"Oh f**k, oh s***t!" pagmumura ni Chris sa bakanteng parking lot ng salon.
"Chris my labs, pa-autograph naman o!" sigaw nung isang babae na kanina pa habol nang habol sa amin. May lahi sigurong kabayo kasi kahit anong bilis ng pagtakbo ang ginagawa nung tatlo, nakakasabay naman agad ito. May mangilan-ngilan pang mga babae ang nasa likod nito.
Umabot na kami sa malalaking kalsada ng downtown area pero di ko parin naiisipan na baka nabibigatan na si Chris sa akin. Ang labas tuloy, mukhang enjoy na enjoy itong ate niyo sa pagdadala sa akin ni Chris. Pero di naman ganoon yon, talagang tense lang ako kaya ganoon nalang at di ko man lang napansin.
Maya-maya pa, may nagpakitang itim na SUV sa isang kanto at nagmamadaling tumakbo palapit dun yong tatlo. Nang nakasakay na kaming apat, agad namang pinatakbo ni Leo ang kotse.
"I thought I'll be dead for good," hingal na hingal na sabi ni Patrick. Nang tignan ko yong tatlo, pulang-pula ang mga mukha nila at sa sobrang pawis ay aakalain mong buhis buhay yong ginawa kanina.
"Where's Oliver?" kalmadong tanong ni Leo.
"Yon, siguro linapa na ng mga tigre. Wasak wasak na ang mga laman nun ngayon. Magdasal nalang talaga tayo na nasa langit nawa ngayon ang kaluluwa niya," seryosong sagot naman nitong si Chris.
Pagkasabi niya nun, agad ko naman siyang tinignan nang masama. Para lang dun patay agad si Oliver? Di pupwedeng kinidnap muna tapos hihingan ng ransom tapos papatayin din matapos kunin ang pera? Shoot! Erase, ERASE! Ang galing ko ring magalit kay Chris e isa rin ako kung makapag-isip ng brutal.
"Ah." Ito namang si Leo, kung maka-'ah' parang normal lang na nangyayari ang ganito. E diba butler siya at responsibilidad niyang pangalagaan ang mga amo namin? Bakit ganyan siya kung makaasta?
"Have you tried calling him?" pagtatanong naman niya ulit.
"I just did but he won't answer his phone," pademure pang dagdag ni Patrick sabay balik ng phone sa bulsa.
"Anong gagawin natin ngayon?" di ko naiwasang matanong sa nagpapanic na boses. Baka kasi mamaya may mangyari ngang masama kay Oliver. Kung nagkataon, kasalanan ko pa kasi ako naman ang dahilan kung bakit sila napunta rito in the first place.
"Don't worry Micah. He'll come around," sagot nang napakabait na si Stuart sabay ngiti sakin. Pinat niya bigla ang ulo ko at nagulat naman ako. "Kamukha mo na talaga si Rose pero minus the simangot."
Ha? Ano raw? Anong minus the simangot?
***Suddenly, I'm Cinderella***
"Ah guys? Wala ba talaga tayong balak na hanapin si Oliver?" natanong ko fifteen minutes later nang nasa isang mamahaling restaurant na kami at kumakain ng lunch.
"Don't worry about him. Makikita rin natin siya. Alam mo na, sa KABILANG BUHAY." Binigyan pa ako nang evil look ni Chris at niliitan ko naman siya ng mga mata. Nagtitigan lang kami nang ganun for awhile at ilang saglit pa at natawa itong si Chris. "Di ka naman mabiro! Don't worry nga, kasi may anting-anting yang si Oliver at di yan mamamatay nang basta-basta kahit magpasabog ka ng granada sa tabi niya."
With that, nagpatuloy lang kami sa pagkain. Tahimik lang kami sa halos walang taong restaurant. Palibhasa kasi, makalaglag panga ang presyo ng mga pagkain. Nag-alangan tuloy ako kaninang um-order.
Habang kumakain, nasabi ni Patrick na sa mall daw ang sunod na punta namin.
"Sigurado ba kayo diyan? Baka mamaya maulit yong nangyari kanina. Di ba pupwedeng ipabukas nalang natin yan?" pagtutol ko naman. "And for one thing, ano pang gagawin natin sa mall?"
BINABASA MO ANG
Suddenly, I'm Cinderella
RomansaYou spent the last five years of your life as a poor nobody na ang tanging pangarap sa buhay ay magkaroon ng sapat na pera para ibuhay ang sarili for another day. What if kung isang araw someone offered you to be a billionaire's daughter? Papayag ka...