In the Island of Love

77 6 6
                                    

"Hey, guys! We're here!" Narinig kong sigaw ni Oliver sa deck habang nagmumokmok ako rito sa loob ng yacht. Di ko na talaga maintindihan ang mga nangyayari. Litong-lito na ako sa sobrang mailap ng explanations sa utak ko. Di ko nga maintindihan ang sarili ko ngayon! Ano ba kasi talaga ang pinuproblema ko at nagtatago ako rito?


"Well," bulong ko sa sarili sabay hinga nang malalim. "Unang-una, kailangan kong kausapin mamaya si Chris at linawin sa kanya na wala lang yong nangyaring yon kasi aksidente lang naman yon. Tapos..." Natigilan ako. Tapos ano pa nga ba? Ba't kanina parang ang rami-rami nun?


"Ah, oo. Yon pa pala," mahina kong bulong sa hangin. "Kailangan kong tanungin si Patrick kung bakit niya ginawa yong ginawa niya..." Napabuntonghininga ako. Di ko na talaga alam kung ano ang iisipin o gagawin. Di ko alam kung kanino ako maiinis. Sa sarili ko ba o kay Patrick?


"E ba't ka naman maiinis sa sarili mo Micah?! May ginawa ka bang masama?! Ha?! SAGUTIN MO AKO!" parang nababaliw kong tanong sa sarili. Ewan ko na talaga. Feeling ko ngayon para akong matatae at masusuka at the same time. Ang sama ng pakiramdam ko sa sobrang bigat ng nararamdaman ko sa dibdib. Ano ba talaga kasi ang nangyayari?


Sobra ka kasing pakialamera Micah. Kung iniwan mo nalang kasi si Patrick nung pinaaalis ka niya, sana naging end of story na. Di sana naging ala-anime slash Korean drama slash kung anu-ano pang kadramahan ang nangyari. Yan napapala mo. Hmp, ewan ko sayo, bulong ng konsyensiya ko.


"Myles, what's wrong? Ayaw mo makita ang isla?" Napatalon ako bigla sa kinatatayuan nang marinig si Chris sa likod ko.


"Ah...w..wala. Sige, susunod nalang ako," nauutal kong sagot habang di hinaharapan si Chris. Akala ko magiging madali ang harapin siya para magpaliwanag pero bakit parang sobrang naiilang ako ngayon? Bakit biglang nag-iinit tong mukha ko?


"Ano ba kasing problema? Inaway ka ba ni Patrick?" Unti-unti kong naramdaman ang paglapit niya sa akin. Bago pa ako makasagot, hinarap niya na ako sa kanya at wala na akong nagawa kundi tignan siya nang diretso sa mukha.


Nabigla ako kasi parang di man lang siya mukhang galit. Ni walang bakas ng expression niya kanina nang makita kami ni Patrick ang natitira sa mukha niya. Aakalain mong wala siyang nakita kanina. Bigla naman akong bumuntonghininga in relief at nagulat nalang ako nang pinapat niya na ako sa ulo at ginugulo-gulo ang buhok ko. "Ano ka ba? We're you worried na magagalit ako matapos nang nakita ko?" pagtatanong niya sa akin.


Ako naman, sinubukan kong itanggi ito pero naunahan na ako ng traydor kong mukha na agad namang nag-init sa hiya. Nabigla nalang ako nang makitang tumatawa si Chris. "Di naman ako galit," mahinahong sabi niya habang nakangiti. "Alam ko namang di ka gagawa ng kahit anong kalokohan. I trust you more than I trust my own brothers."


Di ko alam, pero agad-agad namang bumilis itong tibok ng puso ko at di ko namamalayang nakatitig na pala ako na parang ewan kay Chris. Agad ko namang nakita ang pagkabigla sa mukha niya at ilang saglit pa ay namumula na ang mukha niya. Lumayo naman siya agad ng tingin. "So," dagdag pa niya sabay clear throat. "Baba na tayo?"


***Suddenly, I'm Cinderella***


"Hoy bansot! Anong ginagawa mo rito sa isla namin ah?! Inimbitahan ka rin ba? Feelingero ka na rin ba ngayon? Mabuti pa, umalis ka na rito ngayon bago ko burahin yang mas pangit pa kay Chris na pagmumukha mo!" pagsisisigaw ni Oliver nang nandito na kami sa private beach island.

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon