Kiss Me Under the Pouring Rain Part 2

84 5 5
                                    

"Alam mo, kung wala ka rin lang matinong gagawin, matulog ka nalang kaya," supladang sambit ni Kim kay Oliver na kanina pa siya kinukulit na maglaro sila ng ewan nitong game.


Nasa loob pa rin sila ng bahay at nasa sala naman sila ngayon. Di alam ni Kim kung nasan ang ibang tao sa isla pero di niya naman din alam na kinuntsaba na ni Oliver ang mga tao rito na magsilayas para masolo naman nila ni Kim ang lugar. Umuulan parin kaya hanggang bahay parin ang date nila.


"Ayoko! Sige na naman Kim! Madali lang naman to eh! May nabasa kasi ako sa internet kagabi. Ang sabi dun, posible kang mainlove sa isang tao sa loob lamang ng four minutes. Pero kailangan, nagtititigan kayo at nagshishare kayo ng mga sekreto ninyo. Parang ganito oh," Walang pakundangang nilapit ni Oliver ang mukha kay Kim. Nagtitigan ang dalawa ng siguro mga isang segundo bago itulak ni Kim si Oliver palayo.


"Ikaw ha, binabastos mo na ako! Akala mo di ko nahahalata?"


"Di kaya! Kailan kita binastos?" nakapout na tanong ni Oliver pero na siya pinansin ni Kim. Nakabukas ang tv sa isang horror slash brutal na movie at bumalik ang atensiyon dito ni Kim.


"Kim? Kim? Galit ka ba? Hoi Kim!" Binato ni Oliver ng candy wrapper si Kim sa pisngi pero di talaga siya nito pinapansin. Naiirita na kasi talaga si Kim sa mga kalokohan ni Oliver pero wala naman siyang magawa para mapaalis ito.


"Sumagot ka naman! Kahit 'I love you too' pwede na," nagbibirong dagdag pa ni Oliver. Pero parang di man lang siya narinig ni Kim. Lumapit si Oliver at inuyog-uyog ang ang balikat nito. "Sakin ka naman tumingin oh. Mas exciting kaya ang mukha ko kesa sa horror horror na yan! Sige na Kim, pansinin mo na ako at gawin na natin yong game ko! Sige na!" Pero determinado talaga si Kim na di pansinin si Oliver kaya di lang ito umimik.


"Sus, galit nga sakin. Ang sama nito. Wala nga akong ginagawang masama eh. Susumbong kita kay Patrick mamaya at sasabihin kong wag makipagdate sayo bukas kasi di ka nakipag-cooperate sakin," nanlulumong sabi ni Oliver habang nakapout.


Ayaw naman manood ni Oliver dun sa horror kasi ayaw niyang nakakanood ng nakakatakot. Medyo duwag kasi siya sa mga ganyan. Kaya umupo nalang siya nang tahimik sa tabi ni Kim habang nakayuko. May kinuha siyang mansanas na nasa isang tray sa coffee table at kakagatin na sana ito pero may bigla siyang naisip. Linagyan niya ng smiley face yong mansanas at iniharap ito sa poker face ni Kim. Nagclear throat muna siya sabay pacute ng boses.


(Enclosed image of the mansanas XD)


"Hi! Ako ang bagong pet ni Oliver. Di ka kasi namamansin kaya pinadala niya ako. Napakacool at original ng name ko! Ako pala si Apple. O diba, super original? Pinasasabi lang ni super hot and sexy Oliver na mahal ka niya. At gusto naman niya sumagot ka naman. Kahit 'mahal na mahal din kita' okay lang yon. Kahit wala ng kasamang kiss. Ate Kim, may sagot ka ba?"


Huminga nang malalim si Kim at hinarapan si Apple. "Sabihin mo sa payaso mong amo na saksakin niya ang sarili ng sundang nang wala na akong pinoprobema sa buhay!"


"Sabi ni super hot and sexy Oliver na di niya gagawin yon. Alam kasi niya na nagpapakipot ka lang pero kating-kati ka nang halikan siya. Kung gusto mo raw talagang gawin yon, tanggap naman niya. Di ka naman masisisi ni super hot and sexy Oliver kasi sanay na siya sa ganun."

Suddenly, I'm CinderellaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon