(Enclosed image of Jillian)
"Hey, Patrick. Are you really okay?" pagtatanong ni Kim kay Oliver slash 'Patrick' nang sumunod na araw.
Nasa veranda kami ngayon kasama si Chris at ang totoong Patrick. Hay naku, ang hirap naman pala ng ganito ang pagnanarate, pati ako di na rin alam ang sasabihin. Kaya ganito nalang ang gawin natin-original names parin nila ang gagamitin ko okay? Alam niyo na naman siguro kung sino ang nagpapanggap na sino.
"Of course," pademure kunwaring sagot ni Oliver na nakaupo sa harap ni Kim. In fairness, kung di ko lang talaga alam ang plano nila, malamang ay maski ako mauuto. Kahit papano kasi, mukhang seryoso itong si Oliver at ginagalingan talaga ang pagpapanggap bilang si Patrick. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig.
Kung nakita niyo lang kasi kung anong pinaggagagawa nitong tatlo kagabi, sobrang matatouch kayo. Maski mga buhok nila at sense of fashion, gayang-gaya na ngayon. Todo effort sila sa pagpapaktris lalong-lalo na si Stuart. And speaking of Stuart, wala pala siya ngayon dito. Sinama kasi siya ng dad ni Jeremy kanina kasi alam nitong mahilig sa fishing si Oliver. At dahil nga role ni Stuart ang pagpapanggap bilang Oliver, siya ang nadala doon sa fishing range. Malamang, nandoon din ngayon si Jill.
"Eh ba't bigla mo na akong pinansin?" Pinanliitan ng mga mata ni Kim si Oliver. Si Oliver naman, mukhang may hinihanda nang sagot para rito.
"Why, you want me to keep avoiding you again?" Nakita kong mukhang sinusubukan ni Oliver na itaas ang isa niyang kilay para kunwari suplado pero di niya magawa. Parehong kilay ang tumataas. Sa tabi ko, narinig ko ang mahinang pagtawa ni Chris. Si Patrick naman, napa face palm.
"Of course not," simpleng sagot ni Kim. "It's just that, ano bang nangyari sa boses mo? Bakit biglang naging kaboses mo si Oliver?"
Akala ko mabubuking na kami ng point na yon pero mukhang handa talaga tong si Oliver. "My throat is sore and I can't speak properly. Also, if you're here to pester me about how different I seem today, forget it. I'll just go to sleep and walk away from here," kalmadong sagot nito sabay kindat sa direksyon naming tatlo.
"Wow, kailan pa siya natutong mag-english nang ganyan?" natatawang tanong ni Chris. Nangininig ang mga balikat niya sa pagpipigil na matawa at ilang saglit pa ay tumakbo ito paalis kasi mukhang di na talaga niya kaya. Sa tabi ko naman, nakangiti si Patrick. In character din siya. Nakikinig si Patrick kunwari ng music habang nagsusulat ng 'kanta' eh puros ewan ang nakasulat sa notebook na hawak niya.
"Ito naman. Fine, I won't pester you anymore. I'm just glad na finally pinapansin mo na ako." Ngumiti si Kim kay Oliver at dumikit sa kanya. Pinatong ni Kim ang ulo nito sa balikat ni Oliver at dun ko nakitang nag-iba ang poker face na expression ni Oliver sa mukha. Bigla siyang namula at di ko na talaga naiwasang ngumiti. Biglaang gusto kong matawa pero pinigilan ko.
"Patrick," malambing na sabi ni Kim. "Ano bang type mo sa mga babae?" Biglang namutla si Oliver at di nakapagsalita. Nang kumunot ang noo ni Kim, agad namang plinastar ulit ni Oliver ang seryoso nitong expression. "I don't like girls in particular. I think it would be better if you stopped pursuing this thing Kim. I don't have feelings for you."
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
Storie d'amoreYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...