pinalo lang naman ni Oliver ang isa sa mga pancakes na linuto ko sa pagmumukha ni Chris.

"Why did you do that?!" sigaw ni Chris sa nakangising mukha ni Oliver. Kanina pa sila nagbabangayan over breakfast.

"Sinubukan ko lang kung mabubura yong mukha mo nung pancake. Tsaka I'm tired of looking at your ugly face. Mas gwapo pa nga yong smiley face na linagay ko diyan sa pancake kesa sa mukha mo," sagot naman ni Oliver sabay behlat.

Agad namang namula si Chris sa insulto ng kapatid. Diba, parang mga baliw lang? "What in heaven's name is wrong with you?" Nangangalaiti sa inis itong si Chris. Biglang pumunta yong kamay niya sa pitcher ng juice sa mesa. Agad-agad naman niya itong ibubuhos sana sa pagmumukha ni Oliver.

Ngalang, dahil baka memorize na talaga ni Oliver ang lahat ng kalokohan sa mundo, ay nabasa niya agad ang gagawin ni Chris. Bago pa ako makakurap, hinigit ni Oliver ang walang kamalay-malay na si Patrick na nananahimik lang sa upuan niya at nagbabasa ng libro. Before we know it, nagsilbi na tong si Patrick as shield kaya ito na ang nabuhusan ng isang litrong orange juice.

"Hahahahah! Come on Chris! You can do better than that!" paghahamon pa nitong si Oliver matapos magmukhang basang sisiw ni Patrick at di man lang siya nakatanggap ng isang patak.

"Ano, sa labas tayo?" sabi naman ni Chris.

"Sure, kung mahahabol mo ako!" At agad namang tumakbo paalis si Oliver dala-dala ang isang platong pancakes pati na rin nung syrup. Hinabol siya ni Chris pero bago pa sila makalayong dalawa, binato sila ni Patrick ng tinidor sa likod ng ulo.

"PARA SAN BA YON?!" Sabay pa si Chris at Oliver sa pagsasalita.

"That's for messing up my breakfast," naiinis na sabi ni Patrick na nakataas na ang isang kilay. "And THIS," madiin na sabi ni Patrick habang kumukuha ng tigdadalawang malalaking mansanas sa tray, "is for ruining my favorite shirt!" Agad namang binato ni Patrick si Chris at Oliver na sinubukang makalayo. Pero mukhang may talento tong si Patrick kaya sapul yong dalawa.

Kaya yon, bago pa ako makapag one two three, nagliliparan na yong pagkain at mga gamit sa kusina. Malapit na akong matamaan ng isang lumilipad na pandesal kung di lang ito nasalo ni Stuart. Agad akong tinapik nito sa balikat at pinatayo ako. "Micah, sa sala na tayo kumain. Baka magrounded ako kung maabutan ako ni Leo kasama ang tatlong yan."

"Micah, may nakakatawa ba?" tanong ni Leo sa tabi ko.

"Ha?" distracted na pagtatanong ko.

"You were laughing awhile ago kaya tinanong kita kung may nakakatawa."

"Ah," natigilan ako. Napansin ko ring ang lapad ng ngiti sa mukha ko. Nahiya naman ako dun sa tao. Baka mamaya isipin nitong nababaliw na ako. But now that I think about it, di siguro imposible yon lalo na't matindi ang mga topak ng mga kasama ko sa bahay.

"Wala," sabi ko. "Naisip ko lang yong nangyari over breakfast kanina. Sumusunod ba talaga sila kung sasabihin mong di sila pwedeng lumabas ng bahay dahil grounded sila?"

"Sure. Besides, nowadays ang hirap na talaga nilang imanage. You leave your attention from them a second and before you know it, may dala-dala na silang mga spatula and trying to kill each other." Umiling-iling si Leo at nakita niya ata ang dumbfounded expression sa mukha ko.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon